Dream Bigger gamit ang Adobe Firefly.
Mag-isip, mag-eksperimento, at gumawa gamit ang generative AI sa Firefly web app. Bago sa Creative Cloud, available na ngayon para sa komersyal na paggamit.
Sa nakalipas na taon, nakuha ng generative artificial intelligence ang imahinasyon ng mundo. Ang malakas na uri ng artificial intelligence (AI) na ito ay may kakayahan na lumikha ng bagong nilalaman batay sa mga pattern na natutunan nito mula sa umiiral na datos. Ang mga datos ay iba-iba ngunit maaaring maglaman ng mga larawan, kanta, pagsusulat, at iba pang nilalaman. Kaya ng generative AI na gumawa ng mga pambihirang image, sumulat ng tula o code, at kahit gumawa ng isang rap track na katunog ng totoong gawa.
Malapit nang maging sentro ng buhay natin ang generative AI kagaya ng smart phone. Pero sa marami, isang misteryo ang Generative AI. Tingnan natin kung ano at hindi ano ang generative AI, at kung paano nito pwedeng baguhin ang buhay natin sa trabaho at sa bahay.
Ang susi sa pag-unawa kung bakit nakakabilib ang generative AI ay nasa pangalan nito. Isa itong artificial intelligence na nakakapag-generate ng bagong content na wala pa dati.
Hindi lang sinusuri ng generative AI ang dati nang data — gumagawa ito ng bagong content. Isipin mo na tinanong mo ang isang chatbot na may kapangyarihang Generative AI, tulad ng ChatGPT, na magmungkahi ng slogan para sa iyong bagong kompanya ng kape. Sa loob ng ilang segundo, inoobserbahan ng chatbot ang mga dekada ng mga slogan ng kape at nagbe-brew (paumanhin sa pun) ng isang bagong slogan, "Pampatanggal Antok ang Bawat Lagok." Hindi masamang simula para sa pananaliksik mo ng slogan.
Higit pa sa mapaglarong paggamit ng salita ang kakayahan ng generative AI. Nagagawa nitong suriin ang milyun-milyong mga linya ng DNA data at magbuo ng mga bagong protina mula sa simula. Ginagamit din ng mga doktor ang generative AI upang mapabuti ang paggamot sa kanser, nang may tamang paglalarawan sa mga target ng tumor para sa radiation. Gumagamit ang mga artist ng mga generative AI application gaya ng Adobe Firefly para ipahayag ang sarili nila at gumawa ng komersyal na gawa.
Prompt: isang labis na detalyadong munting ibon sa isang kalsadang bato na may mga puno ng niyog
Ang artificial intelligence ay eksaktong katulad ng tawag dito — mga makinang gumagaya sa human intelligence para gumawa ng mga gawain. Ang mga karaniwang halimbawa nito ay mga voice assistant gaya ng Siri at Alexa, at mga chatbot ng customer service na nagpa-pop up kapag tinatanong mo ang Amazon tungkol sa isang nawawalang package.
Bagama't kapaki-pakinabang pa rin ang artificial intelligence na hindi generative, nakakagawa ng pagbabago ang generative AI. Nagsisimula pa lang tayong maranasan kung paano at saan tayo matutulungan nito na makakuha ng mga resulta na sa ibang pagkakataon ay mangangailangan ng mas matagal na panahon o talagang hindi posible.
Noon, hindi nakakagawa ang mga computer application ng gawain maliban kung magbibigay muna ang mga tao ng malilinaw na tagubilin sa kung paano isasagawa ang gawain. Tinatawag na “programming” ang mga tagubilin na iyon. Bagama't posibleng magdulot ng mga kahanga-hangang resulta ang sopistikadong programming, hindi makakagawa ang isang tradisyonal na computer application ng isang bagay na hindi isinama ng mga tao sa pag-program nito.
Mas flexible ang mga system ng generative AI dahil umaasa ang mga ito sa machine learning, na hindi nangangailangan ng hayagang programming. Sa halip, nagbibigay ang mga tao ng access sa mga computer sa malalaking dami ng datos. Sinasanay ng mga makina ang kanilang sarili na kilalanin ang mga pattern sa mga datos na iyon at, higit sa lahat, na bumuo ng mga konklusyon mula sa kanilang natutunan. (Iyan ang bahagi ng "machine learning" na tinatawag na pag-aaral.) Mahalaga ang laki at kalidad ng dataset. Ang AI ay kasinghusay lang ng data kung saan ito sinanay.
Ang pagsagot sa tanong na “Paano gumagana ang generative AI?” ito ay komplikado, at ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa dito ay nangangailangan ng pagsisikap. Ngunit ang kagandahan ng generative AI ay hindi mo kailangang maunawaan ang lahat tungkol dito upang magkaroon ng pakinabang mula rito. Maari kang makahanap ng isang app, tulad ng Firefly, mag-type ng kung ano ang nais mong makita — "tatlong labradoodle puppies na tumatakbo sa damuhan" — at presto, ngayon isa ka nang user ng generative AI. Hindi kailangan ng degree sa programming.
Prompt: tatlong labradoodle na tuta na tumatakbo sa damuhan
Gumagamit na ang mga indibidwal ng generative AI para sagutin ang mga pangkalahatang tanong at magsagawa ng pananaliksik. (Tandaang kailangang suriin ng tao kung tama ang mga sagot at pananaliksik — higit pa tungkol dito at iba pang drawback sa seksyong “Mga limitasyon at hamon ng generative AI” sa ibaba.)
Popular din sa mga indibidwal ang paggawa ng art gamit ang generative AI. Mabilis mong magagawang sumubok ng mga konsepto, bumuo ng mga mood board, at mag-imbento ng mga kamangha-manghang eksena mula sa karaniwang salita. Pwede ring magkaroon ng mga problema rito, dahil maraming AI art generator ang sinanay sa naka-copyright na imagery.
Gayunpaman, posible ring magkaroon ng mga alalahanin tungkol sa copyright. Para makatulong na matugunan ang mga alalahanin na ito, sinanay ng Adobe ang Firefly gamit ang mga image na may lisensya sa Adobe Stock pati na rin ang content na may open license at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright. Dahil idinisenyo ang Firefly para gamitin sa komersyal na paraan, makakapagbukas ito ng mga oportunidad sa marami pang larangan, gaya ng komersyal na art, design, gaming, mga virtual environment, at marami pa.
Prompt: Design ng interior, isang perspektiba ng isang sala at isang kusina na may island, malalaking bintana na may natural na liwanag, Mapupusyaw na kulay, halaman, modernong kagamitan, skylight, modernong minimalistic design
Naiintindihan ng Generative AI ang malalaking halaga ng komplikadong data nang mas mabilis kaysa sa mga tao. Ito ang dahilan ng dalawang pangunahing potensyal na benepisyo ng generative AI:
Gaya ng tinalakay namin sa seksyong “Mga Paggamit ng Generative AI,” hindi palaging tama ang mga generative AI tool gaya ng ChatGPT. Posibleng dumating ang panahon na ang mga pinahusay na dataset at algorithm ay mababawasan ang panganib, pero sa ngayon, tayong mga tao ay dapat maging mapanuring consumer ng mga binabasa natin. Kumpirmahin ang impormasyon sa pamamagitan ng paghahambing nito sa isang mapagkakatiwalaang source.
Madali lang sumuri ng katotohanan. Ang pag-block ng mga bias sa lipunan, tulad ng mga tungkol sa kasarian o lahi, mula sa mga resulta ng generative AI ay mas mahirap. Ngunit iyon din ay kinakailangan. Para maiwasang lumabas sa mga resulta ng generative AI ang mga bias sa lipunan, ang mga taong responsable para sa AI ay dapat tukuyin at bawasan ang bias mula sa design hanggang sa pag-develop at pag-deploy, at dapat silang tumuon sa tuloy-tuloy na pagsubaybay.
Bilang mga user, makakatulong din tayong alisin ang bias. Sabihin nating inilagay mo ang text prompt na "scientist na may suot na lab coat na may hawak na test tube" sa isang AI art generator. Ang mga resulta ba ay nagpapakita lamang ng isang uri ng tao, kahit gaano karaming beses mo i-click ang "generate" button? Pwede kang magpadala ng mensahe sa mga gumawa ng generator tungkol sa blind spot, at pagkatapos ay pagandahin ang text prompt mo para makagawa ng mas magkakaibang resulta.
Prompt: scientist na may suot na lab coat na may hawak na test tube
Dapat ding malaman ng mga kumpanyang nagde-develop ng mga generative AI tool ang tungkol sa enerhiyang kinakailangan sa ngayon para sanayin at panatilihin ang mga tool na ito. Nagkakamalay na ang industriya sa pangangailangang bawasan ang carbon footprint nito, pero marami pang kailangang gawin.
Ang mga propesyonal na creator ay may tamang alalahanin tungkol sa paglabag sa copyright. Sa kasalukuyan, ang mga alalahanin na ito ay kinikilala ng mga hukuman. Ang Adobe ay isang halimbawa ng isang kumpanya na nagtatrabaho upang tumulong sa mga creator. Bukod pa sa responsableng pag-develop sa generative AI ng Firefly, tumutulong din ang Adobe na gumawa ng mga pamantayan sa industriya sa pamamagitan ng Content Authenticity Initiative (CAI) at nagsisikap itong gumawa ng pangkalahatang tag na “Huwag Isama sa Pagsasanay” na magbibigay-daan sa mga creator na kontrolin kung papayagan ang mga AI model na magsanay sa kanilang gawa.
Mahusay ang generative AI. May kapangyarihan ka rin. Bilang isang indibidwal, ang pagpapaalam sa iyong sarili ang pangunahing priyoridad. Suriin ang mga patakaran sa privacy bago gumamit ng generative AI tool. Kung hindi mo gusto ang isang patakaran, iwasan ang nasabing tool. Mag-isip-isip muna bago mag-upload ng personal na impormasyon sa anumang generative AI tool pagkatapos mong mag-sign up. Kung nais mong manatiling kumpidensyal ang isang bagay, huwag itong ilagay sa tool. Kung plano mong gamitin ang mga resulta sa komersyal na layunin, siguruhing ang tool ay naka-set up upang maiwasan ang paglabag sa copyright. Ang mga negosyong gumagamit ng generative AI ay dapat palaging suriin ang mga na-generate na resulta para sa katumpakan, bias, at paglabag sa copyright.
Kasama ng pagsubaybay sa lumalabas na regulasyon, ito ang pinakamagandang paraan para protektahan ang kumpanya laban sa mga panganib sa reputasyon at batas. Dapat ang mga tao ang manguna sa pagbuo ng konsepto at estratehiya. Tandaan, ang AI ay iyong sidekick. Ikaw ang boss.
Binabago na ng generative AI ang buhay natin. Bilang isang virtual expert, posibleng mapabuti ng generative AI ang kahusayan at productivity sa maraming industriya. Bilang isang partner sa brainstorming, mapapahusay ng generative AI ang creativity mo.
Ang teknolohiya ay napakabilis na nagbabago na ang generative AI ng hinaharap ay posibleng maging ibang-iba kaysa sa ngayon. Kung ie-explore natin ang mga tool nang may pag-usisa at pag-iingat, masisiyahan tayo sa mga benepisyo ng mga ito — at maiiwasan natin ang anumang panganib.
Prompt: isang Japanese tea garden