{{illustrator-features}}
Gumawa ng bago mong paboritong font design.
Sa Adobe Illustrator, pwede mong lapatan ang mahahalagang salita ng custom na font o typeface na makakatawag-pansin sa page at screen. Mga serif o sans serif na font, handwriting o tattoo — anuman ang inspirasyon mo sa typography — panahon na para likhain ang font mo.
Gumawa ng mga custom na font.
Mahirap hanapin ang tamang salita, at mahirap ding hanapin ang tamang design ng type. Pero matutulungan ka ng Illustrator na gumawa ng mga custom na letterform at font na bagay sa natatanging layout at design mo.
I-personalize ang bawat object.
Tulungang mamukod-tangi ang mga salita mo gamit ang iba't ibang font mula sa Adobe Originals, na makikita sa menu ng font ng Illustrator. Pumili ng kasalukuyang font para simulan ang proseso mo ng pagdisenyo, pagkatapos ay i-adjust ang bigat, lapad, o slant ng type.
Magsimula sa sketch.
Makuha ang eksaktong hitsurang gusto mo sa pamamagitan ng pagguhit nang freehand sa Illustrator o sa pamamagitan ng pag-import ng hand lettering o digital na art mula sa Adobe Photoshop.
Pinuhin ang gawa mo.
Gamitin ang Image Trace para gawing madaling ma-edit na vector graphic ang na-import mong font sketch. Baguhin ito para madali itong mabasa at i-shape ang bawat titik para makuha ang natatanging typographic na hitsurang gusto mo.
Buuin ang mga ideya mo.
Sa pamamagitan ng mga third-party na plug-in na makakatulong para i-finalize at i-manage mo ang mga font, madaling magdagdag ng bagong istilo sa toolbox mo at gamitin ito sa mga bagong proyekto sa graphic design.
Sulitin ang mga typography tool na ito.
Humanap ng font syle na akma sa gawa mo o tingnan ang gawa ng iba pang graphic designer para sa inspirasyon sa typography design.
I-import ang mga paborito mo.
Gamitin ang ginawa mong font — o pumili sa mahigit 17,000 de-kalidad na font na pwede mong i-activate mula sa Adobe Fonts — sa buong Adobe Creative Cloud sa Photoshop, XD, o Premiere Pro.
Mag-sync sa Adobe Stock.
Gamit ang mga asset sa Stock, mabilis kang makakahanap ng inspirasyon, makakapagsimula ka ng mga bagong proyekto, at magagamit mo ang Stock bilang batayan para sa bagong custom na font.
Paano gumawa ng font.
Creativity at ang mga simpleng hakbang na ito lang ang kailangan para matutong gumawa ng bagong font sa Illustrator.
- Iguhit ito:
Mano-manong i-sketch ang mga titik. - I-import ito:
I-scan at i-vectorize ang mga titik sa Illustrator para makuha ang partikular na haba ng linya, mga ascender, at mga descender. - Baguhin ito:
Pinuhin at ayusin ang mga titik para makuha ang eksaktong hitsura, readability, at kerning na gusto mo. - I-save ito:
I-save ang glyph at i-export ito gamit ang mga karagdagang plug-in. - Gamitin ito:
Gamitin ang bagong-bagong font sa susunod mong design.
Mag-explore ng mga tutorial sa typography.
Matagal-tagal na panahon at mahaba-habang practice ang kailangan para makapagdisenyo ng iba't ibang typeface, pero matutulungan ka ng mga tutorial na ito na mapabilis ang proseso.
Magsimula sa mga pangunahing kaalaman.
Bago gumawa ng custom na font para sa design, alamin kung paano magdagdag, mag-format, at mag-style ng text sa mga proyekto sa Illustrator.
I-practice ang precision ng pen.
Mag-practice sa pagguhit gamit ang Pen tool sa Illustrator, at maghandang i-sketch ang mga hugis na bumubuo sa batayan ng custom na typography.
Mas pagandahin pa ang text.
Linangin ang mga kasanayan mo bilang typographer sa tulong ng tutorial na ito. Matutunang gumamit ng mga classic na font tulad ng Helvetica at Arial bilang batayan para sa bagong vector graphics.