Maituturing na sining ang pagsusulat ng resume, at kailangang maayos ang pagkakasulat ng isang magandang resume bago maging maganda ang pagkaka-design dito. Madaling madala at maglagay ng masyadong maraming impormasyon. Magsimula sa mga pandiwa at magsulat ng maikling pahayag tungkol sa history mo ng pagtatrabaho gamit ang mga bullet point.
Kapag naihanda mo na ang content, oras na para sumubok ng ilang opsyon sa pag-layout, tulad ng dalawang column sa halip na tatlo. Pwede kang mag-sketch out ng ilang halimbawa ng resume sa papel bago gawin ang mga ito sa InDesign. Kapag handa ka na, i-set up ang dokumento mo sa InDesign at gumamit ng mga grid para matiyak na perpekto ang alignment.
Mahalagang bahagi ng design ang tamang font, kaya subukan ang ilan at tingnan kung ano ang gusto mo. Mag-set ng mga character at paragraph style para madaling gumawa ng pagbabago kalaunan. Huwag pumili ng masyadong maraming font, para matiyak na mababasa at madaling mauunawaan ng mga hiring manager ang resume mo.
Mas magpursigi sa pamamagitan ng pagdisenyo ng custom na logo o graphic para sa resume mo sa Adobe Illustrator at i-import ito sa InDesign. Gumamit ng matitingkad na kulay para mag-highlight ng ilang partikular na element sa resume mo para makatawag-pansin.