Bigyan ng kalamangan sa 3D design ang negosyo mo.
Mula sa mga design ng produkto at packaging hanggang sa virtual photography, bigyan ng bagong-bagong pananaw ang gawa mo gamit ang Adobe Substance 3D Collection.
May mga tanong? Tawagan kami para sa konsultasyon: {{phone-number-substance}} o humiling ng impormasyon.
Paano mapapakinabangan ng negosyo mo ang Substance 3D?
Tamang-tama para sa mga graphic designer pati na sa mga 3D artist na may karanasan, bibigyang-daan ka ng Substance 3D na gumawa ng mga makatotohanang 3D content para sa marketing at branding, product at fashion design, arkitektura, gaming, at marami pa.
Kasing dali lang ng 1-2-3D.
Alam mo ang Adobe Photoshop. Alam mo ang Adobe Illustrator. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin noon? Ang Substance 3D ay madaling gamiting susunod na hakbang, na nagbibigay ng mga pamilyar na tool sa pag-design, AI automation, at libo-libong nako-customize na 3D asset para mapagtuunan mo ng pansin ang paggawa ng magagandang resulta.
Kumonekta sa mga pinagkakatiwalaan mo.
Nai-integrate ang mga Substance 3D app sa Photoshop at Illustrator pati na rin sa mga paboritong third party tulad ng Cinema 4D at 3ds Max. Walang kahirap-hirap na magpalipat-lipat sa mga app, mag-collaborate sa lahat ng team, at gumawa ng mga 3D model at artwork nang napakabilis.
Pamanghain ang mga customer.
Bumubuo ka man ng mga simple o kumplikadong modelo, pinapaganda ang 3D art mo gamit ang mga texture at paint, o nagshu-shoot ng virtual photography, ibinibigay ng mga tool sa Substance 3D ang katumpakan at kontrol na kailangan mo para gumawa ng mga maganda at makabagong scene at design.
Makita ito nang live.
Silipin kung ano ang magagawa mo gamit ang Substance 3D para sa negosyo.
“Talagang bagay sa brand ang mga asset na ginawa namin sa Adobe [Substance 3D] Stager, na-render nang kamangha-mangha at mabilis, at mukhang sobrang makatotohanan ang mga ito. Hindi masasabi ng kahit sinong tumingin sa mga ito na hindi lang kinunan ang mga ito gamit ang tradisyonal na photography.”
Gail Cummings, Global Digital Design Lead, Ben & Jerry’s