Pag-explore sa 3D interior design at rendering software.
Bago ka magsimula ng isang proyekto sa interior design, malamang na gumagawa ka ng mga sketch, bumubuo ng mood board, o gumagamit ng mga paborito mong technique sa pagpaplano. Sa tulong ng 3D interior design software, magagawa mong tumpak na ma-visualize ang buong proyekto bago ka pa gumawa ng anumang gawain sa site.
Paano ginagamit ng mga interior designer ang 3D interior design software?
1. 3D home design (3D virtual staging).
2. Mga 3D animated na virtual walk-through.
3. Mga 3D floor plan.
4. Pakikipag-ugnayan sa mga kliyente.
Image ni Louse Melin.
Paano ka gagawa ng mga 3D interior design render?
Hakbang 1: I-sketch ang ideya mong design.
Hakbang 2: Simulan ang 3D modeling.
Hakbang 3: Magdagdag ng mga detalye.
Kapag nabuo mo na ang silid, oras na para magdagdag ng mga materyal at light. Isa ito sa mga pinakanakakatuwa at mahirap na bahagi ng proseso. Ang mga materyal ay mga paunang ginawang texture na pwedeng ilagay sa anumang 3D object na gusto mo. Habang inilalagay mo ang mga ito, ang mga pangunahing hugis mo ay agad na magsisimulang maging kamukha ng mga katumbas ng mga ito sa totoong buhay. Nagbibigay ang Substance 3D ng ilang solusyon para tulungan kang gumawa at maglagay ng magagandang materyal sa mga model mo.
- Substance 3D Sampler: Magbibigay-daan sa iyo ang app na ito na gumamit ng photogrammetry para gumawa ng mga detalyadong materyal. Gamit ang isang larawan, awtomatiko kang makakapag-generate ng akmang materyal.
- Substance 3D Painter: Ang Painter ay ang nangunguna sa industriya sa 3D texture painting. Pwede mong buksan ang mga 3D model mo nang direkta sa Painter, pagkatapos ay gumamit ka ng mga parametric na brush at smart material para gumawa ng mga texture sa mismong surface ng model mo.
Hakbang 4: I-stage ang interior design sa tulong ng Substance 3D Assets library.
Hakbang 5: I-render ang iyong 3D interior design scene.
Ano ang 4 na uri ng architectural rendering?
Ang architectural rendering ay isang proseso ng paggawa ng mga visual na representasyon ng mga architectural design. May ilang uri ng architectural rendering, at ang bawat isa ay naghahatid ng ibang paggamit at nagbibigay ng natatanging visual style:
1. Nilalayon ng photorealistic rendering na gumawa ng mga image na kamukhang-kamukha ng mga totoong larawan.
2. Nakatuon ang Conceptual o Sketch Rendering sa pagpapakita ng mga paunang ideya at konsepto para sa design. Mayroong mas artistic at mala-sketch na hitsura ang mga pag-render na ito, na binibigyang-diin ang diwa ng design sa halip na mga kumplikadong detalye.
3. Ginagaya ng artistic rendering o watercolor rendering ang mga tradisyonal na technique sa pagpipinta, na madalas na gumagamit ng mapupusyaw na kulay at loose na brushwork para makagawa ng isang hand-painted at artistic na hitsura. Ginagamit ang ganitong uri ng pag-render para pumukaw ng pakiramdam ng style, mood, at ambiance.
4. Nagbibigay-daan ang virtual reality (VR) at augmented reality (AR) sa mga user na i-immerse ang kanilang sarili sa virtual o augmented environment. Gumagawa ang mga VR render ng mga napaka-immersive na 3D experience.
Ano ang mga benepisyo ng 3D interior design software?
Nagbibigay ang 3D interior design software ng iba't ibang benepisyo para sa mga designer at kliyente. Ang pagtatagumpay sa anumang uri ng 3D design ay madalas na nauugnay sa kaalaman mo at mga partikular na kakayahan ng napili mong software. Maraming pagsasaalang-alang na dapat gawin kapag pumipili ng software, kabilang ang mga partikular na feature, pagiging user-friendly, compatibility, kalidad ng pagkaka-render, mga library resource, at presyo.
Kasama sa ilang popular na 3D interior design software ang:
Autodesk 3ds Max: Karaniwang ginagamit sa mga industriya ng arkitektura at design, nagbibigay ang 3ds Max ng mahuhusay na kakayahan ng 3D modeling, rendering, at animation. Kilala ito sa pagiging flexible at versatile.
SketchUp: User-friendly ang SketchUp at kilala ito na madaling gamitin. Popular ito para sa mabilis na paggawa ng konsepto at 3D modeling.
Blender: Ang Blender ay isang libre at open-source na 3D software na mahusay at versatile. Bagama't mayroon itong mahirap na learning curve, nagbibigay ito ng iba't ibang kakayahan para sa pag-model, pag-render, at pag-animate.
Sweet Home 3D: Isa rin itong libre at open-source na software na partikular na ginawa para sa mga interior designer. Mayroon itong user-friendly na interface na tumutuon sa interior design at pag-decorate ng tahanan, kaya magandang opsyon ito para sa mga baguhan.