Pamahalaan ang mga file at folder

Pamamahala ng mga file

Pagsamahin ang mga file

Sa subscription sa Adobe Acrobat Premium o Adobe Acrobat Pro, puwede mong pagsamahin ang hanggang 12 file sa isang PDF. Pwede mo ring pagsamahin ang mga file mula sa anumang lokasyon ng file na may koneksyon sa device gaya ng Dropbox at OneDrive.

Para mapagsama ang mga file:

  1. Mula sa ibabang toolbar, i-tap ang higitpangmgatool > Pagsamahin ang mga file.

    ../_images/combine-1.png
  1. Sa page na lalabas, i-tap ang Magdagdag ng mga file.

    ../_images/combine-2.png
  2. Pumili ng lokasyon ng file at pagkatapos i-tap sa isa o higit pang mga file na gusto mong pagsamahin.

    ../_images/combine-3.png
  3. Sa lalabas na page, kumpirmahin ang mga file na gusto mong pagsamahin at pagkatapos i-tap ang Pagsamahin.

Awtomatikong ina-upload ang pinagsamang file sa cloud storage ng Adobe.

Pansinin ang sumusunod na mga limiasyon ng pagsasama ng mga file:

  • Hindi mo pwedeng pagsamahin ang mga file na naka-share para marepaso.

  • Dapat kang mag-log in sa Adobe Cloud Storage.

  • Kailangan nito ng koneksyon sa internet.

  • Kailangan mo ng subscription sa Acrobat Reader.

Tingnan din

Naglunsad kami kamakailan ng bago at mas madaling maunawaan na karanasan sa produkto. Gayunpaman, kung ginagamit mo pa rin ang aming classic na interface, tingnan kung paano Pagsamahin ang mga file.

Baguhin ang pangalan ng mga file

Para mabago ang pangalan ng mga file:

  1. Mula sa anumang listahan ng mga file, i-tap ang overflowicon mulla sa file na gusto mong baguhin ang pangalan.

    ../_images/rename.png
  1. I-tap ang renameicon I-rename.

  2. Sa dialog na I-rename, ilagay ang pangalan.

  3. I-tap ang Tapos na.

../_images/rename-dialog.png

Ilipat ang mga file

Sinusuportahan lang ng Acrobat ang paglipat ng mga file sa Cloud Storage. Para ilipat ang mga file:

  1. Mula sa listahan ng mga file, i-tap ang Mga File > Adobe cloud storage.

  2. I-tap ang overflowicon sa kanan ng file.

  3. I-tap ang moveicon

  4. I-tap ang bagong lokasyon.

  5. I-tap ang Ilipat.

Pansinin

Hindi mo pwedeng ilipat ang mga file naka-share.

Gumawa ng kopya ng mga file

Sinusuportahan lang ng Acrobat ang pagkopya ng mga lokal na file (mga nasa device mo). Para makagawa ng kopya ng mga file:

  1. I-tap ang Mga File > Sa device na ito.

  2. I-tap ang overflowicon sa kanan ng file.

  3. I-tap ang duplicateicon

Awtomatikong gagawa ng kopy ang file na may kaparehong pangalan at (1). Pwede mong palitan ng pangalan ng file gaya ng sa ibang file.

I-delete ang mga file

Para ma-delete ang mga file:

  1. Mula sa listahan ng mga file, i-tap a ng overflowicon sa kanan ng file.

  2. I-tap ang deleteicon

  3. I-tap ang OK para kumpirmahin ang aksyon.

Alisin sa Listahan ng Pinakabago

Ipapakita ng Home view ang pagkakasunod-sunod ng mga file na pinakamadalas mong tingnan. Para mag-alis ng file mula sa listahan ng Pinakabago:

  1. I-tap ang overflowicon para sa file na gusto mong alisin sa listahan ng Pinakabago.

  2. I-tap ang clearsigicon Alisin sa pinakabago.

  3. Sa lilitaw na dialog, i-tap ang Alisin ang File para kumpirmahin ang aksyon.

../_images/removefromrecent.png

Burahin ang lahat ng nasa listahan ng Pinakabago

Para mabura ang listahan mo ng Pinakabago:

  1. I-tap ang Home.

  2. Mula sa itaas sa bandang kanan, i-tap ang overflowicon.

../_images/clear-recent.png
  1. I-tap ang Burahin ang lahat ng pinakabago.

  2. Sa dialog, i-tap ang Burahin lahat para kumpirmahin ang aksyon.

../_images/clear-recent-dialog.png

I-save ang mga file sa cloud

Ang mga file na nasa cloud ay awtomatikong nase-save sa cloud matapos mong gumawa ng pagbabago. Dapat na i-upload ang mga lokal na file sa pamamagitan ng pag-tap sa savetocloudicon

Para ma-save sa cloud ang lokal na file:

  1. Pumunta sa filesicon pahina ng Mga File.

  2. I-tap ang Sa device na ito.

  3. I-tap ang overflowicon sa kanan ng file.

  4. I-tap ang savetocloudicon

Pamamahala ng folder

Sinusuportahan ng Acrobat ang pamamahala ng folder para Adobe cloud storage at Dropbox.

Mula sa view ng Mga File > Adobe cloud storage, i-tap ang overflowicon sa kanan ng anumang folder para i-rename o i-delete ito.

../_images/foldermenu.png

Baguhin ang pangalan ng mga folder

Mula sa view ng Mga Files > cloud storage ng Adobe:

  1. I-tap ang overflowicon

  2. I-tap ang renameicon

  3. Maglagay ng pangalan.

  4. I-tap ang Tapos na.

Burahin ang mga folder

Mula sa view ng Mga Files > cloud storage ng Adobe:

  1. I-tap ang overflowicon

  2. I-tap ang deleteicon

  3. I-tap ang OK para kumpirmahin ang aksyon.

Gumawa ng bagong folder

Para gumawa ng bagong folder sa Cloud Storage Adobe: Mula sa view ng Mg File > cloud storage ng Adobe:

  1. I-tap ang Mga File > Adobe cloud storage.

  2. Mula sa kanan sa pinakaitaas, i-tap ang overflowicon

../_images/new-folder.png
  1. Mula sa menu, i-tap ang Bagong Folder.

  2. Sa dialog ng Gumawa ng folder, ilagay ang pangalan ng folder at i-tap ang Tapos Na.

../_images/create-folder.png