https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/photoshop/sticky-banner/default

Gawin ang digital masterpiece mo.

Pagandahin ang digital art mo gamit ang mga custom na drawing brush o simulan kaagad ang gawa mo gamit ang mga preset na {{ps-brushes}}.

Gawing kapansin-pansin ang mga salita mo.

Pagandahin ang hand lettering at mga calligraphy brushstroke mo gamit ang mga de-kalidad na set ng brush sa Photoshop.

Maglarawan ng mga creative na ideya.

Gawin ang eksaktong linework at shading na gusto mo. Bigyang-buhay ang mga digital drawing mo gamit ang lapis, ink, at mga charcoal brush.

Pag-iba-ibahin ang style at brush mo.

Pag-eksperimentuhan ang lahat mula sa mga watercolor brush hanggang sa mga splatter effect, at mag-explore ng libo-libong preset tool.

Subukan ang mga custom na brush.

Gumawa ng natatanging toolkit na may mga custom na brush sa Photoshop na makakatulong sa iyong magawa ang anumang effect na gusto mo.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/photoshop/photoshop-brushes/personalization/cards-logged-out

Paano mag-import at mag-install ng mga brush sa {{photoshop}}.

Ang isa sa mga kamangha-manghang bagay tungkol sa paggamit ng mga brush sa Photoshop ay pwede kang gumawa at mag-share ng sarili mong brush. Ikaw man ay nagsisimula pa lang o may karanasan nang digital artist, pwedeng maging masayang mag-download at mag-import ng mga brush nang diretso mula sa Adobe o sa mga paborito mong creator.

Narito kung paano:

  • Buksan ang panel na Mga Brush sa {{photoshop}} sa pamamagitan ng pagpunta sa Window > Mga Brush.
  • I-click ang hamburger menu at piliin ang Kumuha ng Higit pang Brush.
  • Hanapin ang gusto mong brush pack.
  • Panatilihing nakabukas ang {{photoshop}} at i-double click ang file ng brush pack mo.
  • Mai-install na sa panel na Mga Brush ang mga bago mong brush para magamit mo.
  • Pwede ka ring mag-import ng mga brush sa pamamagitan ng pag-click ng hamburger menu sa panel na Mga Brush at pagpili ng I-import ang Mga Brush, pagkatapos ay pagpili sa tamang file ng ABR brush pack at pag-click ng Buksan.

Paano gumawa ng brush sa {{photoshop}}.

Kung hindi mo mahahanap ang eksaktong tamang brush sa {{photoshop}} o sa isang brush pack, magandang balita — pwede kang gumawa ng sarili mong brush. Pag-isipan muna kung anong hitsura ang gagawin mo at kung anong uri ng brush ang tutulong sa iyo na magawa ang effect na iyon. Pagkatapos ay magpatuloy at pag-eksperimentuhan ang mga setting sa panel na Mga Brush at i-save ang iyong bagong custom na brush.

Narito kung paano:

  • Piliin ang Brush tool.
  • Buksan ang panel na Mga Setting ng Brush sa pamamagitan ng pagpunta sa Window > Mga Setting ng Brush.
  • Sa Mga Setting ng Brush, makikita mo ang mga setting para sa iyong kasalukuyang brush.
  • Baguhin ang Hugis ng Tip ng Brush mo para tumugma sa hitsurang gagawin mo.
  • Tingnan ang iba pang opsyon sa panel para piliin ang mga attribute ng bagong brush mo.
  • Kapag kontento ka na sa bagong brush mo, pwede mo na itong simulang gamitin kaagad — pero tiyaking ise-save mo ito kung gusto mo itong gamitin ulit.
  • Para i-save ang bagong brush mo, piliin ang Bagong Brush na Preset mula sa hamburger menu. Lagyan ng bagong pangalan ang brush mo at i-click ang OK.