MGA FEATURE NG PREMIERE PRO

Gawin ang perpektong soundtrack.

Pagandahin at linisin ang dialogue. Magdagdag ng music at mga audio effect. Awtomatikong mag-adjust ng mga level. Gumamit ng AI-powered na teknolohiya para mabilis na mag-remix ng mga music track para angkop ang haba ng mga ito. Gawin ito lahat — at higit pa — gamit ang mga tool sa post-production ng audio sa Adobe Premiere Pro.

Free trial Bilhin ngayon

Enhance sound quality, remove noise, add music and create immersive audio experiences for your videos.

Post-production ng audio para sa mga taga-edit ng video.

Pagsamahin ang pagsasalita, music, at sound effects para gumawa ng nakakaengganyong soundtrack gamit ang AI-driven na pag-edit ng audio sa Premiere Pro.

Marinig ang bawat salita gamit ang advanced na pag-edit ng dialogue.

Gawing pang-studio ang kalidad ng lahat ng na-record mong dialogue gamit ang Enhance Speech na pinapagana ng AI. Mag-alis ng ingay sa background, gumamit ng Auto Ducking para hinaan ang music kapag nagsasalita, at mag-record ng narration gamit ang isang built-in na voiceover tool. Pagkatapos, i-mix ang lahat ng ito sa loob ng ilang pag-click sa tulong ng awtomatikong lakas ng tunog at pagtutugma ng level.

Bigyang-hubog ang tunog mo gamit ang audio effects.

I-simulate ang tunog ng anumang espasyo — mula sa isang maliit na aparador hanggang sa isang world-class na concert hall — gamit ang built-in na Reverb. Pumili mula sa mahigit 50 propesyonal na audio effects tulad ng mga compressor, limiter, at equalizer na may kasamang hanggang 30 banda para sa tumpak na kontrol sa lahat ng lumalabas sa mga speaker.

Hanapin ang perpektong music track.

Makakuha ng agarang access sa music mula sa Adobe Stock sa loob mismo ng Premiere Pro. I-explore ang mahigit 75,000 track na may mataas na kalidad at gamitin ang Remix tool na pinapagana ng AI para baguhin ang haba ng anumang kanta at sumakto ito sa video mo.

Mag-mix nang napakahusay.

Sulitin ang mga pampropesyonal na feature ng mixer tulad ng mga fader, panning, mga channel strip, at effects. Gawing awtomatiko ang mga level mo at iba pang parameter at gawin ito sa lahat mula sa mono hanggang sa ganap na surround sound.

Mag-sync ng musika sa mga na-edit na clip.

Baguhin ang haba ng kahit anong kanta para ipagkasya ito nang sakto sa video mo gamit ang Remix tool na pinapagana ng AI. Tukuyin ang magagandang cut point, mag-edit, magsaayos, at agad na mag-retime ng musika para mas mabilis na makuha ang huli mong mix.

Bawasan ang mga pag-click sa tulong ng mga tool sa audio ng AI.

Awtomatikong natutukoy ng AI kung ang mga clip mo ay musika, dialogue, sound effects, o ambiance at nagdaragdag ito ng interactive na badge. Mag-click lang para makakuha ng agarang access sa mga pinakaangkop na tool para sa uri ng audio na iyon.

Adobe Audition

Lalo pang pahusayin ang audio gamit ang Adobe Audition.

Gawin ang proyekto mo nang walang kahirap-hirap sa Adobe Audition para sa higit pang advanced na tool. Magsagawa ng mga tumpak na pag-edit, mag-restore ng may sirang audio, at gawing malinaw na naririnig ang mga track mo gamit ang isa sa pinakamahusay na tool sa pag-edit ng audio sa buong industriya.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/premiere/do-more

Tumingin pa ng mga feature ng Premiere Pro.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/premiere/see-more-pr-features
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/premiere/merch-card/segment-blade