photoshop lightroom features

Mas mabilis na mag-edit ng mga larawan gamit ang mga preset sa Lightroom.

Magkaroon ng access sa napakaraming de-kalidad at nako-customize na preset at propesyonal na ginawang Premium Preset para sa mobile at desktop sa Adobe Photoshop Lightroom. Alamin kung paano makatipid ng oras sa pag-edit ng larawan sa pamamagitan ng paggawa ng mga one-click na pagbabago gamit ang mga preset.

Free trial Bilhin ngayon

Two people holding hands across a wooden table with coffee cups on it, viewed from above.

Pinapalabas ng mga preset sa Lightroom ang creativity mo.

Pasimplehin ang post-processing mo gamit ang mga preset sa Lightroom. Magagamit mo rin ang lumalaking bilang ng mga Premium preset namin mula sa mga nangungunang photographer para gawing nakakamangha ang mga karaniwang snapshot.

Larawan ng batang nasa edad ng estudyante na may maikling blond na buhok sa puting background, na nakabukas sa interface ng Lightroom.

Magkaroon agad ng glow-up gamit ang mga Premium Preset

Pagandahin ang mga portrait sa isang iglap gamit ang mga preset para sa bawat kulat ng balat. Ang mga subscriber sa Creative Cloud ay may access sa lumalaking bilang ng mga propesyonal na ginawang preset para sa bawat uri ng larawan.

Pahusayin ang mga kakayahan mo sa pag-edit.

Hanapin ang mga paborito mong preset sa Lightroom at gawing iyo ang mga ito. Kapag nakikita ang lahat ng adjustment, mababago mo ang mga preset at makakamit mo ang eksaktong hitsurang gusto mo.

Image ng dalawang taong nagtatawanan at nakatayo sa harapan ng isang pader na yari sa ladrilyo sa loob ng interface ng produkto ng Lightroom na nakabukas ang mga menu sa pag-edit.
Isang larawan ng nag-iisang puno na may mabababang bundok at blue na langit sa background, na nakabukas sa interface ng Lightroom.

Pabilisin ang workflow mo.

Patingkarin ang mga larawan mo, nang mabilis, gamit ang mga Inirerekomendang Preset, na gumagamit ng artificial intelligence para maghanap sa libo-libong preset sa Lightroom para mahanap ang pinakamaganda para sa larawan mo.

Mag-edit kahit saan, kahit kailan.

Gumamit ng mga preset sa Lightroom mobile para gumawa ng mga nakakamanghang image nasaan ka man. Awtomatikong nagsi-sync ang mga preset sa desktop at mobile kaya palagi kang may access sa mga paborito mo.

Kamay na may hawak na phone na nagpapakita ng image ng babaeng nakasuot ng black at white na bestida sa interface ng Lightroom mobile.

Mag-customize, mag-share, at mag-import.

Gumawa ng sarili mong mga preset sa Lightroom na pwedeng i-share. O maghanap at mag-save ng mga preset na naghahatid ng mga napakaganda at bagong hitsura mula sa komunidad ng mga photographer tulad mo.

Tuklasin ang mga paborito mong preset sa Lightroom.

Magsimula sa daan-daang libreng preset mula sa komunidad o paglaruan ang mga propesyonal na ginawang Premium Preset gamit ang subscription mo sa Lightroom.

Gumawa ng sarili mo.

I-save ang mga sarili mong adjustment sa larawan bilang preset sa Lightroom na magagamit mo sa mobile at desktop.

Maghanap online.

Maghanap ng magagandang preset online nang libre o bumili ng mga preset mula sa mga mahuhusay na photographer at vendor.

I-share ang yaman.

Makakuha ng mga preset mula mismo sa mga kaibigan o kapwa photographer, o gumawa at mag-share ng sarili mo.

Magsimula sa mga preset sa Lightroom.

Pinapadali ng mga preset ang buhay mo, baguhan ka man o propesyonal na photographer. Narito ang kung paano ka makakapagsimulang gamitin ang mga ito para sa mga sarili mong larawan:

Mag-download ng mga libreng preset sa Lightroom.

Pahusayin ang pag-edit mo ng larawan sa tulong ng mahigit 40 libreng preset sa Lightroom. Dahil sa predefined na settings, mababago mo ang mga larawan mo sa isang partikular na istilo o aesthetic gamit ang filter na isang click lang. Madaling i-install, gamitin at mag-edit on the go.

Pahusayin pa ang pag-edit mo ng larawan.

Alamin kung paano mag-install at gumamit ng mga preset sa Lightroom gamit ang mga resource at tutorial na ito.

MGA MEMBERSHIP PLAN

Kunin ang Lightroom.

Magsimula muna sa Lightroom, o kunin ang Lightroom at 20+ pang app sa Creative Cloud All Apps plan.

Lightroom

Ang kumpletong bersyon ng Lightroom para sa mobile, desktop, at web, pati ang Lightroom Classic.

Pang-isang taon na binabayaran buwan-buwan

675.00/buwan  

Photography

Lightroom, Lightroom Classic, at Photoshop sa desktop at iPad.

Pang-isang taon na binabayaran buwan-buwan

1,126.00/buwan 

Creative Cloud All Apps

Makatipid ng 48% para sa unang taon sa kumpletong bersyon ng Lightroom pati ang Adobe Express Premium plan at mahigit 20 app. Mga first-time na subscriber lang.

Pang-isang taon na binabayaran buwan-buwan

3,267.00/buwan 1,689.00/buwan  para sa unang taon. Tingnan ang mga tuntunin.