Paano mag-split ng mga PDF file
Sundin ang madadaling hakbang na ito para mag-split ng PDF na dokumento sa marami at magkakahiwalay na file:
- I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng PDF sa drop zone para mag-split ng mga page ng PDF.
- Piliin ang PDF na dokumentong gusto mong i-split.
- Pagkatapos i-upload ng Acrobat ang file mo, mag-sign in.
- Pumili ng mga divider line para i-set up ang mga page range para sa bawat na-split na PDF file na kailangan mo.
- I-click ang Magpatuloy, pumili ng folder para i-save ang mga na-split na PDF file, at i-click ang I-save.
Subukan ang aming libreng tool na pang-split ng PDF
Mag-split ng mga PDF sa magkakahiwalay na file
Bibigyang-daan ka ng tool na pang-split ng PDF ng Acrobat na mabilis na paghiwa-hiwalayin ang mga page ng PDF sa hanggang 20 file. Magdagdag ng hanggang 19 na divider line para magtakda ng mga partikular na page range.
Gumawa ng hanggang 20 na-split na file
Pagkatapos mag-sign in, pwede kang mag-highlight ng anumang thumbnail ng page na gusto mong i-delete. Kapag na-highlight mo ang bawat page na gusto mong alisin, i-click ang icon na basurahan sa toolbar sa itaas.
Makatipid ng oras sa pamamagitan ng paggamit ulit ng content
Gamitin ang content ng PDF mo sa ibang paraan. Mag-split ng PDF file, at pagkatapos ay subukan ang iba pang online na tool ng Acrobat para mag-ayos ulit o magdagdag ng mga page sa mga na-split mong PDF.
Mag-download o mag-share nang walang kahirap-hirap
Pwede mong i-download ang mga na-split mong PDF file o i-share ang mga ito sa iba. Pwede ka ring mag-share ng mga file para sa pagkokomento para kolektahin ang lahat ng feedback sa isang PDF.
Gamitin ang gusto mong device
Gumagana ang mga online na tool ng Acrobat sa anumang browser, tulad ng Microsoft Edge o Google Chrome. Kaya, magagamit mo ang mga ito sa desktop, laptop, notebook, o telepono mo.
Ang pinakamahusay na online na pang-split ng PDF
Ang Adobe ang nag-imbento sa PDF na format ng file. Subukan ang mga katangi-tangi naming online na tool para mag-split ng mga PDF file at panatilihing tuloy-tuloy ang mga proyekto mo kahit saan.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Pagkatapos mong pumili ng mga page at mag-set up ng mga separator line, i-click ang I-save. Ise-save ng Acrobat ang mga na-split na PDF sa isang folder sa Adobe cloud storage sa Acrobat account mo. Pwede mong i-rename, i-download, o i-share ang mga bagong PDF sa iba.
Kung marami ka pang kailangang gawin sa mga PDF hindi lang sa pag-split ng mga file, pwede mong subukan ang Adobe Acrobat Pro para sa Mac o Windows nang libre sa loob ng pitong araw. Bibigyang-daan ka ng tool sa pag-edit ng PDF ng Acrobat na mag-edit ng mga PDF, mag-merge ng mga PDF, baguhin ang ayos ng mga indibidwal na page, mag-extract ng mga page, mag-delete ng mga page, mag-rotate ng mga page ng PDF, bawasan ang laki ng file, magtakda ng mga password at pahintulot, at magdagdag ng mga bookmark. Pwede ka ring mag-convert ng mga image tulad ng mga PNG o JPG at mag-convert ng mga PDF sa at mula sa Microsoft Word, PowerPoint (PPT), at Excel.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device