Ibahagi at suriin ang mga file (Classic na karanasan)
Tingnan din
BAGO KA MAGSIMULA! Tingnan kung ang screen na ipinapakita sa ibaba ay tumutugma sa interface ng produkto mo. Kung oo, nararanasan mo ang aming bago at mas madaling maintindihan na interface. Tingnan kung paano Magbahagi ng mga file gamit ang Bagong karanasan at kung paano Suriin ang mga file gamit ang Bagong karanasan. Kung hindi, ipagpatuloy ang pagbabasa.
Nagbibigay ng napakaraming feature at tool ang Acrobat Reader parasa pagbabahagi at pagrerepaso ng mga file. Gamit ang mga feature na mag-share at magrepaso, pwede kang:
Mag-share ng mga file para tingnan lang o para repasuhin para makapagkomento at makapagmarka ang mga tatanggap nito.
I-share ang link ng PDF file sa iba.
Magpadala ng kopya ng file sa iba.
Mag-save ng kopya ng naka-share na file para mabago ito.
I-access ang user interface at mga feature ng Share na pare-pareho sa device, web, at mobile device.
I-sync ang mga file sa lahat ng nakakonektang device.
Gumawa, makibahagi, at mamahala ng mga repaso.
Mag-share ng PDF
Para ibahagi ang mga file na nasa cloud, dapat na konektado sa Internet ang device mo. Para mag-share ng mga PDF:
Magbukas ng PDF at i-tap ang
Ang isa pang paraan, mula sa listahan ng Pinakabagong mga file o ng mga file sa anumang lokasyon, i-tap ang > Ibahagi para sa file na gusto mong i-share.
Sa lilitaw na dialog ng link ng dokumentong Share, piliin ang gusto mong opsyon sa pagbabahagi at sundan ang workflow.
I-share gamit ang email
Magbukas ng PDF at i-tap ang
Sa lilitaw na dialog ng link ng dokumentong Share, i-tap ang icon ng email app na gusto mong gamitin.
Sa pahina ng email na magbubukas, maglagay ng isa o higit pang email address, at maglagay ng mensahe para sa tatanggap kung kailangan.
I-tap ang
I-share gamit ang direktang imbitasyon
Magbukas ng PDF at i-tap ang
Sa lilitaw na dialog ng link ng dokumentong Share, i-tap ang Mag-imbita ng Iba.
Sa lilitaw na dialog ng link ng dokumentong Ibahagi, ilagay ang mga email address ng mga tatanggap.
Bilang opsyon, i-tap ang puwang para sa paksa at/o mensahe para ma-edit ito.
Bilang opsyon, buksan ang Pahintulutan ang mga komento kung gusto mong magdagdag ng mga komento at anotasyon. Ang file na nasa mode na read-only kapag nakasara ang button na Pahintulutan ang mga komento.
Para magtakda ng deadline para sa mga file na naka-share para repasuhin, i-tap ang > Itakda ang Deadline. Ilagay ang petsa at i-tap ang Itakda ang Deadline.
I-tap ang Ipadala.
Awtomatikong maa-upload ang file sa Adobe cloud storage. Maa-access ng mga tumanggap ng dokumento ang file mula sa web pati na sa desktop o mobile. Lahat ng naka-share na file sa listahan ng mga file ay may marka ng icon.
Mag-share ng PDF gamit ang @mention tag
Para agad na ma-share ang PDF sa iba:
Magbukas ng PDF at i-tap ang > Magkomento.
Mula sa toolbar sa ibaba, i-tap ang at i-tap ang dokumento kung saan mo gustong maglagay ng komento.
Sa lilitaw na patlang para sa tala, i-type ang @ at mula sa lilitaw na listahan ng mga user, pumili ng isa.
I-type ang mensahe para sa user at i-tap ang I-post.
Ibabahagi nito ang file sa binanggit na mga user magpapakita ng mensahe ng kumpirmasyon.
Pansinin
Pwede ring gumamit ng @mention tag ang mga tumanggap ng PDF para maimbitahan ang mga hindi collaborator para repasuhin ang dokumento. Pero kung nagtakda ng restriksyon sa pagbabahagi ang organisasyon mo o ang nagpadala ng dokumento, hindi mkakapagdagdag ang mga tumanggap ng mga hindi collaborator para sa pagrerepaso ng dokumento. Kung magdagdag ang mga tumanggap ng mga hindi collaborator sa isang dokumento na may restriksyon, makikita nila ang mensahe na nasa ibaba. Kapag naglagay ka ng tao na nasa labas ng organisasyon mo sa isang dokumentong walang restriksyon, magpapadala ng notipikasyon sa kaniya gamit ang daily digest.
Mag-share ng link ng file
Pwede mo ring i-share ang link ng file. Para magawa ito:
Magbukas ng PDF at i-tap ang
Ang isa pang paraan, mula sa listahan ng Pinakabagong mga file o ng mga file sa anumang lokasyon, i-tap ang > Ibahagi para sa file na gusto mong i-share.
Sa lilitaw na dialog, i-tap ang Gumawa ng link.
Kapag nagawa ang link, makakakita ka ng share dialog.
Mula sa share dialog, pwede mong piliin ang anumang available na app na pwede i-share sa link ng dokumento. O i-tap ang Kopyahin ang URL at i-paste ang link saan mo man gusto.
Nakakatipid ng bandwith kapag nag-share ka ng link at nagbibigay ng access sa mga file na nasa cloud.
Pansinin
Ang mga tumanggap ng link na mula sa mga may-ari ay hindi idinadagda sa litahan ng mga Tao ng naka-share na mga dokumento. Hindi rin maa-access ng mga tumanggap ng link ang naka-share na dokumento mula sa listahan ng 'Shinare ng iba' sa Adobe cloud storage.
Magpadala ng kopya ng file
Pwede ka ring magpadala ng kopya ng file. Para magawa ito:
Magbukas ng PDF at i-tap ang
Ang isa pang paraan, mula sa listahan ng Pinakabagong mga file o ng mga file sa anumang lokasyon, i-tap ang > Ibahagi para sa file na gusto mong i-share.
Sa dialog na I-share sa iba na lilitaw, i-tap ang Magpadala ng kopya.
Sa lilitaw na dialog, piliin ang gustong opsyon ng pagse-share at sundan ang proseso.
Makakatipid ng oras nag-share ng file at magbibigay din sa iyo ng ibang paraan para ipadala ang file. Halimbawa, pwede kang magpadala ng file bilang attachment sa email.
Kapag nagpadala ka ng kopya ng file sa pamamagitan ng email, makakatanggap din ang mga tatanggap ng link sa Acrobat Reader app. Kung wala silang naka-install na app sa kanilang device, ididirekta sila ng link sa Play Store o Galaxy Store.
Magdagdag ng tao sa naka-share na file
Sa Premium subscription ng Acrobat, puwdeng i-share ng mga may-ari ng file ang naka-share nang file sa mas marami pang tao. Pwede kang mag-imbita ng iba pang to sa naka-share na dokumento gamit ang anuman sa dalawang paraang ito:
Magdagdag gamit ang Share
Buksan ang file na naka-share at i-tap ang
Sa lilitaw na dialog, piliin ang anuman sa mga opsyon sa pagse-share at sundan ang workflow.
Para direktang makapagdagdag ng tao sa isang naka-share na file, i-tap ang Mag-imbita ng Iba.
Sa lilitaw na dialog na I-share sa iba, ilagay ang pangalan o email addressng mga gusto mong idagdag.
I-tap ang Ipadala.
Pansinin: Hindi mo pwedeng baguhin ang mensahe na ipinadala mo kasama ang orihinal na pag-share.
Magpadalang direktang imbitasyon sa pamamagitan ng @mention tag
Mag-sign in sa account mo kung hindi ka pa naka-sign in.
Magbukas ng naka-share na PDF. Pwede mong direktang imbitahan ang ibang user sa mga PDF lang na ikaw ang nag-share.
Mula sa toolbar sa ibaba, i-tap ang at i-tap ang dokumento kung saan mo gustong maglagay ng komento.
Sa field ng tala na lalabas, i-tap ang @ at pagkatapos ay pumili ng user mula sa listahan ng mga contact.
I-type ang mensahe para sa user at i-tap ang I-post.
Kapag naipadala na ang imbitasyon, makakakita ka ng mensahe ng kumpirmasyon, gaya ng makikita sa ibaba.
Makakatanggap ang idinagdag na mga tao ng notipikasyon at isasama sa listahan ng mga Tao sa naka-share na file.
Mag-save ng kopya ng naka-share na file
Pwede kang mag-save ng kopya ng naka-share na mga file kasama ng mga komento ng repaso, kung mayroon. Para magawa ito:
Magbukas ng file mula sa Adobe cloud storage.
I-tap ang > Mag-save ng kopya.
Pumili ng destinasyon sa mga lilitaw na opsyon at i-tap ang I-save.
Baguhin ang naka-share na mga file
Puwede mong baguhin ang isang nakabahaging file gamit ang alinman sa sumusunod na dalawang paraan:
Alisin sa pagkakabahagi ang file, i-edit ito kung kinakailangan, at pagkatapos ay ibahagi itong muli sa mga tatanggap.
Gumawa ng kopya ng nakabahaging file at pagkatapos ay baguhin ito.
Para baguhin ang isang nakabahaging file sa pamamagitan ng paggawa ng kopya:
Mula sa listahan ng mga naka-share na file, i-tap ang file para mabuksan ito.
Mul sa menu sa itaas, i-tap ang > I-edit ang PDF. Ang isa pang paraan, i-tap ang > I-edit ang PDF.
Sa lilitaw na dialog, i-tap ang Gumawa ng kopya. Gagawa ito ng kopya ng file at magbubukas sa tool mode.
Pansinin
Ang mga may-ari lang ng file ang pwedeng gumawa ng kopya para baguhin ito. Hindi pwedeng baguhin lang ng mga nakatanggap ang naka-share na file.
Magrepaso ng mga file
Tumutulong ang mga feature sa pagrerepaso para makapagdagdag ka ng mga komento at anotasyon, mag-edit ng mga komento, sumagot sa mga komento, at makatanggap ng notipikasyon kapag may aktibidad sa hanay ng komento mo. Para marepaso ang mga file:
Mula sa email ng imbitasyon sa pagrerepaso na natanggap mo, i-click ang link. Awtomatiko nitong binubuksan ang dokumento ng pagsusuri sa Acrobat Reader.
Mag-sign in gamit ang iyong Adobe ID kung hindi ka pa naka-sign in. Kailangan mong magsign in sa account mo para ma-access ang mga file na rerepasuhin.
Gamitin ang toolbar sa ibaba para makapagdagdag ng komento, magdagdag ng komento sa highlight, sumagot, o magbura ngkomento, kung kailangan.
Awtomatikong mase-save ang dokumento makikita ng lahat ng tagarepaso ang mga komento mo. Pwede mong repasuhin ang mga file kahit offline ka. Ise-save ng app ang mga komento mo at isi-sync ito sa dokumento kapag may koneksyon ka na.
Gumamit ng mga komentong text
Nagsasaad ang isang icon ng komento ng komentong text sa nakabahaging dokumento. Awtomatikong ia-assign ng Acrobat ang kulay sa bawat tagarepaso ng dokumento. Para tumingin ng, tumugon sa, o mag-edit ng komento, i-tap mo ang icon ng komento. Ipapakita nito ang edit panel ng komento sa ilalim.
Pwede mong gamitin ng edit panel ng komento para:
Tumugon sa isang komentong text
Makasagot sa komento:
I-tap ang sa anumang komento. O mula sa listahan ng lahat ng komento, i-tap ang komento na gusto mong sagutin.
Sa lilitaw na edit panel ng komento, i-type ang sagot mo at i-tap ang Sumagot.
I-mention ang isang espesipikong tagarepaso
Kapag sumasagot ng komento, pwede mong gamitin ang @mention tag para tukuyin nang direkta ang isang tagarepaso. Pwede ring direktang imbitahan ng mga nagpapadala ng dokumento ang iba pang tao gamit ang @mention tag. Para magamit ang tag:
Gumawa ng bagong komento o sumagot sa isang komento.
I-tap ang at pumili ng pangalan sa listahan ng mga tagarepaso.
Tapusin ang komento mo at i-tap ang I-post.
Makakatanggap ng notipikasyon ang binanggit mong user o inimbitahang magrepaso sa dokumento.
Burahin ang sariling komento
Pwedeng burahin ng may-ari ng nirerepasong dokumento ang anumang komento. Pero maaari lang burahin ng ibang tagarepaso ang sarili nilang komento. Para mabura ang komento, i-tapang komento na gusto mong burahin. Pagkatapos, i-tap ang sa panel ng komento.
I-edit ang sariling komento
Pwede lang i-edit ng mga tagarepaso ang sarili nilang komento. Para ma-edit ang komento, i-tap ito para mabuksan ang edit panel ng komento. Pagkatapos, i-tpa a ng > I-edit ang sagot.
Buksan ng listahan ng mga komento
Para mabuksan ang listahan ng mga komento:
Mula sa edit panel ng mga komento, i-tap ang .
O mula sa menu bar sa itaas, i-tap ang > Mga Komento.
Mag-navigate sa mga komento
Kapag maraming komento ang mga dokumento, pwede mong gamitin ang mga tool sa navigation.
Mula sa listahan ng mga komento, mag-scroll pataas at pababa sa mga komento.
Mula sa espesipikong komento, mag-scroll pakaliwa at pakanan sa mga komento.
I-filter ang mga komento
Pwede kang mag-filter ng mga komento ayon sa oras, tagarepaso, at kung naresolba o nabasa na ang isang komento o hindi pa. Para magawa ito:
I-tap ang
I-tap ang anumang filer.
I-tap ang Ilapat.
Kapag inilapat mo ang mga filter, may makikita kang filter bar sa itaas na nagpapakita ng bilang ng piniling filter at button na I-clear. I-tap ang Alisin lahat para maalis ang lahat ng filter.
Gumamit ng mga komentong boses
Puwede ring maglaman ang isang dokumento ng mga komentong boses na isinasaad ng . Puwede kang makinig ng, tumugon sa, o mag-delete ng komentong boses.
Para makinig o tumugon sa isang komentong boses:
I-tap ang para makipag-ugnayan sa komentong boses. O kaya, mula sa listahan ng mga komento, i-tap ang komentong gusto mong pakinggan.
Sa bubukas na panel ng komentong boses, gawin ang alinman sa mga sumusunod na pagkilos:
Para makinig sa komentong boses, i-tap ang
Para tumugon sa komentong boses, i-tap ang at pagkatapos ay i-type ang iyong mensahe. Kapag tapos na, i-tap ang Tumugon.
Para i-delete ang komentong boses, i-tap ang
Tingnan ang mga notipikasyon
Pinapadalhan ka ng mga notipikasyon ng alerto para sa mga kahilingan at/o mensahe mula sa nagpadala. Depende sa setting mo, maaari ding lumitaw ang mga notipikasyon sa home screen mo.
Para makita ang pinakabagong mga notipikasyon, i-tap ang . Ipapakita nito ang listahan ng sumusunod na dalawang klase ng notipikasyon:
Mga kahilingan: Mga item ito ng aksyon gaya ng direktang mensahe, kahilingang magrepaso ng file, at iba pa.
Notipikasyon: Mga simpleng mensahe ito.
Pamahalaan ang mga repaso
Magpapadala sa iyo ng notipikasyon ang Acrobat kapag tiningnan ng mga tagarepaso ang file mo at nagkomento rito. Pwede mo ring laging i-monitor at i-track ang mga repaso online o mula sa desktop.
Kapag nag-share ka ng file, pwede mong i-track at pamahalaan ang pag-share na ito. Pwede kang:
Magpadala ng mensahe sa mga tagarepaso. Natatanggap ang mga mensahe bilang mga notipikasyon.
Tumingin sa listahan ng mga tagarepaso.
Magdagdag ng mga tagarepaso.
Bawiin ang pag-share ng mga file at magtanggal ng mga repaso.
Pwede kang mag-manage ng repaso sa pamamagitan ng pag-click sa mula sa nakabukas na dokumento. Bubuksan nito ang isang dialog box, gaya ng makikita sa ibaba.
Magdagdag ng mga tagarepaso
Pwedeng magdagdag ng tagarepaso ang may-ari ng file na nirerepaso para magbukas ng share/magrepaso anumang oras.
Mula sa anumang listahan ng file (Home, Naka-share, o resulta ng paghahanap):
I-tap ang
I-tap ang Mga tao.
Sa lilitaw na dialog, i-tap ang Idagdag.
Ilagay ang email address ng tao na gusto mong idagdag at i-tap ang button na bumalik kapag tapos ka na.
Tingnan ang mensahe ng repaso
Para marepaso ang unang mensahe na ipinadala mo kasama ang pag-share ng file:
Mula sa Home, Naka-share, o resulta ng Paghahanap, buksan ang naka-share na file.
I-tap ang
I-tap ang Mensahe.
Bawiin ang pag-share ng file
Para mabawi ang pag-share ng file:
Mula sa listahan ng Home, Naka-share, o resulta ng paghahanap, i-tap ang .
Ang isa pang paraan, buksan ang file at i-tap ang .
I-tap ang Bawiin ang pag-share ng file.
I-tap ulit ang Bawiin ang pag-share para kumpirmahin.
Kapag nabawi mo na ang pag-share ng file, hindi na maa-access ng lahat ng user ang file na iyon.
I-delete ang share o repaso
Ang mga may-ari lang ng file na nirepaso ang pwedeng mag-delete ng file. Para magawa ito:
Mula sa listahan ng file sa Home, Naka-share, o resulta ng Paghahanap, i-tap ang
I-tap ang I-delete.
I-tap ulit ang I-delete para kumpirmahin.
Pansinin
Hindi nabubura ang file kapag tinanggal ang access sa share at pagrepaso.
I-report ang pang-aabuso
Pwedeng i-report ng mga tagarepaso ang pag-abuso kapag nilabag ng ibang tagarepaso ang tuntunin sa paggamit ng Adobe:
I-tap ang
I-tap ang Mag-report ng Pag-abuso.
Pumili ng browser na magbubukas ng form para mag-report ng pag-abuso.
Sa lilitaw na form ng Mag-report ng pag-abuso, punan ang kailangang mga detalye.
I-tap ang Mag-report ng Pag-abuso.
Alisin ang sarili mula sa repaso
Para alisin ang sarili mula sa repaso:
I-tap ang
I-tap ang Alisin Ako.
I-tap ulit ang Alisin Ako para kumpirmahin na gusto mong alisin ang sarili mo mula sa repaso.