Magrepaso ng mga file

Tingnan din

BAGO KA MAGSIMULA! Tingnan kung ang screen na ipinapakita sa ibaba ay tumutugma sa interface ng produkto mo. Kung oo, ginagamit mo ang aming klasikong interface. Tingnan kung paano Ibahagi at suriin ang mga file gamit ang aming Classic na karanasan. Kung hindi, ipagpatuloy ang pagbabasa. oldui

Nagbibigay ang Acrobat Reader ng saganang set ng feature at tool para sa pag-review ng mga ibinahaging file. Gamit ang mga feature sa Pagbabahagi at pag-review, magagawa mong:

  • Magdagdag ng mga komento at anotasyon, mag-edit ng mga komento, tumugon sa mga komento, at makatanggap ng mga notification kapag may aktibidad sa iyong mga komento sa thread.

  • I-synchronize ang mga file sa lahat ng nakakonektang device.

  • Gumawa, makibahagi, at mamahala ng mga repaso.

Para marepaso ang mga file:

  1. Mula sa email ng imbitasyon sa pagsusuri na natanggap mo, piliin ang link. Awtomatiko nitong binubuksan ang dokumento ng pagsusuri sa Acrobat Reader. Hindi mo kailangang mag-sign in para ma-access ang mga review file.

  2. Gamitin ang toolbar sa ibaba para makapagdagdag ng komento, magdagdag ng komento sa highlight, sumagot, o magbura ngkomento, kung kailangan.

    ../_images/review-toolbar.png

Awtomatikong mase-save ang dokumento makikita ng lahat ng tagarepaso ang mga komento mo. Pwede mong repasuhin ang mga file kahit offline ka. Ise-save ng app ang mga komento mo at isi-sync ito sa dokumento kapag may koneksyon ka na.

Gumamit ng mga komentong text

Nagsasaad ang isang icon ng komento commenticon3 ng komentong text sa nakabahaging dokumento. Awtomatikong ia-assign ng Acrobat ang kulay sa bawat tagarepaso ng dokumento. Para tumingin ng, tumugon sa, o mag-edit ng komento, i-tap mo ang icon ng komento. Ipapakita nito ang edit panel ng komento sa ilalim.

../_images/commentpanel-new.png

Pwede mong gamitin ng edit panel ng komento para:

  • Tumugon sa isang komentong text

    Makasagot sa komento:

    1. I-tap ang commenticon3 sa anumang komento. O mula sa listahan ng lahat ng komento, i-tap ang komento na gusto mong sagutin.

    2. Sa lilitaw na edit panel ng komento, i-type ang sagot mo at i-tap ang Sumagot.

  • I-mention ang isang espesipikong tagarepaso

    Kapag sumasagot ng komento, pwede mong gamitin ang @mention tag para tukuyin nang direkta ang isang tagarepaso. Pwede ring direktang imbitahan ng mga nagpapadala ng dokumento ang iba pang tao gamit ang @mention tag. Para magamit ang tag:

    1. Gumawa ng bagong komento o sumagot sa isang komento.

    2. I-tap ang aticon at pumili ng pangalan sa listahan ng mga tagarepaso.

    3. Tapusin ang komento mo at i-tap ang I-post.

    Makakatanggap ng notipikasyon ang binanggit mong user o inimbitahang magrepaso sa dokumento.

  • Burahin ang sariling komento

    Pwedeng burahin ng may-ari ng nirerepasong dokumento ang anumang komento. Pero maaari lang burahin ng ibang tagarepaso ang sarili nilang komento. Para mabura ang komento, i-tapang komento na gusto mong burahin. Pagkatapos, i-tap ang deleteicon sa panel ng komento.

  • I-edit ang sariling komento

    Pwede lang i-edit ng mga tagarepaso ang sarili nilang komento. Para ma-edit ang komento, i-tap ito para mabuksan ang edit panel ng komento. Pagkatapos, i-tpa a ng overflowicon > I-edit ang sagot.

  • Buksan ng listahan ng mga komento

    Para mabuksan ang listahan ng mga komento:

    • Mula sa edit panel ng mga komento, i-tap ang bulleticon.

    • O mula sa menu bar sa itaas, i-tap ang overflowicon > Mga Komento.

  • Mag-navigate sa mga komento

    Kapag maraming komento ang mga dokumento, pwede mong gamitin ang mga tool sa navigation.

    • Mula sa listahan ng mga komento, mag-scroll pataas at pababa sa mga komento.

    • Mula sa espesipikong komento, mag-scroll pakaliwa at pakanan sa mga komento.

  • I-filter ang mga komento

    Pwede kang mag-filter ng mga komento ayon sa oras, tagarepaso, at kung naresolba o nabasa na ang isang komento o hindi pa. Para magawa ito:

    1. I-tap ang filtericon

    2. I-tap ang anumang filer.

    3. I-tap ang Ilapat.

    ../_images/filters.png

    Kapag inilapat mo ang mga filter, may makikita kang filter bar sa itaas na nagpapakita ng bilang ng piniling filter at button na I-clear. I-tap ang Alisin lahat para maalis ang lahat ng filter.

    ../_images/filterbar.png

Makinig sa mga komentong boses

Puwede ring maglaman ang isang dokumento ng mga komentong boses na isinasaad ng voicecomment. Puwede kang makinig ng, tumugon sa, o mag-delete ng komentong boses.

Para makinig o tumugon sa isang komentong boses:

  1. I-tap ang voicecomment para makipag-ugnayan sa komentong boses. O kaya, mula sa listahan ng mga komento, i-tap ang komentong gusto mong pakinggan.

  2. Sa bubukas na panel ng komentong boses, gawin ang alinman sa mga sumusunod na pagkilos:

    • Para makinig sa komentong boses, i-tap ang playicon

    • Para tumugon sa komentong boses, i-tap ang voicereply at pagkatapos ay i-type ang iyong mensahe. Kapag tapos na, i-tap ang Tumugon.

    • Para i-delete ang komentong boses, i-tap ang trash

../_images/voice-comment.png

Tingnan ang mga notipikasyon

Pinapadalhan ka ng mga notipikasyon ng alerto para sa mga kahilingan at/o mensahe mula sa nagpadala. Depende sa setting mo, maaari ding lumitaw ang mga notipikasyon sa home screen mo.

Para makita ang pinakabagong mga notipikasyon, i-tap ang bellalerticon. Ipapakita nito ang listahan ng sumusunod na dalawang klase ng notipikasyon:

  • Mga kahilingan: Mga item ito ng aksyon gaya ng direktang mensahe, kahilingang magrepaso ng file, at iba pa.

  • Notipikasyon: Mga simpleng mensahe ito.

    ../_images/notifications.png

Pamahalaan ang mga repaso

Magpapadala sa iyo ng notipikasyon ang Acrobat kapag tiningnan ng mga tagarepaso ang file mo at nagkomento rito. Pwede mo ring laging i-monitor at i-track ang mga repaso online o mula sa desktop.

Kapag nag-share ka ng file, pwede mong i-track at pamahalaan ang pag-share na ito. Pwede kang:

  • Magpadala ng mensahe sa mga tagarepaso. Natatanggap ang mga mensahe bilang mga notipikasyon.

  • Tumingin sa listahan ng mga tagarepaso.

  • Magdagdag ng mga tagarepaso.

  • Bawiin ang pag-share ng mga file at magtanggal ng mga repaso.

Pwede kang mag-manage ng repaso sa pamamagitan ng pag-click sa overflowicon mula sa nakabukas na dokumento. Bubuksan nito ang isang dialog box, gaya ng makikita sa ibaba.

../_images/managereview.png

Magdagdag ng mga tagarepaso

Pwedeng magdagdag ng tagarepaso ang may-ari ng file na nirerepaso para magbukas ng share/magrepaso anumang oras.

Mula sa anumang listahan ng file (Home, Naka-share, o resulta ng paghahanap):

  1. I-tap ang overflowicon

  2. I-tap ang Mga tao.

  3. Sa lilitaw na dialog, i-tap ang Idagdag.

  4. Ilagay ang email address ng tao na gusto mong idagdag at i-tap ang button na bumalik kapag tapos ka na.

Tingnan ang mensahe ng repaso

Para marepaso ang unang mensahe na ipinadala mo kasama ang pag-share ng file:

  1. Mula sa Home, Naka-share, o resulta ng Paghahanap, buksan ang naka-share na file.

  2. I-tap ang overflowicon

  3. I-tap ang Mensahe.

Bawiin ang pag-share ng file

Para mabawi ang pag-share ng file:

  1. Mula sa listahan ng Home, Naka-share, o resulta ng paghahanap, i-tap ang overflowicon.

  2. Ang isa pang paraan, buksan ang file at i-tap ang overflowicon.

  3. I-tap ang Bawiin ang pag-share ng file.

  4. I-tap ulit ang Bawiin ang pag-share para kumpirmahin.

Kapag nabawi mo na ang pag-share ng file, hindi na maa-access ng lahat ng user ang file na iyon.

I-delete ang share o repaso

Ang mga may-ari lang ng file na nirepaso ang pwedeng mag-delete ng file. Para magawa ito:

  1. Mula sa listahan ng file sa Home, Naka-share, o resulta ng Paghahanap, i-tap ang overflowicon

  2. I-tap ang I-delete.

  3. I-tap ulit ang I-delete para kumpirmahin.

Pansinin

Hindi nabubura ang file kapag tinanggal ang access sa share at pagrepaso.

I-report ang pang-aabuso

Pwedeng i-report ng mga tagarepaso ang pag-abuso kapag nilabag ng ibang tagarepaso ang tuntunin sa paggamit ng Adobe:

  1. I-tap ang overflowicon

  2. I-tap ang Mag-report ng Pag-abuso.

  3. Pumili ng browser na magbubukas ng form para mag-report ng pag-abuso.

  4. Sa lilitaw na form ng Mag-report ng pag-abuso, punan ang kailangang mga detalye.

  5. I-tap ang Mag-report ng Pag-abuso.

    ../_images/report-abuse.png

Alisin ang sarili mula sa repaso

Para alisin ang sarili mula sa repaso:

  1. I-tap ang overflowicon

  2. I-tap ang Alisin Ako.

  3. I-tap ulit ang Alisin Ako para kumpirmahin na gusto mong alisin ang sarili mo mula sa repaso.