Lightroom Classic vs. Lightroom
Lightroom Classic
Lightroom
Ang Lightroom ay ang bagong cloud-based na serbisyo sa larawan na gumagana sa desktop, mobile, at web. Ang Lightroom Classic ay ang pang-desktop na produkto para sa digital photography.
Kung maubusan ka ng storage, mase-save lang ang mga bago mong larawan sa mga device kung saan nagmula ang mga ito. Hindi na maba-back up ang mga ito sa cloud o masi-sync sa mga device mo, at hindi na awtomatikong mata-tag ang mga ito para sa madaling paghahanap ng keyword sa Lightroom. Maa-access pa rin sa lahat ng device mo ang mga larawang na-back up mo na sa cloud.
Kung kailangan mo pa ng storage, pwede mong i-upgrade ang 20GB na plan sa 1TB o i-boost ang kabuuang storage mo sa 2TB, 5TB, o 10TB, na nagsisimula sa halagang ₱675.00/buwan kada terabyte. Para bumili ng higit pang storage, tumawag sa1800 723 1389. Para i-upgrade ang kasalukuyan mong plan, mag-sign in sa Adobe ID account mo (Mga Plan at Produkto > I-manage ang plan > Lumipat ng plan). Para sa mga detalyadong tagubilin, tingnan ang Palitan ang plan mo sa Creative Cloud.