Punan at lagdaan ang mga form

Pansinin

Puwede mong punan at lagdaan ang mga form sa online at offline. Hindi mo kailangang nakakonekta sa internet para punan at lagdaan ang mga form.

Ang Acrobat Reader app ay nagbibigay ng suporta para sa sumusunod na dalawang uri ng mga form:

  • Acroform: May mga patlang ito kung saan pwede kang direktang maglagay ng data, mag-check ng kahon, at iba pa. Pwedeng punan ng mga user ang mga patlang mula sa anumang platform at i-edit sa Acrobat. Pero hindi ka pwedeng mag-edit o mag-alis ng mga patlang sa Acroform form sa mobile device.

  • Mga form na Punan at Lagdaan: Pwede mong gawin ang mga form na ito sa anumang platform, kasama ang mobile device. Ang mga patlang ng formna Punan at Pirmahan at kapareho ng anotasyon: pwede mong piliin ang elemento ng form mulla sa tool bar at mag-tap kahit saan sa PDF para ipwesto ito. Sinusuportahan din ng Acrobat ang pagdadagdag at pag-e-etid ng mga patlang sa form na Punan at Pirmahan.

Buksan ang form sa mode na punan at lagdaan

  1. Buksan ang form na gusto mong punan at lagdaan.

  2. Mula sa ibabang toolbar, i-tap ang fillsign

    Binubuksan nito ang form sa mode na 'Punan at Lagdaan' kung saan nagpapakita ang ibabang toolbar ng mga tool sa pag-edit ng form.

    ../_images/form-fill-n-sign.png
  1. Punan ang kaukulang mga field ayon sa sumusunod na mga tagubilin.

Tingnan din

Naglunsad kami kamakailan ng bago at mas madaling maunawaan na karanasan sa produkto. Kung hindi mo nakikita ang Quick actions toolbar sa ibaba, ginagamit mo ang klasikong interface ng Acrobat. Para magbukas ng form sa fill & sign mode, dapat mong i-tap ang editicon > Punan at Lagdaan.

Punan ang mga field na text

  1. I-tap ang formtextbox at pagkatapos i-tap sa field kung saan mo gustong magdagdag ng text.

    Ipinapakit nito ang field ng text kasama ng isang tool bar, tulad ng ipinapakita sa ibaba.

    ../_images/form-fill-fields.png
  2. I-tap muli ang field ng text at ilagay ang iyong text.

  3. Para muling iposisyon ang text box para ihanay ito sa field ng text, pindutin nang matagal ang textbox. Kapag nakita mo na ang magnifying symbol, ilipat ang textbox sa gustong posisyon.

    ../_images/form-reposition-field.png
  4. Para i-edit ang text, i-tap ang text box. Kapag nakita mo na ang cursor at keypad, i-edit ang text at pagkatapos mag-tap sa ibang lugar para ilagay.

  5. Para baguhin ang laki ng text, i-tap ang A o A ayon sa kinakailangan.

  6. Para baguhin ang kulay ng text, i-tap ang colorpick at pagkatapos i-tap ang anumang kulay mula sa color palette.

    ../_images/forms-color-palette.png
  1. Para i-delete ang text, i-tap ang burahin

  2. Para baguhin ang istilo ng text mula sa normal para gawing combed, mula sa textbox menu, i-tap ang > formtextcombed

    ../_images/form-change-text-field-type.png

    Binabago nito ang style ng text mula sa normal para gawing combed.

    ../_images/form-text-field-combed.png ../_images/form-combed-text.png

Pansinin

Ang combed text ay isang style ng text kung saan ang bawat letra ng text ay pantay-pantay ang pagitan sa tulong ng pagkakasunod-sunod ng mga kahon.

  1. Kapag tapos na, i-tap ang susunod na field space, at pagkatapos sa text box na lalabas, ilagay ang iyong text.

Punan ang mga field ng opsyon ng radyo

  1. Mag-tap sa field gamit ang opsyon ng radyo.

    Awtomatiko itong minarkahan ng isa sa mga napiling simbolo: formcheck, formcross o formbullet

    ../_images/form-fill-checkbox.png
  2. Para baguhin ang simbolo, i-tap muli ang field, at pagkatapos mula sa menu, i-tap ang overflow at pagkatapos pumili ng isa pang symbol.

    ../_images/form-checkboxes-options.png

    Minamarkahan nito ang field ng napiling symbol.

    ../_images/form-checkboxes-checkmark.png

Magdagdag ng lagda at mga inisyal

  1. Gumawa ng iyong lagda at mga inisyal kung hindi pa tapos. Para magawa ito:

    1. Mula sa ibabang toolbar o mula sa textbox menu, i-tap ang formsign

    2. Mula sa mga opsyon sa ibaba, i-tap ang Magdagdag ng lagda. Sa dialog na lalabas, gumuhit ng lagda at pagkatapos ay i-tap ang Tapos na.

    ../_images/form-create-sign.png
    1. I-tap ang formsign > Magdagdag ng mga inisyal. Sa dialog na lalabas, iguhit ang iyong mga inisyal at pagkatapos i-tap ang Tapos na.

    ../_images/forms-initials.png

    Pansinin

    Puwede ka ring magdagdag ng larawan bilang iyong lagda o mga inisyal. Para magdagdag ng kasalukuyang larawan, i-tap ang icon ng larawan mula sa itaas na menu. Para kumuha ng bagong larawan na idadagdag bilang iyong lagda, i-tap ang icon ng camera at sundin ang workflow.

  2. Para magdagdag ng lagda:

    1. I-tap sa field kung saan mo gustong magdagdag ng lagda.

    2. Mula sa mga opsyon sa menu ng textbox, i-tap ang formsign. Kung hindi, mula sa ibabang toolbar, i-tap ang formsign.

      Lilitaw ang iyong lagda sa field.

      ../_images/form-sign-added.png

      Pansinin

      Kapag nagdagdag ka ng lagda o inisyal sa isang form at i-save ito, hindi mo na ito mai-edit muli. Kaya, kapag nagdadagdag ng pirma o inisyal, makikita mo ang sumusunod na mensahe ng babala.

      ../_images/forms-message-not-editable.png
    3. Para ayusin ang pagkakalagay ng iyong lagda, pindutin nang matagal ang iyong lagda at pagkatapos ilipat ito.

      ../_images/form-sign-reposition.png
    4. Para ayusin ang laki ng iyong lagda, i-tap ang iyong lagda at pagkatapos hawakan at i-drag ang tool sa pag-resize ayon sa gusto mo.

  3. Para idagdag ang iyong mga inisyal:

    1. I-tap sa field kung saan mo gustong idagdag ang iyong mga inisyal.

    2. Mula sa menu ng textbox, i-tap ang icon ng mga inisyal.

      Lilitaw ang iyong mga inisyal sa field.

    3. Para ayusin ang pagkakalagay ng iyong lagda, pindutin nang matagal ang iyong mga inisyal at pagkatapos ilipat ito.

    4. Para ayusin ang laki ng iyong mga inisyal, i-tap ito at pagkatapos hawakan at i-drag ang tool sa pag-resize ayon sa gusto mo.

    ../_images/forms-initials-move-delete.png

Tingnan ang mga FAQ

  • Puwedei ko bang punan at lagdaan ang mga form kung wala akong koneksyon sa internet?

    Oo, puwede mong punan at lagdaan ang form kahit pati offline din. Hindi mo kailangan ng aktibong koneksyon sa internet para punan at lagdaan ang mga form.

  • Puwedei ko bang baguhin ang mga field sa isang form?

    Puwede mong baguhin ang mga umiiral na field sa isang form gamit ang feature na I-edit ang PDF, gaya ng inilarawan sa itaas. Gayunpaman, hindi mo puwedeng baguhin o i-delete ang mga field sa isang form pagkatapos itong malagdaan at ma-save.

  • Puwede bang awtomatikong punan ang mga field ng form para sa akin?

    Ang mga field ng form ay hindi maaaring awtomatikong punan. Sinusuportahan ng app na Acrobat Reader ang auto-detection na tumutulong sa iyong matukoy ang mga field ng form. Para sa mga field ng text, puwedeng magpakita ang Acrobat ng mga mungkahi batay sa data na pinunan mo kanina.

  • Bakit hindi ko mapirmahan ang isang dokumento?

    Hindi ka maaaring makapirma sa dokumento kung ang dokumento ay:

    • Naka-share para repasuhin

    • Naka-share para tingnan lang

    • May password

  • Bakit hindi ko mabura ang pirma ko sa isang dokumento?

    Kapag na-save na ang dokumento, na-flat na ang PDF at hindi na pwedeng alisin ang pirma.

  • Bakit hindi ko makita ang mga komento ko, form data, o pirma sa PDF ko?

    Dapat kang mag-sign in sa account mo sa Adobe Acrobat Reader para makit ang mga komento, form data, at pirma sa iyong PDF.

  • Paano ko maipapakita ang listahan ng mga pirma sa isang dokumento?

    Hindi sinusuportahan ng Acrobat Reader app sa kasalukuyan ang feature na ito.

  • Pwede ba akong pumirma sa mga PDF na may password?

    Hindi.