Photoshop
Gumawa ng magagandang image, makulay na graphics, at kamangha-manghang art gamit ang mga feature na pinapagana ng Firefly gaya ng Distraction Removal sa loob ng Remove tool, Generative Fill, at Generative Expand.
Tuklasin ang mga bagong paraan upang pinuhin ang iyong mga Firefly creation upang mas mapalapit ka sa iyong vision sa mas maikling oras.
TEXT AT IMAGE NA GAGAWING VIDEO
Pumili ng dalawang still image at gamitin ang mga ito bilang mga keyframe upang mag-generate ng isang video. O pagalawin ang iyong ideya gamit ang isang text prompt. Mag-generate ng b-roll, gumawa ng mga visual effect, at pinuhin ang mga shot sa pamamagitan ng pagpili ng mga anggulo ng camera, motion, at style.
PAGSASALIN NG AUDIO AT VIDEO
Gawing tunog native speaker ang sinuman sa pamamagitan ng pagpapanatili ng parehong boses, tono at ritmo sa iba't ibang wika.
STYLE AT STRUCTURE REFERENCE
Makuha ang tamang itsura sa mas maikling oras, kahit na walang perpektong prompt. Gayahin ang mga layout, pose, at style. I-adjust at pinuhin, o subukan ang bagong reference image upang tuklasin ang mas maraming malikhaing opsyon.
GAWING IMAGE ANG EKSENA
Magdisenyo ng dimensional na brand graphics, packaging, ilustrasyon, at iba pa sa isang madaling gamitin na 3D workspace. Lumikha ng tumpak na spatial relationships, baguhin ang mga anggulo, at i-adjust ang ilaw nang mabilis — walang kailangang muling pagguguhit.
Magkaroon ng kumpiyansa sa paglikha gamit ang Firefly na alam mong ligtas para sa komersyal na paggamit.
MGA MEMBERSHIP PLAN
Magsimula nang libre o bumili ng Firefly plan para gumawa ng video, audio, mga image, at vector graphics.
₱0.00/buwan
Magtatapos ang early access price sa Marso 15.
₱563.00/buwan
Magtatapos ang early access price sa Marso 15.
₱1,689.00/buwan
₱0.00/buwan
Magtatapos ang early access price sa Marso 15.
₱563.00/buwan
Magtatapos ang early access price sa Marso 15.
₱1,689.00/buwan
₱0.00/buwan kada lisensya
Taunan, binabayaran buwan-buwan
Magtatapos ang early access price sa Marso 15.
₱563.00/buwan kada lisensya
Taunan, binabayaran buwan-buwan
Magtatapos ang early access price sa Marso 15.
₱1,689.00/buwan kada lisensya
Gumawa ng magagandang image, makulay na graphics, at kamangha-manghang art gamit ang mga feature na pinapagana ng Firefly gaya ng Distraction Removal sa loob ng Remove tool, Generative Fill, at Generative Expand.
Gumawa ng mga social post at story, video, flyer, at logo sa all-in-one na app sa paggawa ng content gamit ang bagong Resize with Expand, Rewrite, Text to Image, at Generative Fill.
Gumawa ng vector graphics na tumutugma sa hitsura ng sarili mong artwork gamit ang Generative Shape Fill at Text to Vector Graphic. Gumawa ng mga bagong pattern at ilagay ang mga ito kahit saan gamit ang Text to Pattern.
Gumawa ng mga larawan sa eksaktong hitsurang gusto mo, nasaan ka man. Tingnan kaagad ang mga iminumungkahing pag-edit gamit ang mga Quick Action at mag-clean sa isang pindot lang gamit ang pinahusay na Generative Remove.
Gawin ang lahat mula sa mga social clip hanggang sa mga feature film gamit ang nangungunang pang-edit ng video. I-download ang Premiere Pro (beta) para seamless na makapagdagdag ng mga frame sa simula o dulo ng clip gamit ang Generative Extend.
Gumawa at mag-publish ng mga brochure, digital na magazine, eBook, poster, at presentation at marami pa. Mag-generate ng mga image gamit ang Text to Image at mag-resize ng image nang mabilisan gamit ang Generative Expand.
KOMUNIDAD NG ADOBE FIREFLY
Pasiklabin ang imahinasyon mo gamit ang artwork na ginawa ng Firefly community.
Nakatuon ang Adobe sa responsableng pag-develop ng generative AI, kung saan nasa sentro ang mga creator. Misyon namin ang ibigay ang lahat ng advantage sa mga creator — hindi lang sa malikhain na paraan, kung hindi sa praktikal na paraan din. Habang nagbabago ang Firefly, patuloy kaming makikipagtulungan sa creative community para bumuo ng teknolohiyang sumusuporta at nagpapahusay sa creative process.
Ang vision para sa Firefly ay matulungan ang mga taong palawakin ang natural nilang creativity. Bilang isang produkto at isang nakasulat na modelo sa loob ng mga app ng Adobe, nag-aalok ang Firefly ng mga generative AI tool na partikular na ginawa para sa mga creative na pangangailangan, mga use case, at mga workflow.
Sinanay sa content na may pahintulot na gamitin, katulad ng Adobe Stock, idinisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit. Upang tiyakin na ang mga creator ay makikinabang sa generative AI, kami ay nagbuo ng isang modelo ng kompensasyon para sa mga kontribyutor ng Adobe Stock kung ang kanilang nilalaman ay ginamit sa dataset upang muling i-train ang mga modelo ng Firefly.
Sa pamamagitan ng mga pagsisikap tulad ng Content Authenticity Initiative at Coalition for Content Provenance and Authenticity, naninindigan kami para sa pananagutan, responsibilidad, at transparency sa generative AI. Nagsisikap kaming gumawa ng pangkalahatang tag ng mga Content Credential na “Huwag Isama sa Pagsasanay” na mananatiling nauugnay sa isang bahagi ng content saanman ito ginagamit, pina-publish, o sino-store.
Available ang Firefly sa Creative Cloud tools na ginagamit na ng mga team mo, at sa mga bagong API at Custom Model, mabilis kang makakagawa at makakapaghatid ng on-brand na content na kailangan.
Ang Adobe Firefly ay pamilya ng mga modelo ng creative na generative AI. Naka-embed sa mga flagship app ng Adobe at Adobe Stock ang mga feature na pinapagana ng Firefly.
Firefly ang natural na extension ng teknolohiyang ginawa ng Adobe sa nakalipas na 40 taon, na nakabatay sa paniniwalang dapat bigyang-kakayahan ang mga taong ipaalam ang mga ideya nila sa mundo tumpak kung paano nila naiisip ang mga ito.
Bilang bahagi ng aming trabaho na idisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, sinanay namin ang aming unang model ng Firefly sa content na may lisensya mula sa Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright.
Nagsasagawa kami ng panloob na pagsusuri sa aming mga model ng generative AI upang mabawasan ang anumang mapaminsalang bias o stereotype. Nagbibigay din kami ng mga mekanismo ng feedback para makapag-ulat ang mga user ng mga output na posibleng may bias at nang maaksyunan namin ang anumang alalahanin.
Bilang karagdagan, ang Adobe ay nakatuon sa pagbuo ng tiwala at transparency sa digital na content gamit ang Content Credentials. Ang Content Credentials ay gumaganap bilang isang digital na "label ng nutrisyon" na maaaring magpakita ng mahalagang impormasyon tungkol sa kung paano at kailan ginawa at binago ang content, kabilang ang kung paano ginamit ang AI. Awtomatikong inilalakip ng Adobe ang Content Credentials sa mga image na ginawa sa Firefly upang ipakita na ang mga ito ay binuo ng AI. Ang antas ng transparency na ito ay nagbibigay sa mga creator ng paraan upang i-authenticate ang kanilang content at tinutulungan ang mga consumer na gumawa ng matalinong pagpapasya tungkol sa content na nakikita nila online.
Ito ang misyon sa likod ng cross-industry coalition na Content Authenticity Initiative (CAI). Ang CAI ay itinatag kasama ng Adobe noong 2019 at ngayon ay mayroon nang higit sa 3,300 miyembro kabilang ang mga tech company, organisayon ng balita, NGO, academia at higit pa. Nakikipagtulungan ang CAI sa Coalition for Content Provenance and Authenticity (C2PA) na organisasyon ng industry standards, na bumuo ng teknikal na detalye para sa provenance na teknolohiya na ginagamit sa Content Credentials.
Sinanay namin ang aming mga Firefly model gamit lamang ang mga data na may karapatan kaming gamitin. Ang aming mga unang model ay sinanay gamit ang mga natatanging dataset na binubuo ng mga Adobe Stock image, lisensyadong content, at mga content sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright.
Binibigyan din namin ang aming mga customer ng kakayahang sanayin ang kanilang sariling Mga Custom Model upang madali silang makabuo ng content gamit ang kanilang sariling mga estilo, subject at/o brand language.