Mag-personalize ng mga proyekto gamit ang hand lettering.
Maglagay ng makabagong lettering sa anumang medium, mula sa design ng tattoo hanggang sa branding. I-explore ang mga paraan kung paano ka tinutulungan ng Illustrator na gumawa ng mga makahulugang design ng lettering.
Lakihan mo.
I-scale sa kahit anong laki ang custom na lettering mo. Gawing vector ang art mo at i-adjust ito sa laking naaangkop sa proyekto mo.
Magsimula sa freehand.
Dalhin ang hand-drawn na lettering sa Illustrator gamit ang Image Trace. Tapos i-convert at i-adjust ang lettering mo para bumagay sa mga malikhaing pangangailangan mo.
Gumawa ng sarili mong mga tool.
Bigyang-istilo ang lettering mo sa tulong ng mga naa-adjust na setting ng brush. Kahit gayahin mo pa ang mga stroke ng angled na calligraphy pen o paint brush.
Gumawa nang metikuloso.
Makukuha mo ang mga eksaktong dimension na gusto mo sa pamamagitan ng mga ruler at grid βat mga naa-adjust na brush β na ginagawang pantay-pantay ang mga hand lettering na font.
Gamitin ang lettering mo sa Adobe Creative Cloud.
I-integrate ang gawa mo sa Creative Cloud, i-access ang Adobe Fonts, at mag-sync sa Adobe Stock. Madali kang makakapaglagay ng lettering sa mga design, video, o kahit pa ihanda ito para i-print sa custom na vinyl.
Gumawa nang walang sagabal.
Mabilis na i-integrate ang lettering mo sa Adobe Photoshop, InDesign, XD, at Premiere Pro para bigyan ang proyekto mo ng pulido at personal na hitsura.
Maghanap ng mga bagong ideya.
Tumingin ng mga font, larawan, graphics, at marami pa sa pamamagitan ng access sa Adobe Fonts at Adobe Stock. At panatilihing abot-kamay ang gawa mo sa pamamagitan ng awtomatikong pag-sync sa cloud β madaling access sa mga proyekto kapag gumagawa sa maraming device.
Paano i-capture ang hand lettering mo.
Dalhin ang lettering mo mula sa page papunta sa versatile na vector sa ilang simpleng hakbang.
- I-sketch ito:
Simulan ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagguhit sa design mo. - I-capture ito:
I-digitize ang drawing mo gamit ang Adobe Capture at dalhin ito sa Illustrator. - I-convert ito:
I-vectorize ang drawing mo gamit ang Image Trace para sa mas madaling pagkontrol at pagbabago ng laki. - Gawin itong pulido:
I-adjust at i-edit ang hand-lettering art mo para gumawa ng kamangha-manghang hitsura. - I-share ito:
I-export at dalhin ang design mo sa susunod mong proyekto ng lettering.
Tumingin ng mga tutorial sa hand lettering.
Tingnan ang maiikling how-to na gabay na ito para sa mga proyekto sa Illustrator, at gawing kamangha-mangha ang simple mong DIY lettering.
Magsimula sa mga pangunahing kaalaman.
Dalhin ang hand lettering mo sa Illustrator at pinuhin ito gamit ang step-by-step na gabay na ito.
Lumipat sa digital.
Tuklasin kung paano dinadala ng letterer na si Christine Herrin ang handmade na art niya sa digital na mundo.
Alamin pa ang tungkol sa prosesong analog-to-digital-to-analog
Pagandahin ang mga sketch mo.
Alamin kung paano ginagawang perpektong digital na gawa ng artist na si Martina Flor ang kanyang mga paunang drawing ng lettering art gamit ang Illustrator.