Mag-edit ng mga larawan para makuha ang gusto mong hitsura.
Likhain ang gawang matagal mo nang iniisip gamit ang mga innovative na tool sa pag-edit ng larawan, mga feature, at mga preset sa pinakakumpleto at pinakamadaling gamiting pang-edit ng larawan sa buong mundo. I-explore ang mga paraan kung saan magagamit mo ang Lightroom para sa kahit ano mula sa mga karaniwang edit hanggang sa propesyonal na workflow para magawa mo ang pinakamahuhusay mong image.
Magpamangha sa isang sulyap.
Gumamit ng mga Premium Preset para idagdag ang wow factor nang walang ginagawa. Ginawa ng mga propesyonal na photographer pero mae-edit mo, ang mga Premium Preset ay madaling paraan para mag-touch up ng mga larawan para sa print at social media.
Kontrolin ang mga kulay mo.
Kontrolin ang mga midtone, shadow, at highlight gamit ang Color Grading tool. I-blend ang mga range ng tone mo nang may katumpakan para kulayan ang mga grayscale na larawan o gumawa ng natatanging stylized na hitsura.
Gumamit ng mga tool na hindi makakapagpabagal sa iyo.
Pumili ng tao, hayop, object, o kahit ang kalangitan sa iisang click. Mula roon, simple na ang pag-edit sa mga napiling bahagi para magawa mo ang eksaktong larawang gusto mo, nang mabilis.
I-fine tune ang bawat detalye.
Pakinisin o dagdagan ang texture. Alisin o pakapalin ang haze, hamog, at usok. Palambutin o patalasin ang mga edge. Matutulungan ka ng mga tool sa pag-edit tulad ng mga slider na texture, dehaze, at clarity na gawing pinakamaganda ang bawat larawan.