Hanapin ang problema

Humingi ng tulong at maghanap ng sagot

Kung nagkakaproblema ka sa app, isang file, o may tanong, humingi ng tulong sa mga kapuwa mo user sa online na forum.

Alamin ang bersyon ng app mo

Naka-default na kusang mag-update ang app. Para malaman ang bersyon ng naka-install na app, i-tap ang profileicon > About Adobe Acrobat.

Lilitaw ang bersyon ng naka-install sa ilalim ng heading na Tungkol Dito.

../_images/version.png

Alamin kung sino ang naka-log in

Makikita kung sino ang naka-log in sa pamamagitan ng pag-tap sa profileicon

Hanapin ang bersyon ng OS mo

Pansinin: Iba-iba ang paraan ng paghahanap ng bersyon ng Android depende sa device, pero magsimula sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Setting > Tungkol sa Phone.

  1. I-tapang icon ng Mga Setting ng device.

  2. I-tap ang Tungkol sa phone at hanapin ang bersyon ng software mo.

Kunin ang talaan ng crash

Kung nagka-crash ang app mo, gawin ang sumusunod at ipadala sa amin ang talaan ng crash:

  1. Magpunta sa setting ng device mo

  2. I-tap ang Tungkol sa Phone > Numero ng Build.

  3. I-tap ang numero ng build nang 6 na beses mabuksan ang opsyon ng developer.

  4. I-tap ang button na bumalik.

  5. I-tap ang Mga opsyon ng developer > Kunin ang report tungkol sa bug.

  6. I-tap ang Report ng interaksyon > Report

  7. Kapag handa na ang report tungkol sa bug, ipadala ang talaan, klase ng device, at bersyon ng OS sa online na forum.

Ipadala ang talaan ng crash sa Adobe

Kung mag-crash ang app mo, may lilitaw na dialog na humihiling ng pahintulot mo kung lagi mong ipapadala ang o minsan lang. Piliin ang Lagi para tulungan ang Adobe na ayusin ang anumang problema sa app.

Ipadala ang mga kahilingang feature

Kung mayroon kang kahilingan sa feature o gusto mong magbahagi ng mga ideya sa development team, punan ang kahilingan sa feature na ito o form ng bug.

Karaniwang mga Tanong

  • Paano ko makikita ang mga subscription ko?

    Kung hindi avaiable ang feature na sinusubukan mong gamitin o hinilingan kang mag-subscribe, tingnan ang kasalukuyan mong mga subscription sa ganitong paraan:

    1. I-tap ang profileicon

    2. I-tap ang Mga Subscription.

    3. Para pamahalaan ang kasalukuyang mga subscription mo, i-tap ang I-manange ang mga Subscription.

    ../_images/subscriptions.png
    1. Para makabili ng subscription, i-tap ang Subukan Ngayon at sundan ang workflow.

    ../_images/subscriptions-try-now.png
  • Bakit nagbago o nawala ang mga menu ko?

    Kapag bukas ang file, pwedeng gawing immersive mode ang file sa isang tap lang. Itinatago ng immersive mode ng mga menu para mas maipakita ang dokumento.

    Iba-iba ang menu depende sa kung ano ang tinitingnan mo. Halimbawa, nagbabago ang mga item sa menu bar sa itaas depende kung tumitingin ka ng pribadong file, naka-share na file, o file na rerepasuhin.

  • Paano ko pilit na maisasara ang Acrobat Reader app?

    Minsan, magandang patigilin ang app para malinis ang memory, ma-reset ang cache, atpb. Para magawa ito, gawin ang sumusunod:

    • I-tap ang button ng Pinakabagong mga App ng device mo, i-swipe ito para masara.

    • Magpunta sa Mga setting > Tagapamahala ng app > Adobe Acrobat > Puwersahang Patigilin.

  • Magagawa ba naming default na opsyon ang Adobe Acrobat para sa pagbubukas ng dokumento sa Android?

    Oo. Para mapili ang Adobe Acrobat bilang default na opsyon sa pagbubukas ng mga dokumento mo, mag-tap ng PDF para mabuksan ito. Sa dialog na magbubukas, i-tap ang icon ng Adobe Acrobat, at piliin ang Lagi. Gagawin nitong default app ang Adobe Acrobat sa pagbubukas ng mga dokumento sa iyong device.

  • Sa subscription sa Acrobat Pro DC, magagamit ko ba ang mga premium feature ng mobile app?

    Oo. Sa tulong ng subscription sa Adobe Acrobat Pro DC o Adobe Acrobat Premium, pwede mong ma-access ang mga premium na feature ng anumang DC mobile app, kasama ang Acrobat Reader Adobe Scan, at Adobe Sign. Pansinin na dapat kang mag-sign in gamit ang iyong Adobe ID para ma-access ang mga premium feature.

  • Natanggap ako ng PDF na may digital na pirma, pero may nakita akong mensahe na nagsasabing "Hindi beripikado ang pirma." Paano ko mabeberipika ang digital na pirma?

    Hindi availalbe ang feature para maberipika ang digital na pirma sa Acrobat Reader mobile. Kailangan mong gumamit ng Acrobat Reader DC (Freeware) para sa desktop (Windows/Mac). Pwede mong tingnan ang pantulong na artikulong ito para malaman kung paano maba-validate ang pirma mo.

  • Paano ko mapi-print ang mga dokumentong PDF sa letter at legal size?

    Para ma-print ang PDF sa gustong laki, kailangan mong buksan ang PDF at i-tap a ng overflowicon > printicon I-print. Sa dialog na Mga Opsyon sa Printer, buksan ang drop-down menu sa Laki ng papel at piliin ang gusto mong laki. I-set ang gusto mo, pumili ng printer, at i-tap ang I-print. Pansinin na hindi ka pwedeng mag-print ng mga PDF na may password.

    ../_images/printdialog.png