Paghambingin ang dalawang PDF para makita ang mga pagbabago nang mabilis.
Makita ang mga pagbabago nang mabilis gamit ang biswal na paghahambing.
Madali lang ang paghahambing ng PDF gamit ang Adobe Acrobat. Tutulungan ka ng tool sa Paghahambing ng Mga File na mabilis at tumpak na tumukoy ng mga pagkakaiba ng dalawang bersyon ng isang PDF. Magagawa mong maghambing ng mga dokumento sa side-by-side view, o piliin ang single page view para suriin ang lahat ng pagbabago sa pinakabago mong PDF na dokumento. Bibigyang-daan ka nitong mabilis na maghambing ng text, mga image, at graphics para malaman mo mismo kung ano ang nagbago sa naunang bersyon. Gamit ang madaling gamiting highlight bar, ipapakita sa iyo ang bawat pagbabago sa bagong dokumento nang walang kahirap-hirap.
Tingnan lang ang mga uri ng pagbabagong gusto mong makita.
Pwede mong gamitin ang drop down ng filter para piliin kung anong mga uri ng pagbabago ang gusto mong makita sa paghahambing ng file. Pwede mong piliing tingnan ang mga pagbabago sa mga image at graphics, text, mga header at footer, formatting, annotation, at kahit mga background. Tingnan lahat nang sabay-sabay o i-off at i-on ang bawat isa kung kinakailangan para pagtuunan lang ang mga uri ng pagbabagong interesado kang makita.
Makakuha ng summary report ng mga pagbabago.
Awtomatikong gumagawa ang tool namin sa paghahambing ng buod ng mga resulta ng paghahambing ng dokumento para ipakita sa iyo kung gaano karaming pagbabago ang ginawa sa orihinal na dokumento. Ipapakita sa iyo ng buod kung gaano karaming bagay ang pinalitan, inilagay, o na-delete. At pagkatapos, pwede mong suriin ang PDF para makita mo ang mga pagbabago sa konteksto. Madaling paraan ito para makita kung gaano karami ang nagbago.
Umasa sa Adobe — ang nangunguna sa mga PDF solution sa buong mundo.
Mahigit limang milyong organisasyon sa buong mundo ang umaasa sa Adobe Acrobat para gumawa, mag-edit, lumagda, at mag-convert ng mga PDF mula sa iba pang uri ng file on the go. Bibigyan ka rin nito ng mga tool sa paghahambing para tumingin ng dalawang dokumento nang sabay para tumpak na sumubaybay ng mga pagbabago sa lahat ng bersyon ng PDF file, na makakatipid ng oras at magbibigay-daan sa de-kalidad na gawa. Kung kailangan mo ng mga mas smart na PDF tool na makakatulong sa iyong panatilihing tuloy-tuloy ang negosyo, subukan ang Adobe — ang kumpanyang nag-imbento ng PDF format.
https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/fragments/features/choose-plan