Sales
Mag-verify ng mga pagbabayad nang mabilis at walang kahirap-hirap.
Adobe Acrobat Sign
Kung kailangan mong palagdaan sa maraming tao ang iisang form, gamitin ang mega sign sa pamamagitan ng Acrobat Sign. Pwede kang mag-send ng isang dokumento sa maraming signer para malagdaan at maibalik nila — at subaybayan pa ito — lahat sa isang pindot.
Alisin ang stress na dulot ng paghahabol ng mga signature para sa isang form — ilanman ang taong kailangang lumagda rito. Mabilis na palagdaan sa maraming tao ang mga kasunduan at form mo sa pamamagitan ng pag-click sa “I-send” nang isang beses. I-import lang ang listahan mo, piliin ang form mo, at i-send. Iyon na 'yon. Makakatanggap ang bawat recipient ng sarili nilang indibidwal na form na pwede na nilang lagyan ng e-signature.
Binibigyang-daan ka ng Acrobat Sign na subaybayan ang status ng signature ng bawat recipient na bahagi ng transaksyon mo sa mega sign. Sa pamamagitan ng mga real-time na insight, malalaman mo kung sino ang lumagda na at kung sino ang hindi pa. Pagkatapos, pwede kang kumilos kaagad kung kinakailangan para mapanatili mong tuloy-tuloy ang negosyo nang walang pagkaantala.
Makampante sa kaalamang ang bawat online signature na kinukuha mo ay ligtas, secure, legal na valid, at tinatanggap. Ngayon, makakapagpatakbo ka na ng negosyo nang may higit pang flexibility — at mas mataas na kumpiyansa rin.
Mag-verify ng mga pagbabayad nang mabilis at walang kahirap-hirap.
Panatilihing alam ng lahat ang mga pinakabagong update sa patakaran ng empleyado.
Mag-send ng mga waiver sa aktibidad, NDA, at iba pang form sa isang grupo para sa maraming signature.
Napakadali na ngayon ng pagpaparehistro sa event o pangongolekta ng mga kawanggawang donasyon.
Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga e-signature solution namin o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong pangangailangan sa negosyo, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.