#F5F5F5

{{premiere-pro-features}}

Mag-transcribe ng video at gawing text.

Instant na bumuo ng mga subtitle at caption o gumawa ng transcript gamit ang mga awtomatikong feature ng Speech to Text sa {{premiere-pro}}.

Free trial {{buy-now}}

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/assets/video/product/premiere/media_1433486eedeab2fb735b51a4f02698897819a8d78.mp4#_autoplay1

Awtomatikong bumuo ng mga nako-customize na subtitle at transcript para sa pag-edit gamit ang voice recognition.

Gamitin ang teknolohiya ng voice-to-text na pinapagana ng machine learning para mag-transcribe ng mga audio track sa mga video file nang real time. I-edit ang video mo gamit ang transcription-based na pag-edit na makikita sa loob ng Premiere Pro. Awtomatikong magdagdag ng mga caption, pahusayin ang accessibility, i-boost ang engagement, at iparating ang kwento mo sa mas malawak na audience.
Example of automatic video transcription for text-based editing

Bumuo ng mga transcript para sa text-based na pag-edit.

Mag-transcribe ng video at gawing text nang mas mabilis kaysa noon gamit ang artificial intelligence at gumawa ng mga tumpak na caption, subtitle, at transcript sa 18 wika.

Gumawa ng rough cut sa pamamagitan ng pagkopya at pag-paste ng text.

Gamitin ang transcript mo para bumuo ng rough cut gamit ang Text-Based na Pag-edit na pinapagana ng AI. Mag-cut at mag-paste ng mga grupo ng text para ilipat ang puwesto ng mga clip. Maghanap ng mga partikular na keyword, awtomatikong mag-detect at mag-delete ng mga paghinto at puwang, at isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga clip mo nang mas mabilis kaysa noon.

Editing video using AI-generated subtitles and transcripts.
Editing and styling your automatic transcriptions and subtitles.

I-stylize ang iyong mga caption.

I-format ang mga caption at subtitle mo para umangkop sa istilo mo, o i-convert sa graphics ang mga caption mo. I-adjust ang font, puwesto, mga kulay, at iba pa. Pagkatapos ay i-save ang mga setting mo at gamitin ang mga ito bilang mga template ng caption para sa iba pang proyekto.

{{questions-we-have-answers}}

Anong mga wika ang kayang i-transcribe ng Premiere Pro?

Available ang Speech to Text para sa: English, English (UK), Simplified Chinese (Mandarin), Traditional Chinese (Mandarin), Traditional Cantonese, Spanish, German, French, Japanese, Portuguese, Korean, Italian, Russian, Hindi, Dutch, Norwegian, Swedish, at Danish.

Mayroon bang karagdagang bayad para magamit ang Speech to Text?

Hindi, kasama sa subscription mo sa {{premiere-pro}} ang Speech to Text. Kasalukuyang walang nakatakdang limitasyon para sa patas at makatwirang paggamit ng mga indibidwal na subscriber, para sa kanilang mga sariling proyekto.

Kailangan ko ba ng koneksyon sa internet para magamit ang Speech to Text?

Sa {{premiere-pro}} 22.2 (at mas bago), magagamit mo ang Speech to Text nang offline. May kasamang pack ng wikang English para sa mga transcription ang Premiere Pro. Pwedeng i-download nang paisa-isa ang mga karagdagang language pack. Kapag na-install na ang isang language pack, makakagawa ka na ng mga transcription ng mga video mo nang walang koneksyon sa internet.

Gumagamit ba ang Speech to Text ng artificial intelligence?

Oo. Nile-leverage ng Speech to Text ang AI technology para mag-generate ng mga transcript at maglagay ng mga caption sa timeline para tumugma ang mga ito sa pacing at tiyempo ng mga sinasabing salita.

Ano ang mga sinusuportahang format ng captioning na pamantayan sa broadcast?

Sinusuportahan ang Australian OP-47, CEA-608, CEA-708, EBU Subtitle, at Teletext. I-export ang mga SRT, SCC, MCC, STL, at DFXMP file o i-embed ang mga caption sa mga video pagka-export.

Paano mag-edit ng video na may text?

Para mag-edit ng video na may text sa Adobe Premiere, gumawa ng bagong Pamagat na clip, idagdag ang gusto mong text, at i-customize ang hitsura nito. Ilagay ang Pamagat na clip sa Timeline sa itaas ng mga video clip mo. Gamitin ang Tool sa Pamagat para baguhin ang posisyon o i-animate ang overlay na text. Pwede ka ring mag-import ng mga pre-made na template ng pamagat mula sa Adobe Stock.

Ano ang transcript-based na pag-edit?

Ang transcript-based na pag-edit sa Adobe Premiere ay ang kakayahang bumuo ng transcript ng text mula sa audio sa mga video clip mo. Pwede mong i-edit ang text ng transcript at hayaan ang Premiere na awtomatikong i-adjust ang mga kaugnay na video at audio clip batay sa na-edit na transcript. Pinapabilis nito ang proseso ng pag-edit para sa mga proyektong may maraming dialogue.

Paano i-enable ang text-based na pag-edit sa Premiere Pro?

Para i-enable ang text-based na pag-edit sa Adobe Premiere Pro, pumunta sa workspace ng Workflow at piliin ang tool sa Transcription. Pwede ka nang mag-transcribe ng audio mula sa mga video clip mo o mag-import ng kasalukuyang transcript file. Kapag available na ang transcript, pwede mong direktang i-edit ang text, at awtomatikong ia-update ng Premiere ang mga kaugnay na segment ng video at audio batay sa mga pag-edit mo ng text.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/premiere/do-more-with-premiere

Mag-explore ng higit pang paraan para pagandahin ang mga video mo.

Gamitin ang mahuhusay na tool sa Premiere Pro para gumawa ng mga video na magpapabilib sa audience mo.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/premiere/explore-more-ways

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/premiere/merch-card/segment-blade