Magpahayag sa pamamagitan ng creative na design ng brochure.
Buuin ang mga ideya, image, at copy mo, pagkatapos ay mabilis na ilagay ang mga ito sa single o trifold na template ng brochure. Tuklasin kung bakit ang InDesign ang tagagawa ng brochure na tutulong sa iyong bigyang-buhay ang sarili mong design ng brochure.
Tukuyin ang design mo.
I-set ang layout mo nang may mga gabay para matiyak ang mga tamang sukat ng pag-print. At i-reflow ang text sa maraming page para gumawa ng simple at naa-adjust na design ng brochure.
Pumili ng istilo ng lettering mo.
Mag-explore ng libo-libong opsyon gamit ang access sa Adobe Fonts. Piliin at baguhin ang text mo para makuha ang natatanging design ng pamphlet na gusto mo.
Gawin itong visual.
Gumawa ng sarili mong graphics at mga drawing sa InDesign, o magdagdag ng mga logo na ginawa sa Adobe Illustrator para gumawa ng pamphlet na kapansin-pansin.
Mag-print ng magagandang brochure.
Tingnan kung ano mismo ang magiging aktwal na hitsura ng brochure mo gamit ang Preview ng Aktwal na Sukat. At huwag hayaang mawala ang matitingkad na kulay sa tulong ng mga komprehensibong color output ng InDesign.
Makalamang sa pagdisenyo ng brochure.
Mag-explore ng mas marami pang inspirasyon sa design ng brochure sa mga template ng InDesign at mga gawa ng iba pang tagagawa ng pamphlet.
Tukuyin ang design mo. Mas pagandahin pa ang mga naunang design.
Gumawa gamit ang mga kasalukuyang element para gayahin ang isang magandang hitsura. Gamit ang pag-import ng maramihang page ng PDF, hindi mo kailangang magsimula sa umpisa.
Padaliin ang paggawa.
Hindi mahirap simulan ang design mo sa mahigit 100 template ng brochure na available sa Adobe Stock, kasama ang mga bifold na brochure, travel brochure, company brochure, at marami pa.
Paano gumawa ng kamangha-manghang brochure.
I-design, i-lay out, at ihanda ang brochure mo para sa pag-print sa ilang simpleng hakbang.
- Magsimula:
Magbukas ng bagong proyekto at piliin ang opsyon ng brochure. - Kolektahin ang mga materyal mo:
Ipunin ang lahat ng copy at image na kakailanganin mo sa proyekto mo. - I-lay out ito:
Buuin at ayusin ang mga element ng design sa template ng brochure para makumpleto ang proyekto mo. - I-share ito:
Piliin ang gusto mong format at ihanda ang brochure mo para sa print shop.
Makakuha ng mga tip sa pagdisenyo ng mga propesyonal at makatawag-pansing brochure sa tulong ng mga kapaki-pakinabang na lesson na ito sa InDesign.
Makakuha ng mga tip sa pagdisenyo ng mga makatawag-pansing brochure sa mga kapaki-pakinabang na lesson na ito sa InDesign.
Gumawa ng trifold na brochure.
Magdisenyo ng stylish na brochure sa tulong ng simpleng gabay na ito sa paggawa ng trifold.
Mag-set up ng mga spread na pwede nang i-print.
Palalimin pa ang kaalaman mo sa pagdisenyo ng brochure sa tutorial na ito sa pagdisenyo ng mga spread para sa pag-print ng booklet.
Tumuklas ng mga libreng template ng brochure.
Pabukadkarin ang design mo ng brochure sa tulong ng mga template na mababago at mako-customize mo sa InDesign.