Colorful sketch of an iguana positioned beside other iguanas on an artboard with the text "Colorful iguana shapes" overlaid

Mag-edit at mag-customize.

Ganap na mae-edit, infinite na scalable, at ginawa sa sarili nitong bagong layer ang mga illustration na na-generate gamit ang Text to Vector Graphic. Gamitin ang mga tumpak na tool sa pag-edit sa Illustrator para baguhin ang bawat bahagi ng graphic mo para gumawa ng totoong katangi-tanging design na magagamit mo kahit saan.

Magdisenyo ng magagandang scene at higit pa.

Gamit ang Text to Vector Graphic, pwede mong baguhin ang mga resulta mo para sa mga tiyak na kalalabasang design. Mamili sa mga Scene, Subject, at Icon na output para gawin ang eksaktong vector graphic na kailangan mo, isa man itong simpleng illustration para sa logo o natatanging motif na dekorasyon ng packaging.

A desert drawing of mesas and distant mountins with buttons placed on top that read "Content type, Scene, Subject, and Icon"
A woman dancing with a colorful background.

Gumawa ng mga design sa sarili mong style.

Gamitin ang sarili mong artwork bilang reference image para mag-generate ng mga bagong vector na may katulad na style. Mabilis na gumawa ng mga komplimentaryong image para sa social media at higit pa — ilang tap na lang ang de-kalidad at quick-turn na marketing graphics.

Mag-isip at maghanap ng inspirasyon.

Nagsisimula ng bagong proyekto? Mula sa mga mood board hanggang sa mga tapos nang gawa, walang hirap na mag-generate at tumuklas ng katulad na graphics na may iba't ibang style, tema, at kulay gamit ang Text to Vector Graphic. Akma para sa mga proyektong personal at pang-team at ligtas lahat para sa komersyal na paggamit.

A collage of images with a photo of a woman wearing a green t-shirt with a flower icon; the word "sunshine" in pink; a color palette featuring pink, orange, and green swatches; and the flower icon shown on the woman's shirt.

May mga tanong? Masasagot namin 'yan.

Alamin pa ang tungkol sa Adobe Illustrator at Firefly.

Tuklasin ang lahat ng pwede mong gawin sa Illustrator.


Gumawa ng vector artwork, mga nase-scale na logo, mga tuloy-tuloy na pattern, at mga graphic sa web.

Alamin pa ang tungkol sa Illustrator

Subukan ang Firefly sa web.


I-explore ang generative AI sa browser mo sa tulong ng mga modelo ng Text to Image at Generative Fill.

I-explore ang Firefly

Posibleng Magustuhan Mo Rin

Mag-explore ng mga color variant ng vector artwork mo nang walang manwal na pag-recolor gamit ang Generative Recolor.

I-shape ito. Punan ito. Magustuhan ito.

Mabilis na punuin ang mga vector outline mo ng magandang detalye at kulay na katulad sa hitsura ng sarili mong artwork gamit ang Generative Shape Fill.

Pinasimpleng pag-size.

Pinapadali ng Dimension tool ang pagdaragdag at pag-personalize ng mga gabay sa laki sa lahat ng bahagi ng mga technical design mo.

Paglaruan ang mga pattern.

Magdisenyo, mag-refine, at mag-mockup ng mga pattern para sa fashion at interior design nang mas mabilis sa tulong ng kakayahan ng generative AI.