Gawing madali ang pag-aayos ng larawan.
Marami kang kinukuhang larawan. Marami kang ine-edit na larawan. Pero hindi ka dapat maglaan ng maraming oras sa abala ng pag-manage ng mga ito. Nagbibigay ang {{lightroom}} ng software sa pag-manage ng larawan na ginagawa nang mas madali at mas epektibo ngayon ang pag-store ng mga larawan online. Bakit ka maglalaan ng oras sa pag-aayos ng mga digital na larawan mo kung pwede kang maglaan ang oras para gawin ang gusto mo?
Mabilis na mag-save ng mga larawang ishe-share.
Ginagamit ang {{lightroom}} mobile app sa smartphone mo? Naka-sync na ang mga edit na iyon sa tablet at computer mo. Sa {{lightroom}}, mama-manage mo ang library mo ng image mula sa kahit anong computer o mobile device. I-access ang lahat ng gusto mo i-share, kailanman mo man ito gustong i-share.
Ma-experience ang intelligent na paghahanap ng image.
Natutukoy ng machine learning ng {{adobe-sensei}} ang content ng mga image file mo, kaya makakadiretso ka sa hinahanap mo. Maghanap ng mga shot mula sa kamakailan mong bakasyon o, sa tulong ng facial recognition, mga larawan ng mga partikular na kaibigan — nagdagdag ka man ng mga keyword o hindi. Mabilis na paghahanap lang ang lahat.
Gawing napakasimple ang pag-aayos ng larawan.
Panatilihing nasa perpektong pagkakaayos ang mga larawan mula sa biyahe, mga selfie, at mga litrato ng pamilya sa pamamagitan ng paggrupo ng mga larawan sa mga album, tapos pag-aayos ng mga ito sa mga folder. Magagawa mong mag-share ng kahit anong album mula mismo sa {{lightroom}} at kahit mag-imbita ng mga kaibigan o collaborator na gumawa ng mga sarili nilang edit.
I-store ang bawat larawan nang hindi nag-aalala.
Pinagsasama ng {{lightroom}} ang mahusay na software sa pag-manage ng larawan at sapat na storage space para sa buong library ng image mo. Magsimula sa 1 terabyte na cloud storage, at kumuha pa ng mas marami kung kinakailangan. Tuklasin ang online na storage ng larawan na nakakamangha ang pag-aayos at palaging maaasahan.
Laktawan ang mga karaniwang problema sa storage ng larawan.
Minsan ay nakakalito ang mga label, folder, at napakaraming external na hard drive kapag nagso-store ng mga image. Makakatulong sa pagliligpit ng kalat ang pag-manage ng mga larawan gamit ang Lightroom. Maghanap sa buong library mo ng larawan, mag-sort o mag-filter ayon sa mga pangangailangan mo, at i-save ang mga edit mo nang hindi dinu-duplicate ang mga image mo.
Lahat ng larawan mo sa iisang lugar.
Walang gustong maguluhan sa mga file at folder, lalo na kung hiwa-hiwalay ang mga ito sa maraming drive at device. Ang {{lightroom}} ay isang organizer ng larawan na nagsi-streamline sa library mo ng larawan sa pamamagitan ng pag-save ng mga image mo sa iisang secure at cloud-based na lokasyon na walang panganib ng pagpalya ng hardware.
Hindi na kailangan ng napakaraming kopya ng iisang image.
Ang {{lightroom}} ay gumagamit ng mga hindi nakakasirang edit, na nangangahulugang hindi kailangang gumawa ng mga kopya para i-preserve ang orihinal mong image. Awtomatikong nagse-save ang mga adjustment mo habang nag-e-edit ng larawan, kaya sabay na nape-preserve ang orihinal na file at mga binago mo.
Maiikling tutorial sa {{lightroom}}.
Mga step-by-step na gabay para ipakita sa iyo kung paano mismo masusulit ang lahat ng feature sa pag-manage ng larawan sa {{lightroom}}, mula sa pag-set up ng mga opsyon sa storage hanggang sa pagdaragdag at pag-aayos ng mga larawan mo.
Alamin pa ang tungkol sa pagpapaganda ng image sa tulong ng mga tutorial na ito.
Isaayos ang mga larawan mo sa {{lightroom}}.
Gumamit ng mga album, flag, at rating para ayusin ang mga image mo online.
I-save at i-share ang mga larawan mo.
Gawing mas madali ngayon ang pag-upload, pag-save, at pag-share ng mga image.
Iangkop sa iyo ang paghahanap ng image.
Maghanap ng mga larawan ayon sa content gamit ang awtomatikong pag-tag.
Magdagdag at mag-ayos mula kahit saan.
Mag-upload ng mga image sa {{lightroom}} mula sa desktop, mobile, at web.