Mga Produkto ng Adobe

Welcome sa Form para sa Kahilingan sa Feature at Pagsusumite ng Ulat tungkol sa Bug

Gamitin ang form na ito para humiling ng mga bagong feature o magmungkahi ng mga pagbabago sa mga kasalukuyang feature. Ang paggamit mo ng form ng ito ay alinsunod sa iyong pagbabasa at pagsang-ayon sa mga tuntunin at kundisyon sa ibaba. Pwede mo ring gamitin ang form na ito para mag-ulat ng mga pinaghihinalaang bug sa mga produkto ng Adobe.

Karaniwan kaming hindi nagse-send ng mga personal na sagot sa mga kahilingan sa feature at ulat tungkol sa bug. Gayunpaman, binabasa namin ang bawat mensahe. Ginagamit namin ang impormasyon para pahusayin ang aming mga produkto at serbisyo. Nakapahalaga sa amin ng iyong mga komento, mungkahi, at ideya para sa mga pagpapahusay. Ipinagpapasalamat namin ang pag-ukol mo ng oras para i-send sa amin ang impormasyong ito.

Mga Tuntunin at Kundisyon

Sumasang-ayon ka na anumang impormasyon, Ideya, o iba pang pagsumiteng ibibigay mo sa Adobe sa ibaba ("Ideya"), ay napapailalim o mapapailalim sa mga kundisyong itinakda dito. Ikaw ay kumakatawan at nagkukumpirmang nabasa at naunawaan mo ang mga tuntuning ito. Ikaw ay kumakatawan at nagkukumpirmang 18 taong gulang ka o mas matanda. Sumasang-ayon ka na sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong Ideya, kinikilala mo at sumasang-ayon ka na ang anumang ganoong Ideya ay hindi kumpidensyal, at na walang obligasyon ang Adobe na ibalik ang anumang bagay na isinumite, sinagutan, o kumpirmahin ang pagtanggap ng Ideya mo. Pinapatunayan mong walang iba pang tao o korporasyon ang may interes sa property sa isinumiteng Ideya. Nauunawaan at kinikilala mo na posibleng ang Adobe mismo ay bumubuo at gumagawa ng mga katulad na Ideya, at/o na nakatanggap ang Adobe o makakatangap balang araw ng mga katulad na Ideya mula sa iba, at na ang mga kasalukuyan o naka-plan na produkto at serbisyo ay nabuo nang hiwalay nang hindi ginagamit ang iyong Ideya, ay maaaring maglaman ng mga Ideya o konsepto na katulad o kapareho ng mga isinumite mo. Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na ang iyong pagsusumite ay hindi makakapigil sa Adobe na bumuo o makakuha ng mga ganoong Ideyang nang walang obligasyon sa iyo. Sa kabila ng anumang bagay na salungat dito, ang Adobe ay magiging malaya na gumamit ng anumang Idea na iyong isumite sa panghabang panahon, nang walang bayad, para sa anumang layunin, kabilang ang paggamit, pagbabago, pagpapakita, at pamamahagi, at/o sa pag-unlad, paggawa, marketing, at pagpapanatili ng mga produkto at serbisyo ng Adobe nang walang anumang obligasyon sa iyo.