Pinadaling pagpapalaki ng larawan.
Kung may mga larawan kang luma o may mababang resolution na gusto mong gawing pang-print ang kalidad, gamitin ang feature na Super Resolution sa Adobe {{photoshop-lightroom}}. Gumagawa ang Super Resolution ng isang image na doble ang linear na resolution. Ibig sabihin, ang pinagandang image ay magkakaroon ng dobleng lapad at taas ng orihinal na image, o apat na ulit ng kabuuang bilang ng pixel.

Maghanda ng mga image para sa malalaking print.
Nangangailangan ng mas maraming pixel ang malalaking print. Gamit ang Super Resolution, matutugunan mo ang mahihigpit na pamantayan sa pag-print sa pag-upsample ng 12MP na image hanggang 48MPC — na katumbas ng larawang 16” x 24”.

Gawing kapaki-pakinabang ang mga masisikip na na-crop na larawan.
Pinapaliit ng isang masikip na pag-crop ang laki ng image mo. Dati, isang maliit at may mababang resolution na larawan ang maiiwan sa iyo. Ngayon pwede ka nang mag-crop lang nang mag-crop para makuha ang composition at kalidad na kailangan mo.

Mag-upsample ng mga image na may mababang resolution.
Kung kumuha ka ng mga larawan sa isang mas lumang camera o camera ng telepono na may mas mababang resolution, magagawa mong i-scale up ang mga shot na iyon para tumbasan ang mga pamantayan sa mas mataas na resolution ng kalidad ng image ngayon.

Magpamalas ng nakakamanghang detalye.
Huwag hayaan ang mababang resolution na pigilan kang lumapit at maging personal. Maglapat ng Super Resolution para magpakita ng pambihirang linaw at malilinis na edge sa bawat pagkakataon, kahit sa mga close-up.
Malilinaw na resulta na sinusuportahan ng AI.
Binuo batay sa algorithm-based na machine learning model na sinanay sa pamamagitan ng pagsusuri ng milyon-milyong image, nagdaragdag ang Super Resolution sa pamamaraan ng interpolation ng mga feature na Enhance Details na inilunsad sa iba pang {{creative-cloud}} app, tulad ng adobe {{Camera-Raw}} (ACR) at {{photoshop}} — kung saan available rin ang Super Resolution.
Mas maraming magagawa sa magkakakonektang app.
Adobe Bridge.
Mabilis na mag-ayos, mag-edit, at mag-export ng mga creative asset mo gamit ang Adobe {{Bridge}}. Buksan ang mga image mo para i-edit sa Adobe {{camera-raw}} mula sa {{bridge}} o sa {{photoshop}} para sa mga naka-target na pag-edit.
Magdagdag ng mga panapos mong detalye sa {{photoshop}}.
Abot-kamay ang lahat ng kailangan mo para pagandahin ang mga pinalaki mong larawan sa {{photoshop}}. Mag-alis ng mga nakakaabalang object, mag-retouch ng maliliit na detalye, at marami pa.
Paano maglapat ng Super Resolution sa {{lightroom}}.
Kumuha ng larawan, ilagay ito sa {{lightroom}}, tapos sundin ang mga simpleng hakbang na ito para palakihin ang larawan mo.
- Mag-right click sa larawan (o i-hold ang Command o Control key habang nagki-click) at piliin ang I-enhance.
- Sa dialog box ng I-enhance ang Preview, lagyan ng check ang box ng Super Resolution at pindutin ang I-enhance. Tiyaking pipiliin ang Mga Raw Detail.
- Magpatuloy sa pag-edit ng bago mong DNG file.
Mga tip para sa pag-upscale ng mga image.
Panatilihin itong RAW.
Para sa pinakamagagandang resulta, gumamit ng mga RAW file kapag nagpapaganda ka ng image. Pwede kang gumamit ng iba pang format ng file tulad ng mga JPG, PNG, at TIFF, pero mabibigyan ka ng mga RAW file ng mas maraming magagamit na data ng image.
I-edit at i-adjust ang image mo.
I-fine tune ang settings mo sa Sharpening, Noise Reduction, at Texture para makuha ang pinakamagagandang resulta ng pagpapalaki mo.
Maglapat ng mga pagbabago sa iba't ibang image.
Pwede kang maglapat ng Enhance sa maraming image sa isang pagkakataon. Pumili ng maraming image sa Filmstrip, tapos patakbuhin ang command na I-enhance.
Pabilisin ang proseso.
Kapag mas mabilis ang GPU, mas mabilis ang pagproseso ng image. Gumamit ng solid state drive (SSD) para iproseso ang image mo sa lalong madaling panahon.
Alamin pa ang tungkol sa pagpapaganda ng image sa tulong ng mga tutorial na ito.

Gumamit ng mga feature ng Enhance sa adobe {{camera-raw}}.
Alamin kung paano maglapat ng Raw Details at Super Resolution sa {{adobe}} {{camera-raw}}.

Gamitin ang Enhance Details sa {{camera-raw}}, {{lightroom}}, at {{lightroom-classic}}.
Alamin kung paano gumagana ang feature na ito para bawasan ang mga artifact, moiré pattern, at false pattern sa mga image mo.