https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/fresco-64.svg | Fresco
Ang paborito mong drawing at painting space. Magagamit na kahit saan.
Tingnan ang mga compatible na device.
I-scan ang QR code para makuha ang libreng app.
Gawing abot-kamay ang canvas mo.
Binuo para sa pinakabagong stylus at mga touch device — kabilang na ngayon ang mga iPhone — pinagsasama-sama ng Adobe Fresco ang pinakamalaking koleksyon ng mga vector at raster brush sa mundo, pati ang mga makabagong live brush, para maghatid ng ganap na natural na experience sa painting at drawing. Para sa mga artist, illustrator, animator, sketcher, at sinumang gustong tuklasin, o tuklasin ulit, ang saya ng drawing at painting.
Mga brush na may ganda.
Gumamit ng mga watercolor at oil na kumukulay at nagbe-blend sa pagpindot mo, at gumamit ng mga vector at raster brush sa parehong canvas. Ibinigay sa iyo ng Adobe Fresco ang pinakamalawak at pinaka-advanced na pagpipilian ng mga brush sa mundo, kabilang ang libo-libong brush mula sa Adobe Photoshop at kinikilalang master na si Kyle T. Webster.
Artwork. Hindi na gaanong matrabaho ngayon.
Gumawa kami ng mahahalagang tool sa illustration na mas mabilis at mas mahusay para sa stylus at touch, kabilang ang mga Wacom tablet at iPad. Mag-isolate ng mga bahagi ng isang layer at gawing mga mask ang mga selection nang walang hirap, I-customize ang UI mo. At gumawa sa full-screen mode para alisin ang mga panggulo.
Ang mundo ang studio mo.
Gumagamit ng Fresco ng mga dokumento sa cloud, para makapagsimula ka ng proyekto sa iPad o iPhone mo at tapusin ito sa desktop mo. Awtomatikong magsi-sync ang gawain mo sa cloud. At sa pamamagitan ng pag-integrate ng Creative Cloud, ilang pag-click o pag-tap lang ang mga brush, font, at asset mo sa Adobe Stock at Library.
Pagandahin pa ang Fresco gamit ang Photoshop sa iPad.
Ginawa ang Adobe Fresco at Photoshop sa iPad para sa isa't isa. Gamitin ang mga ito nang sama-sama para magsama-sama ng mga larawan, mag-retouch ng artwork, magdagdag ng text, at gumawa gamit ang mga layer. Pwede mong gawin ang mga proyekto mo sa alinmang app — mao-auto-save ang kahit anong gagawin mo sa cloud kapag online ka.
Tingnan ang magagawa ng bago.
Palaging mas humuhusay ang Adobe Fresco na may kasamang mga bagong feature na regular na inilalabas. Narito ang ilan sa mga pinakabagong update.
Mga liquify effect
Gumawa ng mga distortion effect gamit ang Liquify tool na nagbibigay-daan sa iyong banatin, batakin, lukutin, palobohin, o palakihin ang anumang bahagi ng drawing mo nang hindi halata o talagang kapansin-pansin.
Magic Wand color tool
Baguhin ang mga kulay nang hindi nagte-trace ng outline. Awtomatikong hina-highlight ng Magic Wand ang mga kulay na tumutugma sa mga pinili mo para mailapat mo ang mga ito sa iba pang bahagi ng image mo.
Mga multicolor swatch
Mag-paint ng mga dramatikong 3D stroke sa Fresco gamit ang mga built-in na multicolor swatch, o gumawa ng mga sarili mong swatch mula sa anuman sa canvas mo.
Mga motion path effect
Gamitin ang mga bagong kontrol na Palakihin/Paliitin para baguhin ang laki ng artwork mo habang may sinusundan itong path, pagkatapos ay pabalik-balikin ito sa axis nito gamit ang kontrol na I-sway.
Tumuklas ng iba pang Creative Cloud app para sa design.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/aero-64.svg | Aero
Aero
Ang pinakamahusay na paaran para bumuo, tumingin, at mag-share ng mga immersive na AR experience. Alamin pa
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/creativecloud/merch-card/segment-blade