Magdisenyo ng mga epektibong layout.
Tuklasin kung paano ka tutulungan ng InDesign na bigyang-buhay ang creativity mo gamit ang software sa pag-layout ng page na madaling gamitin at kung saan simple lang mag-edit.
Humanap ng mga simpleng solusyon.
Gumagawa ka man ng layout ng bagong nobela o magazine mo, tinutulungan ka ng mga preset at naa-adjust na setting ng InDesign na gumawa at mag-edit ng mga dokumento nang walang kahirap-hirap.
Awtomatikong mag-adjust.
Proporsyonal na nire-resize ng awtomatikong pag-adjust ng InDesign na pinapatakbo ng machine learning ang design ng layout mo kaya madali mong mababago ang sukat ng anumang dokumento.
Magdisenyo nang mabilis.
Maglagay at gumawa ng maraming frame nang walang kahirap-hirap gamit ang pinagsama-samang image, body text, white space, at type para padaliin ang proseso ng pagdisenyo ng layout ng page.
Maghandang mag-print.
I-optimize ang pagdisenyo ng layout para sa propesyonal na pag-print gamit ang CMYK, Pantone, o mga spot color sa InDesign.
I-lay out ang mga element ng design mo.
Anuman ang pinal mong proyekto, makakatipid ka ng oras sa pagpaplano at paggamit ng mga template. Maging kapansin-pansin sa tulong ng mga tool na ito sa pag-layout ng page, na madaling maa-access sa iisang user interface.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/stock.svg
Adobe Stock
Tumuklas ng mga bagong template.
Hindi na magsisimula sa umpisa. Mag-sync na lang sa Adobe Stock at pumili sa mahigit 100 libreng template para simulan ang design ng layout mo.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/creative-cloud.svg
Adobe Creative Cloud
Idagdag ang artwork mo.
Pagandahin ang mga layout ng page mo gamit ang mga visual na element tulad ng mga custom na artwork, mga design, at mga video sa pamamagitan ng seamless na integration ng InDesign sa iba pang produkto ng Adobe Creative Cloud.
Paano magdisenyo ng layout ng page.
Sundin ang mga simpleng hakbang na ito para i-design ang layout ng susunod mong magazine, libro, o brochure.
- Magsimula:
Gumawa ng bagong layout sa InDesign. - Ilagay ito:
Magdagdag ng mga placeholder ng text at image sa bago mong layout. - I-import ito:
Dalhin ang content mo mula sa Adobe Stock at Adobe Fonts nang walang kahirap-hirap. - I-design ito:
Pagandahin ang layout mo gamit ang mga font at custom na image. - I-export ito:
I-save sa gusto mong dokumento sa alinmang format na kailangan mo.
Matuto mula sa mga pro sa graphic design.
Tutulungan ka ng napakagagandang tutorial na ito na sulitin ang design ng layout ng page mo, para mapagtuunan mo kung ano talaga ang mahalaga — ang content.
I-edit ang gawa mo.
Makatipid ng oras sa pamamagitan ng pag-alam kung paano magdagdag at mag-alis ng mga page sa kasalukuyang dokumento nang walang hirap.
Alamin pa ang tungkol sa pagdaragdag o pag-aalis ng mga page
I-master ang page.
Alamin kung paano gawin at baguhin ang mga master page para magdagdag ng consistency sa laki ng font at color palette sa bawat page.
Mag-explore ng mga libreng template ng layout ng page.
Manghalina ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga kawili-wili at expressive na template ng design ng layout ng print.