CREATIVE GENERATIVE AI
Generative AI vs. iba pang uri ng AI.
Tuklasin ang iba't ibang uri ng artificial intelligence (AI), at kung paano maihahambing ang mga ito sa generative AI, at kung paano gumagamit ang Adobe ng generative AI sa mga app ng Adobe Creative Cloud
Noon pa man ay nasa isip na natin ang Al.
Sa loob ng mga siglo, naisip na ng mga tao ang artificial intelligence sa mitolohiya at fiction. Mula sa Talos, ang higanteng bronze na automation (machine na nagpapatakbo sa sarili) na nagprotekta sa isla ng Crete sa mitolohiya ng Greece, hanggang sa HAL na nagkokontrol ng spacecraft sa 2001: A Space Odyssey, ang ating mga imahinasyon ay nakuha ng ideya ng mga intelligent na machine na ginawa ng mga tao.
Ngayon, bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ang teknolohiya ng AI, na nagsusuri ng data, gumagawa ng mga hula, at nagpapahusay ng productivity. Pinakakamakailan, sa anyo ng generative AI, tumutulong ito sa ating gumawa ng art.
Ano ang artificial intelligence?
Ang artificial intelligence ay ang pag-simulate ng isang machine sa human intelligence. Sa kabila ng sinaunang pagmimitolohiya at ilang siglo ng pagsisikap na gumawa ng mga machine na kayang kumilos tulad ng mga tao, dumating ang unang tunay na halimbawa ng machine learning noong 1951 nang natutunan ng isang program ng checkers sa University of Manchester kung paano maglaro nang mahusay para matalo ang mga taong manlalaro. Ito ang pinakaunang uri ng AI para sa laro.
Ngayon, ang AI ay nasa lahat ng lugar, lalo na sa ating mga telepono at mobile app, kung saan nagsasagawa ito ng mga karaniwang gawain tulad ng facial recognition, speech recognition, pag-filter ng spam, mga mungkahi sa grammar, at pagsasalin ng wika.
Ang tatlong uri ng AI.
Narrow AI
Mga reactive machine
AI na limitado ang memory
Saan kabilang ang generative AI.
Ang generative AI ay subset ng narrow AI, pero nagbibigay ito ng iba't ibang posibilidad para sa mga creator ng lahat ng uri ng content. Sinanay sa mga napakalaking dataset, tumutukoy ang generative AI ng mga pattern sa data na iyon at gumagawa ito ng mga konklusyon tungkol sa natutunan nito. Pagkatapos, kaya nitong tumanggap ng text na paglalarawan at gamitin ang machine learning na iyon para gumawa ng mga bagong pattern at gumawa ng isang bagong bagay.
Bahagi ng kung bakit kapana-panabik ang generative AI ay dahil madali itong gamitin. Sa pamamagitan ng pag-type ng simpleng text prompt sa isang field, makakakuha ka ng mga halos agarang resulta. At napakaraming paraan kung paano makakatulong ang generative AI sa malalaki at maliliit na gawain.
Ginagamit ito ng mga web developer para mag-ayos ng mga bug sa computer code. Ginagamit ito ng mga kumpanya para sa mga chatbot ng serbisyo sa customer. Ginagamit ito ng mga scientist para sa diagnostics at pananaliksik. Ginagamit ito ng mga guro, manunulat, artist, at musikero para mag-brainstorm at subukan kaagad ang mga bagong ideya.
Mga uri ng generative AI.
Text generation
Image generation
Magagawang image ng mga AI generator tulad ng Adobe Firefly ang isang text prompt. Maraming iba't ibang paggamit ang mga ito para sa mga artist, content creator, at marketer. Sinanay sa daan-daang milyong image at caption, maibibigay ng mga AI image generator sa sinuman ang kakayahang ilarawan ang gusto niya at mabilis na mag-generate ng bagong image batay sa isang text na paglalarawan.
Magagamit ng mga artist at designer ang teknolohiyang ito para mag-brainstorm ng mga bagong ideya at sumubok ng mga bagong paraan ng pag-iisip sa kanilang gawa nang hindi gumugugol ng ilang oras sa bawat pag-uulit. Ang mga marketer at independent na content creator ay mabilis na makakagawa ng magagandang image kahit na hindi sila mga bihasang artist.
Sound generation
Video generation
Text-to-image prompt: ultra hd, isang kangaroo na nagsa-skydive
Adobe at ang kinabukasan ng generative AI.
Sa ngayon, magagamit mo ang Adobe Firefly bilang isang AI image generator para gawing mga image ang text, gumawa ng mga text effect, magdagdag o magbawas ng mga element sa mga sarili mong image, at gumawa ng mga bagong variation ng kulay sa vector artwork. Pero naka-embed din ang Firefly sa mga app ng Adobe Creative Cloud tulad ng Photoshop at Illustrator, na nagbibigay sa mga creator ng kakayahang mabilis na baguhin ang kanilang mga image at pagkatapos ay gumamit ng mga precision tool na ilang taon nang umiiral para maiakma ang na-generate na content sa sarili nilang content nang walang kahirap-hirap.
Posibleng malapit mo nang magawang mag-generate ng mga custom na vector, brush, at texture mula sa mga text prompt, baguhin ang lagay ng panahon sa isang video gamit ang ilang salita, o gawing photorealistic na image ang isang 3D design. Gamit ang mga kasalukuyang feature at mga paparating pang feature, magagawa ng mga creator sa lahat ng kakayahan na palawakin ang kanilang likas na creativity at bigyang-buhay ang anumang vision.