Lahat ng kakayahan ng generative AI. Lahat ng paborito mong tool sa Adobe. Narito na ang bagong panahon ng creativity at productivity.
Welcome sa Generation AI.
Welcome sa Generation AI.
Lahat ng kakayahan ng generative AI. Lahat ng paborito mong tool sa Adobe. Narito na ang bagong panahon ng creativity at productivity.
Gumawa ng mga makabuluhang experience.
Sa Generative AI, malaya tayong gumawa, mag-explore, at itodo ang kakayahan, kaya makakatipid ng oras para sa kung ano ang pinakamakabuluhan. Ito ang susunod na hakbang sa dekadang inilaan namin sa pag-develop ng Adobe Sensei. Kung magagawa nang tama, mapapahusay nito ang creativity at intelligence nang hindi pinapalitan ang ganda at kakayahan ng imahinasyon ng tao.
Para ito sa Generation AI.
Alamin ang tungkol sa Adobe Firefly.
Mangarap nang mas malaki, mag-eksperimento, at lumikha ng walang hanggang saklaw ng mga larawan gamit ang Firefly generative AI. Bago sa Creative Cloud, ngayon ay available na para sa komersyal na gamit.
Tuklasin ang Adobe Sensei GenAI sa Experience Cloud.
Mas mabilis na paggawa ng proyekto. Mga mas simpleng proseso ng marketing. At marami pang iba — lahat gamit ang Sensei GenAI bilang copilot mo, na bahagi na ngayon ng Adobe Experience Cloud.
I-explore ang lahat ng bagay na may kinalaman sa generative AI.
Panoorin ang opening keynote ng Adobe Summit.
Alamin pa ang tungkol sa paglagong hatid ng experience gamit ang mga pinakabagong inobasyon sa generative AI para sa negosyo.
Dalhin ang generative AI sa Adobe Creative Cloud.
Alamin pa kay David Wadhwani, President, Digital Media Business sa Adobe.
Responsableng inobasyon sa panahon ng generative AI.
Basahin ang blog mula sa Executive Vice President, General Counsel, at Chief Trust Officer na si Dana Rao.
Ipinapakilala ang Firefly
David Wadhwani, President, Digital Media Business
Paano namin sinanay ang modelo ng Firefly
Ely Greenfield, Chief Technology Officer
Ang magagawa mo ngayon at sa susunod pa
David Wadhwani, President, Digital Media Business
Paggamit ng content ng Firefly sa gawa mo
Ely Greenfield, Chief Technology Officer
Paliwanag tungkol sa content credentials
Dana Rao, EVP, General Counsel, at Chief Trust Officer
Paano matutulungan ng Firefly ang mga creator
Brooke Hopper, Principal Designer
Pagtuon sa etikal na pag-develop
Dana Rao, EVP, General Counsel, at Chief Trust Officer
Paano namin babayaran ang mga contributor
David Wadhwani, President, Digital Media Business
Ang ginagawa namin.
Aktibo kaming nananaliksik ng mga bagong paraan kung saan makakatulong ang generative AI sa mga creator na ipahayag ang mga ideya nila.
PROGRESIBO AT NAKOKONTROL NA SYNTHESIS NG IMAGE
Mga simpleng brushstroke, kamangha-manghang resulta.
Nangangailangan ang karaniwang pag-edit ng image ng partikular na antas ng kasanayan, at ilang trial at error din. Ine-explore ng progresibo at nakokontrol na synthesis ng image kung paano maipapares ang mga simpleng marka — tulad ng mga linya gamit ang stylus — sa AI para gawin ang gustong resulta gamit lang ang ilang brushstroke.
NAKO-CUSTOMIZE NA DIFFUSION
Gamitin ang natatangi mong istilo sa AI.
Sa pagbuo ng image, pwedeng mahirapang makamit ang tumpak na visual aesthetic na kinakailangan para sa isang proyekto. Gamit ang nako-customize na diffusion, pwedeng piliin ng creator kung anong mga image ang magpapaalam sa generative AI. Nagbibigay ito ng mas maraming creative control sa mga indibidwal na image at mas madaling paraan para gamitin ang mga opsyon sa creativity sa iba't ibang gawa.
PAG-COMPOSITE NG GENERATIVE IMAGE
Mukhang natural na pag-mix ng larawan.
Madaling gawin ang pagsasama ng mga element mula sa dalawa o higit pang larawan — na kilala rin bilang pag-composite ng image — pero mahirap gawin nang tama. Makakatipid ng oras ang mga creator sa pag-aayos ng kulay, shading, perspective, mga shadow, at marami pa gamit ang pag-composite ng generative image. Sa tulong ng AI, simple at madali na ngayon ang prosesong maraming hakbang dati.
May mga tanong? Mayroon kaming sagot.
May tanong na hindi nasagot dito?
Makipag-ugnayan sa Generative-AI@adobe.com