Adobe Acrobat Sign

Ano ang digital signature?

Ang digital signature ay e-signature na sinusuportahan ng digital certificate. Sumusunod ang mga digital signature sa mga regulasyon sa buong mundo at ibinibigay ng mga ito ang pinakamataas na antas ng assurance ng pagkakakilanlan kapag nangangasiwa ng mga digital na dokumento..

Alamin ang lahat ng tungkol sa mga digital signature. Panoorin ang video

Ano ang mga benepisyo ng mga digital signature?

Pinagkakatiwalaan at nakakasunod.

Nakakatulong sa iyo ang mga digital signature na sinusuportahan ng mga digital certificate na ibinibigay ng mga third-party provider na sumunod sa mga regulasyon sa buong mundo.

Protektado.

Ang digital signature mo at ang nilagdaang PDF na electronic na dokumento ay cryptographic na naka-bind at sine-secure gamit ang tamper-evident na selyo.

Natatangi sa iyo.

Gamitin ang natatangi mong digital identity para i-validate ang mga kredensyal mo at pahintulutan ang signature mo nang walang kahirap-hirap kapag lumagda ka sa digital na paraan.

Madaling i-validate.

Nangangailangan ng pag-renew ang pag-validate ng digital signature -idinisenyo ang nilagdaang dokumento at digital signature para i-validate ulit nang hindi bababa sa 10 taon.

Bakit secure ang mga digital signature?

Ang digital signature ay partikular na uri ng signature na sinusuportahan ng digital certificate, na nagbibigay ng patunay ng pagkakakilanlan mo. Ang mga digital signature ay kinikilala bilang mas secure na uri ng e-signature dahil cryptographic na naka-bind ang mga ito sa nilagdaang dokumento at pwedeng i-verify. Kapag gumamit ka ng digital certificate na kinuha mula sa pinagkakatiwalaang third party para mag-e-sign, ang magiging resultang digital signature ay halos imposibleng gayahin. Nagbibigay rin ito ng matibay na ebidensya ng pagkakakilanlan ng signer, na hindi nabago ang nilagdaang dokumento, at valid ang mga signature.

Ano ang digital identity?

Katulad ng passport na nasa electronic na anyo, nagbibigay ang digital identity (o digital ID) ng matibay na ebidensya na ikaw nga ang taong nagpapakilala kapag naglalagay ng e-sign sa dokumento. Sinusuportahan ang bawat digital ID ng digital certificate na ibinibigay ng pinagkakatiwalaang third party, tulad ng bangko o pamahalaan, pagkatapos i-verify nang mabuti ang pagkakakilanlan mo. Ang paggamit ng digital ID para i-authenticate ang pagkakakilanlan mo at gumamit ng digital signature sa proseso ng paglagda ng dokumento ay nagbibigay ng mas mataas na antas ng assurance na sumang-ayon ka sa mga tuntuning nakalista at pinahintulutan mo ang signature mo sa partikular na dokumento.

Subukan ang Adobe Acrobat Sign at palaguin ang negosyo mo gamit ang mga e-signature.

Tingnan kung gaano kadali para sa iyo, mga customer mo, at mga katrabaho mo na mag-send at lumagda ng mga dokumento sa electronic na paraan — mula sa anumang device o browser, mula sa kahit anong sikat na application. Sa Acrobat Sign, mapapalagdaan at maihahatid mo ang mahahalagang dokumento sa loob lang ng ilang minuto, hindi araw.

Acrobat Sign: Ang Pandaigdigang e-signature solution para sa pandaigdigang negosyo

Mga sumusunod at legal na e-signature.

Kailangan mo man ng kwalipikadong electronic signature (qualified electronic signature o QES) sa European Union, o United Kingdom, o ng signature na sumusunod sa e-KYC sa India, nakakatulong ang Acrobat Sign sa iyo na gumawa ng mga tinatanggap na e-signature sa buong mundo.

Isang malawak na ecosystem ng mga pinagkakatiwalaang eksperto sa pagkakakilanlan.

Ang Acrobat Sign ay sinusuportahan ng pandaigdigang network ng mga lokal na trust service at identity provider. May kalayaan kang pumili sa daan-daang certificate authority, time stamp provider, at trust service provider (TSP) na available sa Adobe Approved Trust List (AATL) Pwede ka ring pumili ng mga TSP sa mga EU Trusted List (EUTL) at lokal na digital identity scheme para gumawa ng legal at pinagkakatiwalaang e-signature.

Isang flexible at standards-based na solution.

Pwede mong piliin ang tamang uri ng e-signature para sa kahit anong sitwasyon ng paggamit at bawat signer —mula sa mga simpleng e-signature hanggang sa mga e-signature na may strong na identification, hanggang sa mga napaka-secure at regulated na digital signature sa cloud. Nakabatay sa mga open standard at sinusuportahan ng lokal at pinagkakatiwalaang pag-verify ng pagkakakilanlan, binibigyan ka ng Acrobat Sign ng maximum na flexibility sa iisang pandaigdigang solution.

 

Bisitahin ang Adobe Trust Center para makakita ng listahan ng lahat ng certification, pamantayan, at regulasyon ng Adobe compliance.

Mga secure at flexible na digital signature sa cloud.

Pinagsasama ang flexibility at seguridad sa mga cloud signature namin — ang unang digital signature sa cloud na nakabatay sa pandaigdigang open standard ng Cloud Signature Consortium. Gamit ang cloud signature, pwede kang gumamit ng napaka-secure na digital signature na sinusuportahan ng identification mula sa pinagkakatiwalaang third party, direkta mula sa mobile phone mo.

Marami ka pa bang gustong malaman?

Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong pangangailangan sa negosyo, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.

FAQ tungkol sa electronic signature ng Acrobat Sign