#E9F4F6

Legal na may bisa ba ang mga electronic signature? Walang duda.

Ang Adobe Acrobat Sign ang isa sa mga pinakapinagkakatiwalaang e-sign solution. Kailangan mo man ng kwalipikadong electronic signature (qualified electronic signature, QES) sa European Union, Switzerland, o United Kingdom o ng signature na sumusunod sa e-KYC sa India, nakakatulong ang Acrobat Sign sa iyo na makasunod sa mga batas sa buong mundo — kabilang ang mga pinakamahigpit na legal na pangangailangan.

{{start-free-trial}} Tingnan ang lahat ng plan

#FAFAFA

Bakit dapat mong piliin ang mga e-signature mula sa Acrobat Sign?

Ang mga electronic signature ay legal na kinikilala, pinagkakatiwalaan, at tinatanggap sa maraming bansa sa buong mundo. Bagaman puwedeng iba-iba ang mga batas, binibigyan ka ng Acrobat Sign ng maximum flexibility sa iisang pandaigdigang e-signature solution. Mula sa mga simpleng e-signature hanggang sa mga e-signature na may strong na identification hanggang sa isang napaka-secure na mga regulated digital signature sa cloud, puwede mong piliin ang tamang uri para sa bawat paggamit — at bawat signer.

Maraming bansa sa buong mundo ang kumikilala sa mga e-signature bilang patunay sa hukuman ng batas. Karaniwan itinuturing na pinakapamantayan at katumbas ng tradisyonal na sulat-kamay na signature gamit ang ink ang ilang partikular na napaka-secure na mga regulated na digital signature na may kasamang pag-authenticate.

Mga open standard.

Suportado ng mga open standard at ng aming malaking pandaigdigang network ng mga digital identity provider, puwede kang mag-apply ng napaka-secure at nakakasunod na cloud signature nang direkta mula sa telepono mo.

Seguridad ng e-signature.

Sa Adobe, nangungunang priyoridad ang seguridad ng digital document. Basahin ang lahat ng tungkol sa kung paano namin pinoprotektahan ang mga e-signature mo sa pangkalahatang-ideya ng Seguridad ng Acrobat Sign.

Mga pandaigdigang batas.

Depende sa paggamit mo, may ilang pagkakatulad ang mga batas sa e-signature sa buong mundo pero posibleng mayroon itong mahahalagang pagkakaiba sa epekto sa pagiging nagagamit o batas base sa bansa o probinsya.

Paggamit sa United States.

Sa United States, ginawa ng E-Sign Act at Uniform Electronic Transactions Act (UETA) ang legal na pundasyon para magamit ang mga e-signature sa lahat ng estado.

Paggamit sa European Union.

Sa European Union, nakagawa ng batas dahil sa Electronic Identification and Trust Services Regulation (eIDAS) na nakatulong na i-normalize ang status ng e-signature sa mga border ng bansa.

Mga pangunahing konsepto para sa pagsunod ng e-signature.

Nakakatulong ang Acrobat Sign sa organisasyon mo na pamahalaan ang pagsunod sa pangangasiwa para sa mga electronic record mo kahit na sa antas ng indibidwal na dokumento. Alamin kung paano tulungan ang mga team sa organisasyon mo na matukoy at mabawasan ang mga panganib sa pamamagitan ng framework ng Adobe e-signature.

Hindi pare-pareho ang lahat ng e-signature.

Mula sa simpleng e-signature hanggang sa certified na cloud signature, binibigyan-daan ka ng Acrobat Sign na pumili ng e-signature at antas ng identification na kailangan para makumpirma ang pagkakakilanlan ng signer — bago malagdaan ang dokumento o electronic form mo. Sa madaling salita, ang Acrobat Sign ang pinaka-flexible na solution para tulungan kang makasunod nang may kumpiyansa sa mga legal na pangangailangan at legal na framework para sa mga e-signature sa buong mundo.

Gamit ang mga feature ng Acrobat Sign, puwede kang maglagay ng dahilan para sa paglagda, paghingi ng pahintulot para magnegosyo sa electronic na paraan, at magbigay ng opsyong lumagda ang mga signer gamit ang sulat-kamay. Tingnan ang lahat ng kakayahan ng Acrobat Sign na pinapadaling magpadala, lumagda, mag-track, at mamahala ng mga proseso ng e-signature — kahit saan, kahit kailan — nang direkta mula sa browser o telepono.

Magpakita ng patunay ng paglagda.

Depende sa uri ng e-signature na ginagamit, makakatulong ang audit trail at signature panel ng Acrobat Sign na patunayang pinahintulutan ng isang partikular na signer ang signature niya sa isang dokumento. At kung gumagamit ka ng napaka-secure na regulated digital signature, cryptographical din itong maba-bind sa dokumento at puwede itong i-validate nang hanggang 10 taon. Kapag nakumpleto na, awtomatikong ipapadala ang mga kopya ng mga nilagdaang dokumento sa lahat ng partido at sine-certify ng Adobe gamit ang tamper-evident na selyo.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/fragments/shared-fragments/acrobat-icon-blocks/purple-acrobat-iconblock-know-more-light-bg