ILLUSTRATOR FEATURES

Kilalanin ang kumpletong tool sa pagdisenyo ng logo.

Gumawa ng propesyonal na design ng logo na nagtatatak sa iyo sa Adobe Illustrator. Siksik sa mga feature na kailangan mo para gawin ang anumang logo na maiisip mo, binibigyan ka ng tagagawa ng logo na ito ng kalayaan para sundin ang inspirasyon mo sa design.

Free trial Bilhin ngayon

Dalhin ang ideya mo sa logo mula sa papel papunta sa business card gamit ang mga pinaka-versatile na vector graphics design software sa merkado. Tuklasin kung paano ka binibigyan ng flexibility at mga drawing tool para makapag-design ng mga logo na may dating.

Easily create geometric shapes with Illustrator

Kontrolin at pagsama-samahin ang mga geometric na hugis nang may katumpakan. Gamit ang mga Pathfinder at Shapebuilder tool, gumawa ng logo na kakaiba at katangi-tanging bahagi ng pagkakakilanlan ng brand mo.

Magsimula nang may gamit na roadmap.

Hindi sigurado kung saan magsisimula? Piliin ang perpektong logo na pagsisimulan mo sa library ng mga font — mula sa nakakatuwa hanggang sa propesyonal — at pagkatapos ay gumawa ng isang bagay na ganap na iyo.

Find the right font with Adobe Font integration
Scan any artwork to digital format with Adobe Capture to Illustrator

I-capture ang bawat ideya.

Gawing digital mula sa pisikal ang mga konsepto mo nang walang kahirap-hirap. Mag-scan ng mga drawing at sketch gamit ang Adobe Capture para simulan ang design ng logo mo — isang feature na available lang sa Illustrator.

Panatilihing tunay ang mga kulay mo.

Anuman ang medium, gumawa ng logo na kapansin-pansin. Magdisenyo sa Pantone o CMYK, para mananatiling tunay ang mga color scheme mo saan ka man gumagawa, kahit pa may kumplikadong paghihiwalay ng kulay.

Design in Pantone or CMYK colors

Abot-kamay at mga flexible na tool.

Kapag may pumasok na ideya, gusto mong gumawa kaagad mula sa simula hanggang sa proseso mo ng graphic design para maibahagi mo ang gawa mo. Sa mga asset at naka-integrate na font sa Adobe Stock, tinutulungan ka ng Illustrator na mabigyan ng buhay ang malikhaing imahinasyon mo nang walang kahirap-hirap.

Gawing bida ang font.

Ang tamang font at style ay pwedeng magpaganda o makasira sa logo mo. Mag-preview at mag-activate ng mahigit 16,000 font sa Adobe Font Integrations, nang hindi man lang umaalis sa Illustrator app.

Huwag magsimula sa umpisa.

Simulan ang proyekto mo mula sa maraming pagpipiliang template ng Stock logo at object ng vector logo para makatipid sa oras habang kino-customize at pinapaganda mo ang design mo.

Magsimula sa mga pangunahing kaalaman, at pwede kang maging tagagawa ng logo sa ilang simpleng hakbang.

  1. Magsimula:
    Magsimula sa pamamagitan ng paggawa ng bagong proyekto sa Illustrator.
  2. Iguhit ito:
    Gumamit ng mga hugis para gumawa ng natatanging artwork.
  3. Isulat ito:
    Pagandahin ang typography mo sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagbabago ng text.
  4. Gawin itong kapansin-pansin:
    Dagdagan ng at hasain ang kulay ng logo mo.
  5. I-share ito:
    I-save at i-export ang logo mo para mag-live o kumuha ng feedback.

Hingin ang tulong na kailangan mo para makagawa ng natatangi at high-resolution na logo. Magsimula sa mga video na tutorial sa Illustrator at tumuloy sa paggawa ng mga custom na design at logo na nagtatampok ng pangalan ng kumpanya mo.

Create logo with vector shapes

Gumawa ng mga design para sa totoong mundo.

Tuklasin kung paano gumamit ng mga vector shape sa Illustrator para gumawa at magpino ng mga orihinal na logo na nakakapukaw sa social media o sa bagong t-shirt.

Create custom icons from scratch

Magsimula sa simpleng graphic.

Gumawa ng mga custom na icon mula sa wala gamit ang mga step-by-step na tagubiling ito — makakagawa ka ng kahanga-hangang graphics nang hindi mo namamalayan.

Design with precise color wheel

Magdisenyo gamit ang nakaka-inspire na color palette.

Matutong pag-eksperimentuhan ang mga tint at shade, at makakapagbukas ka ng walang katapusang posibilidad.

Learn the basics of draw, combine, and trace in Adobe Illustrator

Hanapin ang foundation mo.

Simulan ang logo mo sa pamamagitan ng pag-aaral kung paano gumuhit, mag-combine, at mag-trace ng mga pangunahing kinakailangan ng isang matagumpay na design.

Gumawa ng hindi malilimutang logo para sa brand, business, o personal na paggamit mo sa tulong ng mga template para sa Illustrator.

Hanapin ang Creative Cloud plan na para sa iyo.

Adobe Illustrator Single App

1,295.00/buwan 

Pang-isang taon na binabayaran buwan-buwan

Kunin ang Illustrator sa desktop at iPad bilang bahagi ng Creative Cloud.

Creative Cloud All Apps

3,267.00/buwan 1,689.00/buwan sa unang taon. Tingnan ang Mga Tuntunin

Pang-isang taon na binabayaran buwan-buwan

Makakatipid ng 48% sa buong Creative Cloud suite kabilang ang Illustrator.

Tingnan kung ano'ng kasama | Alamin pa

Mga Estudyante at Guro

1,126.00/buwan 

Pang-isang taon na binabayaran buwan-buwan

Makatipid ng mahigit 65% sa Creative Cloud All Apps.

Tingnan ang mga tuntunin | Alamin pa

Negosyo

4,788.00/buwan 3,324.00/buwankada lisensya. Tingnan ang mga tuntunin

Pang-isang taon na binabayaran buwan-buwan

Makakuha ng hanggang 5 lisensya para sa iyong team at makatipid ng 30% sa unang taon. 20+ Creative Cloud app kasama ang Illustrator at mga eksklusibong feature sa negosyo.

Tingnan kung ano'ng kasama | Alamin pa