Mag-edit on the go.
Ang Lightroom para sa mobile ay libreng photo editing app para sa mga iPhone, iPad, at Android device. Gamit ang mahuhusay na feature nito sa pag-edit na nasa bulsa mo, makakagawa ka ng mga namumukod-tanging shot kahit saan.
Pinadali ang pag-edit.
Ma-access kaagad ang iyong mga larawan, at pagkatapos ay gumawa ng mga basic na pag-edit sa brightness, contrast, at marami pa — para maipakita mo ang mga larawan mo sa pinakamagandang paraan.
Gawing kapansin-pansin ang anumang image gamit ang mga preset.
Magdagdag ng mga preset sa isang tap at hayaan ang Lightroom na gawin ang lahat ng iba pa. Gamit ang mahigit 150 hand-crafted, libre, at premium na preset na mapagpipilian, hindi ka kailanman mauubusan ng mga opsyon para magpahanga.
Pahusayin ang mga kakayahan mo nang mabilis.
Subaybayan ang mga ekspertong photographer sa mga step-by-step na tutorial na idinisenyo para pahusayin pa ang mga kakayahan mo sa pag-edit ng larawan.
Nakikita mo na ito ngayon, ngayon ay hindi na.
Mag-alis ng mga hindi gustong distraction o blemish sa background sa mga larawan mo gamit ang Healing Brush tool nang walang kahirap-hirap.
I-share ang iyong proseso.
Ipakita kung paano mo napaganda ang iyong mga larawan kapag gumawa ka ng puwede ibahagi na edit replay na video sa loob lamang ng ilang pag-tap.
Alisin ang kahit ano sa isang pindot.
Pawalain ang mga abala nang walang naiiwang bakas gamit ang bagong Generative Remove. Pinapagana ng generative AI ng Adobe Firefly.
Gumawa ng custom na blur.
Mabilisang gumawa ng nakakamanghang portrait na effect sa kahit anong larawan gamit ang Lens Blur, na pinapagana ng AI. Gumamit ng mga bagong preset para madaling tumutok sa subject mo at palabuin ang lahat ng iba pa.
Mabilisang pagandahin ang mga larawan gamit ang isang tap na AI presets.
Awtomatikong pagandahin ang iyong mga portrait gamit ang mga preset na maaari mong idagdag sa mga piling area ng iyong mga larawan.
Makuha ang isang timeless na black-and-white na itsura para sa mga video.
Ngayon ay puwede mo nang i-edit ang mga black-and-white mong video sa pamamagitan ng Color panel — at bigyan ang iyong gawa ng isang magkakaugnay na hitsura at pakiramdam.
I-edit ang mga larawan na HDR sa Lightroom.
Mag-import at i-edit ang iyong mga larawan na HDR sa Lightroom at pagkatapos ay i-save ang mga ito sa industry-standard formats. Ito ay isang bagong end-to-end workflow, mula sa pag-edit hanggang sa pag-export.
Mga madalas itanong.
Ano ang Lightroom para sa mobile?
Libre ba ang Lightroom sa mga iPhone, iPad, at Android device?
Ano ang pagkakaiba ng Adobe Lightroom para sa mobile at desktop?
Paano ko gagamitin ang Lightroom sa iPad o iPhone ko?
Paano ko gagamitin ang Lightroom sa mga Android device?
b. Mag-sign in gamit ang Adobe ID, Facebook, o Google mo.
c. Kapag nakapag-sign in ka na, pwede kang kumuha, mag-import, maghanap at mag-ayos, mag-edit, pati na rin mag-save, mag-share, at mag-export ng mga larawan mo.