https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/photoshop/sticky-banner/default

Gawin ang digital masterpiece mo.

Pagandahin ang digital art mo gamit ang mga custom na drawing brush o simulan kaagad ang gawa mo gamit ang mga preset na {{ps-brushes}}.

Gawing kapansin-pansin ang mga salita mo.

Pagandahin ang hand lettering at mga calligraphy brushstroke mo gamit ang mga de-kalidad na set ng brush sa Photoshop.

Maglarawan ng mga creative na ideya.

Gawin ang eksaktong linework at shading na gusto mo. Bigyang-buhay ang mga digital drawing mo gamit ang lapis, ink, at mga charcoal brush.

Pag-iba-ibahin ang style at brush mo.

Pag-eksperimentuhan ang lahat mula sa mga watercolor brush hanggang sa mga splatter effect, at mag-explore ng libo-libong preset tool.

Subukan ang mga custom na brush.

Gumawa ng natatanging toolkit na may mga custom na brush sa Photoshop na makakatulong sa iyong magawa ang anumang effect na gusto mo.

Paano mag-import at mag-install ng mga brush sa {{photoshop}}.

Ang isa sa mga kamangha-manghang bagay tungkol sa paggamit ng mga brush sa {{photoshop}} ay pwede kang gumawa at mag-share ng sarili mong brush. Ikaw man ay nagsisimula pa lang o may karanasan nang digital artist, pwedeng maging masayang mag-download at mag-import ng mga brush nang diretso mula sa Adobe o sa mga paborito mong creator. Narito kung paano:

  • Buksan ang panel na Mga Brush sa {{photoshop}} sa pamamagitan ng pagpunta sa Window > Mga Brush.
  • I-click ang hamburger menu at piliin ang Kumuha ng Higit pang Brush...
  • Hanapin ang gusto mong brush pack.
  • Panatilihing nakabukas ang {{photoshop}} at i-double click ang file ng brush pack mo.
  • Mai-install na sa panel na Mga Brush ang mga bago mong brush para magamit mo.
  • Pwede ka ring mag-import ng mga brush sa pamamagitan ng pag-click ng hamburger menu sa panel na Mga Brush at pagpili ng I-import ang Mga Brush, pagkatapos ay pagpili sa tamang file ng ABR brush pack at pag-click ng Buksan.

Paano gumawa ng brush sa {{photoshop}}.

Kung hindi mo mahahanap ang eksaktong tamang brush sa {{photoshop}} o sa isang brush pack, magandang balita — pwede kang gumawa ng sarili mong brush. Pag-isipan muna kung anong hitsura ang gagawin mo at kung anong uri ng brush ang tutulong sa iyo na magawa ang effect na iyon. Pagkatapos ay magpatuloy at pag-eksperimentuhan ang mga setting sa panel na Mga Brush at i-save ang iyong bagong custom na brush. Narito kung paano:

  • Piliin ang Brush tool.
  • Buksan ang panel na Mga Setting ng Brush sa pamamagitan ng pagpunta sa Window > Mga Setting ng Brush.
  • Sa Mga Setting ng Brush, makikita mo ang mga setting para sa iyong kasalukuyang brush.
  • Baguhin ang Hugis ng Tip ng Brush mo para tumugma sa hitsurang gagawin mo.
  • Tingnan ang iba pang opsyon sa panel para piliin ang mga attribute ng bagong brush mo.
  • Kapag kontento ka na sa bagong brush mo, pwede mo na itong simulang gamitin kaagad — pero tiyaking ise-save mo ito kung gusto mo itong gamitin ulit.
  • Para i-save ang bagong brush mo, piliin ang Bagong Brush Preset mula sa hamburger menu.
  • Lagyan ng bagong pangalan ang brush mo at i-click ang OK.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/photoshop/do-more-with-adobe-photoshop

Pahusayin ang mga kasanayan mo sa {{photoshop}}.

Alamin kung paano gawing kapaki-pakinabang ang bawat brushstroke sa tulong ng mga tutorial tungkol sa {{photoshop}} na ito.

I-customize ang mga brush mo.

Tuklasin kung paano mag-import ng bagong set ng mga brush o baguhin ang isang kasalukuyang brush na preset para makuha ang tama lang na effect.

Gumawa at magbago ng mga brush

Mag-paint na may perpektong symmetry.

Gamitin ang paboritong brush mo at mag-paint ng makatotohanang image na salamin — o ng abstract na mandala — nang may ganap na katumpakan.

I-explore ang symmetrical na painting

Idagdag ang iyong personal na style.

Kumuha ng larawan ng mga drawing o texture at gamitin ang Adobe Capture para gawing mga natatangi at nakakamanghang paintbrush ang mga ito.

Gumawa ng mga brush mula sa mga image

Magsulat ng isang magandang bagay.

Tingnan kung paano gumawa ng mga design ng hand lettering gamit ang iba't ibang brush para sa calligraphy.

Tumuklas ng mga tip sa hand lettering

Gumawa nang matalino gamit ang mga tamang tool.

Padaliin ang workflow ng digital art mo sa iba't ibang device gamit ang mga Adobe Creative Cloud app.

Gumawa anumang oras, kahit saan.

I-sync ang mga naka-customize na brush at naka-save na brush preset gamit ang mga library sa Creative Cloud para mag-paint at gumuhit on the go, sa mobile mo man o sa mga desktop app mo.

Hanapin ang perpektong canvas.

Simulan kaagad ang anumang creative project gamit ang mga high-resolution na asset sa {{adobe-stock}} na pwede mong dagdagan at iangkop para sa gusto mong hitsura.

{{frequently-asked-questions}}

Paano ako mag-e-export ng mga brush mula sa {{photoshop}}?

Mayroong ilang paraan para i-export ang iyong {{ps-brushes}}. Ang pinakamadaling paraan ay sundin ang mga sumusunod na hakbang na ito:

  1. Buksan ang panel ng mga brush sa {{photoshop}} (Window > Mga Brush).
  2. Piliin ang brush o mga brush na gusto mong i-export.
  3. Pumunta sa menu ng panel na Mga Brush at piliin ang "Mag-export ng Mga Brush".
  4. Sa dialog box ng Mag-export ng Mga Bursh, pumili ng lokasyon para i-save ang mga brush, pangalanan ang file, at piliin ang "abr." bilang format ng file.
  5. I-click ang button na "I-save" para i-export ang mga brush.

Pwede nang i-import sa isa pang dokumento sa {{photoshop}} ang mga na-export na brush. Pwede mo ring i-share ang mga ito sa iba sa pamamagitan ng pagpasa sa .abr file. Para mag-import ng mga brush sa {{photoshop}}, pumunta sa menu ng panel na Mga Brush, piliin ang "Mag-import ng Mga Brush", piliin ang naaangkop na .abr file, at i-click ang button na "I-load".

Paano ako magde-delete ng {{ps-brushes}}?

Simple lang ang pagde-delete ng mga brush sa {{photoshop}}. Buksan ang panel na Mga Brush sa {{photoshop}} (Window > Mga Brush) at piliin ang brush o mga brush na gusto mong i-delete. Sa menu ng panel na Mga Brush, piliin ang I-delete ang Brush. Kumpirmahin ang iyong pinili kapag lumabas ang prompt.

Pwede ka ring mag-delete ng mga brush sa pamamagitan ng pag-drag sa mga ito palabas ng panel na Mga Brush at papunta sa trash. Kung magde-delete ka ng mga brush sa iyong default na set, kakailanganin mong i-restore ang mga ito sa susunod na ire-restart mo ang {{photoshop}}. Kung gusto mong permanenteng i-delete ang mga brush, kakailanganin mong gumawa ng mga custom na set at i-delete ang mga ito mula doon.

Paano ako magdadagdag ng mga brush sa {{photoshop}} sa isang iPad?

Mayroon kang tatlong opsyon para sa pag-install ng mga brush sa Photoshop sa iPad. Ang una at pinakasimpleng opsyon ay mag-download ng mga bagong brush sa iyong browser at i-extract ang mga ito. Kung gumagamit ka ng Mac, makikita mo ang .abr file, i-right click mo ito, at i-share sa iPad sa pamamagitan ng AirDrop. Kapag na-prompt na sa iPad, piliin ang Photoshop sa listahan ng “Buksan gamit ang…” para i-install ang brush.

Ang isa pang opsyon ay i-download ang mga brush nang direkta sa iyong iPad sa Safari. I-download ang file at mag-navigate sa Mga Download sa app na Mga File. Kapag naroon ka na, buksan ang na-extract na folder. I-install ang .abr file. Kung may lalabas na prompt, piliin ang {{photoshop}} para buksan ang file.

Aling {{ps-brushes}} ang pinakamainam para sa mga baguhan?

Bilang baguhan sa {{photoshop}}, pinakamainam na magsimula sa mga simpleng brush na tutulong sa iyo na maunawaan ang mga pangunahing kaalaman sa {{phoptoshop}} at kung paano gumagana ang mga brush. Narito ang ilang inirerekomendang brush para subukan:

  • Soft Round Brush: Ang pinakasimpleng brush sa {{photoshop}}, perpekto ito para sa painting at blending.
  • Hard Round Brush: Mainam para sa mga sharp na edge at linya, ginagamit ang brush na ito para gumawa ng mga detalye.
  • Chalk Brush: Kung gusto mo ng magaspang at textured na hitsura, ideyal ang brush na ito. Perpekto rin ito para sa shading at blending.
  • Paintbrush: Hindi ka lang makakagawa ng natural at hand-drawn na hitsura gamit ang brush na ito, magagamit mo rin ito para mag-sketch at mag-paint.
  • Eraser Brush: Ang eraser brush ang iyong "go-to" sa pag-aalis o pagbubura ng mga bahagi sa iyong image.
  • Clone Stamp Tool: Nagbibigay-daan sa iyo ang tool na ito para kopyahin ang isang bahagi ng iyong image at i-paste ito saanpaman, na mainam para sa pag-aalis ng mga blemish o pag-duplicate ng mga element.

Tandaan, ang mga brush ay isang aspeto lang ng {{photoshop}}. Para makuha ang lahat ng benepisyo ng {{photoshop}}, mahalagang alamin ang tungkol sa iba pang tool at feature ng programa nito.

Saan ko makikita ang mga brush sa Photoshop na ida-download?

Pwede kang bumili o mag-download ng mga karagadagang brush sa {{adobe-stock}}. Marami ring opsyon na available nang libre bilang bahagi ng {{cc-subscription}} mo.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/photoshop/merch-card/segment-blade