Ano ang magagawa mo sa Acrobat Reader?
Mag-share at sumuri.
Mag-send ng mga PDF sa sinuman gamit ang feature na Pag-share — hindi na kailangang mag-log in para matingnan ang o magkomento sa iyong PDF.
Magsagot ng mga form at magdagdag ng mga signature.
I-type ang mga sagot mo sa mga tanong sa anumang device. Idagdag ang iyong signature at ibalik ang form mo — hindi na kailangan ng printer.
Makipag-collaborate at magkomento.
Mag-send ng mga dokumento sa mga collaborator at mabilis na makakuha ng feedback na may mga komento, sticky note, highlight, strikethrough, at marami pa.
MGA PLAN AT PRESYO
Paghambingin ang mga Acrobat plan.
- Mga indibidwal
- Negosyo
- Mga estudyante at guro
I-download ang Acrobat Reader nang libre.
Mag-view, mag-share, lumagda, magkomento, at mag-collaborate — lahat sa iisang app.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Madali kang makakapag-download ng mga libreng Adobe Acrobat Reader app para sa maraming operating system at device:
Desktop app: Bisitahin ang page ng pag-download ng Acrobat Reader para makuha ang Reader para sa desktop mo. Kapag naroon ka na, pwede mong piliin ang iyong wika, operating system, at bilis ng koneksyon.
Mobile app: Para ma-download ang app na ito, bisitahin ang Google Play o ang iTunes App Store. Pwede mo ring i-download ang pinakabagong bersyon ng mobile app para sa mga Windows Phone device.
Gaya ng Reader sa desktop, libre ang Acrobat Reader para sa mobile at patuloy itong nag-aalok ng pinakamaaasahang experience sa mobile ng industriya para sa pag-view at pag-interact sa mga PDF. At ngayon, dahil sa pagkadagdag ng mga serbisyo ng Adobe Document Cloud, maa-unlock mo ang mga premium na feature sa app para mas maraming magawa sa mga PDF kapag bumili ka ng subscription sa Adobe Acrobat PDF Pack o Adobe Acrobat Export PDF– pati na Adobe Acrobat Pro.
Bisitahin ang Google Playo ang iTunes App Store para makuha ang mga Android at iOS na bersyon, ayon sa pagkakasunod-sunod. Pwede mo ring i-download ang pinakabagong bersyon ng mobile app para sa Windows Phone device.
Oo. Awtomatikong matutukoy ng tool na Fill & Sign kung ang PDF mo ay may mga napupunang field ng form o wala at dadalhin ka nito sa isang intuitive na experience sa pagsagot, na pinapagana ng Adobe Sensei, para magawa ang trabaho nang mabilis at madali. Sa napupunang form, madaling mag-type ng mga sagot mo o pumili mula sa mga drop-down na listahan, pagkatapos ay mag-save ng nasagutan mong form. Kapag gumagawa sa mga simpleng PDF na hindi na-optimize gamit ang mga field ng form, pwede kang mag-click kahit saan at mag-type ng mga sagot sa mismong form – o pwede kang tumanggap ng mga mungkahi mula sa iyong personal na koleksyon ng autofill. Kapag tapos ka na, pwede mong i-save ang mga pagbabago mo at i-send ang nasagutang form sa ibang tao.
Gamit ang Adobe Acrobat Reader mobile app, pwede mo ring gawin ang mga parehong gawain sa iyong mga iOS o Android device. Para ma-download ang Adobe Acrobat Reader mobile app, bisitahin ang Google Play o ang iTunes App Store.
Oo. Pinapadali ng tool na Fill & Sign, na pinapagana ng Adobe Acrobat Sign, na lumagda ng mga dokumento at form. Magbukas lang ng anumang PDF file, lumagda sa pamamagitan ng pag-type o pagguhit ng iyong signature, o paggamit ng image.
Gamit ang Adobe Acrobat Reader mobile app, pwede mo ring gawin ang mga parehong gawain sa iyong mga iOS o Android device. Para ma-download ang Adobe Acrobat Reader mobile app, bisitahin ang Google Play o ang iTunes App Store. Pwede ka ring sumagot at lumagda ng mga form gamit ang web browser mo.
Oo. Nagbibigay ang Acrobat Reader ng limitadong bilang ng mga signature na pwede mong hilingin gamit ang tool na Fill & Sign, nang hindi bumibili ng subscription sa Acrobat Pro, Adobe Acrobat PDF Pack, o Adobe Acrobat Sign. Kung lumampas ka sa allowance ng mga libreng transaksyon ng signature, pwede kang mag-subscribe sa isa sa iba't ibang Document Cloud solution para humiling ng mas maraming signature.
Magagamit ng mga kasalukuyang customer ng Acrobat Sign ang Acrobat Sign mobile app para gawin din ang ganoon sa Android o iOS. Para ma-download ang app nang libre, bisitahin ang Google Play o ang iTunes App Store. Pwede ka ring mag-send ng mga file para sa signature gamit ang web browser mo.
https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/fragments/acrobat/get-acrobat-support