


I-edit at isaayos ang lahat ng larawan mo sa desktop. Kasama na ngayon ang Lightroom Classic sa Lightroom plan sa halaga lang na ₱675.00/buwan . Taunang plan na binabayaran buwan-buwan.
Kilalanin ang photo editing app na na-optimize para sa desktop.
Ibinibigay sa iyo ng Lightroom Classic ang lahat ng tool sa pag-edit sa desktop na kailangan mo para gawing pinakamaganda ang mga larawan mo. Patingkarin ang mga kulay, bigyang-buhay ang mga walang siglang shot, alisin ang mga nakakagulong object, at ituwid ang mga tabinging shot. Isaayos ang lahat ng larawan mo sa desktop mo nang walang kahirap-hirap, at i-share ang mga ito sa iba't ibang paraan.

Higit pang creative control.
Binibigyang-daan ka ng mahuhusay na bagong masking tool na gumawa ng mga mas precise na adjustment para madali mong mapapaganda pa ang pag-edit mo.

Alisin ang anumang distraction.
Binibigyang-daan ka ng bagong Content-Aware Remove na mag-alis ng kahit ano sa loob ng ilang segundo. Pumili lang ng object o blemish at awtomatikong isa-sample ng Lightroom Classic ang mga paligid ng image mo para ma-blend ito at maalis.

I-preset ito at perpektuhin ito.
Gumamit ng mga preset sa mga partikular na bahagi ng larawan mo sa isang click lang gamit ang mga Adaptive Preset — gamitin ang mga ito para gumawa ng mga mas dramatikong langit at gawing namumukod-tangi ang mga subject mo.
Tingnan ang mga pagkakaiba ng {{lightroom}} at {{lightroom-classic}}.
LIGHTROOM
LIGHTROOM CLASSIC