Adobe Firefly vs. Photoshop: Alin ang bagay sa iyo?

Mahusay na ang bawat tool nang ito lang at mas huhusay pa ang mga ito kung pagsasamahin gamit ang kakayahan ng generative AI.

closeup ng paglapag sa surface ng buwan

Firefly at Photoshop: Mahuhusay na tool para sa bagong era ng creativity.

Mula noong nag-debut ang Photoshop 1.0 noong 1990, naging mahahalagang tool sa pag-edit na ang mga pangunahing feature tulad ng masking at mga layer. Kalaunan, sa tulong ng mga intelligent na feature gaya ng Alisin ang Background, Piliin ang Subject, at Content Aware Fill, napakabilis na lang ngayong gawin ng mga multi-step na gawain sa pag-edit. At ngayon magagamit mo ang mga feature na pinapagana ng generative AI ng Firefly sa Photoshop at sa Firefly web app para mabilis at mahusay na baguhin ang mga image mo, at gumawa pa ng ganap na bagong image.

Dalawang produkto, walang katapusang daan patungong creativity.

Walang tamang paraan ng paggawa, pero makakatulong ang pagpili ng tamang produkto na makagawa ka nang mas mabilis. Magbasa pa para alamin ang mga pangunahing benepisyo ng Firefly at Photoshop, at kung paanong nagtutugma ang dalawang ito.

Unicorn sa isang magical grove, detalyado

Firefly: Generative AI para sa mga creator.

Ang Generative AI ay isang uri ng artificial intelligence na may kakayahang iproseso ang mga simpleng paglalarawan at gawin itong isang bagay na bagong-bago, gaya ng mga makulay na image. Gamit ang generative AI ng Firefly, magagawa mong bumuo ng mga kamangha-manghang image, mag-transform ng text, mabilis na mag-recolor ng artwork, at marami pa. I-streamline ang workflow mo gamit ang mga text prompt para magdagdag, mag-expand, at mag-alis ng content mula sa kahit anong image. Ang Firefly ay isang web app na may madadaling gamiting module na mabilis na naglalabas ng mga de-kalidad na resulta at makikita rin ito sa loob ng mga Adobe app gaya ng Photoshop, sa mga feature na pinapagana ng Firefly tulad ng Generative Fill.

 

Na-develop ang generative AI ng Firefly para gumawa ng mga de-kalidad na output, at palaging umalalay sa kung anong pinakamakakatulong sa mga creator. Sinanay ang Firefly sa mga image sa Adobe Stock, content na may bukas na lisensya, at content ng pampublikong domain. Bukod pa rito, idinisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, para kumpiyansa mong magagamit ang mga nabuong design sa gawa mo. Nakatuon din ang Adobe sa responsable at may pananagutang generative AI at nagsisikap itong gumawa ng pangkalahatang tag ng Content Credentials na “Huwag Isama sa Pagsasanay” na mananatiling nauugnay sa mga artwork saanman gamitin, i-publish, o i-store ang mga ito.

Kagubatan

Photoshop: Precision image editing.

Mula sa pagpulido sa isang larawan sa pinakang pixel nito hanggang sa paggawa ng makukulay na likhang-sining gamit ang libo-libong digital brush, matagal nang pamantayan para sa pag-edit ng image ang Photoshop. Nag-aalok ang suite ng mga tool, font, at effect ng Photoshop ng maximum na kontrol at katumpakan sa graphic design, artmaking, pag-edit ng larawan, at marami pa.

 

Ngayon, mahahanap mo ang mga feature na pinapagana ng Firefly sa loob ng app, tulad ng Generative Fill at Generative Expand, na nagbibigay-daan sa iyo na magdagdag, mag-extend, at mag-alis ng content mula sa mga image gamit ang mga simpleng paglalarawan mula mismo sa app. Gamitin ang mga ito sa pang-araw-araw mong routine: idinisenyo ang mga feature ng generative AI para umangkop sa mga karaniwang workflow sa Photoshop, tulad ng pag-retouch at pag-composite ng mga image, at para magbigay-inspirasyon sa creative na pag-eeksperimento.

Paghahambing sa Firefly at Photoshop.

Alamin ang mga pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang app.

Ilalim ng karagatan

Mga tool at kakayahan

  • Kasama sa Photoshop ang buong suite ng mga tumpak na tool sa pag-edit para sa maximum na kontrol, kabilang ang mga tool para sa pag-adjust ng itsura ng image, pagdaragdag ng text sa mga image, pagsasama-sama ng mga image, at marami pa. Pwede ka ring magdagdag, mag-extend at mag-alis ng content mula sa mga image gamit ang Generative Fill at Generative Expand, na pinapagana ng Firefly.
  • Kasama sa Firefly web app ang mga module sa pagbuo ng mga bagong image, paggawa ng mga text effect, pag-recolor ng artwork, at pagdaragdag at pag-aalis ng content mula sa mga image — lahat sa iisang text prompt.
Disyerto

Workspace

  • May nako-customize na user interface ang Photoshop na kinabibilangan ng mga toolbar at panel na pwede mong i-adjust para bumagay sa mga partikular mong pangangailangan, tulad ng laging paglalabas ng mga tool na regular mong ginagamit sa workflow mo.
  • Ang Firefly web app ay may naka-streamline at madaling gamiting interface na mayroong prompt bar at panel ng mga setting kung saan pwede mong i-adjust ang mga bagay tulad ng istilo, aspect ratio, at kulay at tone.

Antas ng kasanayan

  • Beginner ka man o pro, pwede kang magsimula sa Photoshop. Gumawa ng mga mabilisang pagbabago gaya ng pag-aalis ng background, o gumawa ng mga kumplikadong pag-edit. Pwede kang pumili mula sa maraming tutorial para sa lahat ng antas ng kasanayan. Pwede mo ring subukan ang naka-streamline na experience sa pag-edit ng image online sa Photoshop sa web.
  • Madali lang magsimula sa Firefly. Mag-type lang ng text prompt at paglaruan ang mga setting. Alamin kung paano i-fine tune ang mga text prompt mo para patuloy na pagandahin ang mga resulta mo.

Pinakamainam para sa

  • Pinakamainam ang Photoshop para sa malalaking pagbabago sa image, at sa pag-edit nang may tumpak na kontrol.
  • Pinakamainam ang Firefly para sa mabilis na pagbuo ng ganap na bagong content, tulad ng mga image o embellished text, at sa paggawa ng malalaking pagbabago sa bilis.
Hamster na nagbibisikleta

Mga device at integration

  • Ang Photoshop ay isang app na magagamit mo sa desktop, tablet, at sa web. Naglalaman ito ng mga feature na pinapagana ng Firefly tulad ng Generative Fill at Generative Expand na pwede mong gamitin para magdagdag, mag-extend, at mag-alis ng content mula sa mga image. Pwede mong i-save ang mga proyekto mo sa Mga Library sa Creative Cloud sa Photoshop para madaling mabubuksan at mae-edit ang mga ito sa iba pang Adobe app.
  • Ang Firefly ay isang web app na pwede mong gamitin sa desktop, tablet, at mobile. Makikita ang mga feature na pinapagana ng Firefly sa maraming Adobe app, at madaling mae-edit ang mga image na binuo ng Firefly gamit ang mga produkto ring iyon. Pwede ka ring mag-save ng gawa sa mga library mo mula sa web app at pagkatapos ay buksan ito nang direkta sa Photoshop.

Presyo

  • Nagsisimula ang Photoshop sa halagang    kada buwan para sa plan para sa indibidwal, na may kasamang 500 generative credit kada buwan.
  • Libre ang Firefly at mayroon itong 25 generative credit kada buwan, o pwede kang kumuha ng premium plan sa halagang    kada buwan na may 100 generative credit kada buwan, Adobe Fonts, at walang watermark sa mga larawang binuo ng Firefly.

Responsableng generative AI

  • Idinisenyo ang generative AI ng Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, para magagamit mo ang mga nabuong design sa gawa mo nang may kumpiyansa. Dagdag pa rito, kapag nag-download o nag-export ka ng gawa na binuo ng Firefly mula sa web app o Photoshop, awtomatikong may ia-attach na content credential dito, na nagpapaliwanag na ginawa ang artwork sa tulong ng AI. Ito ay para i-promote ang transparency at palakihin ang tiwala at kumpiyansa sa ganoong gawa.

Paggamit ng Photoshop at Firefly nang magkasama.

Makakabuo ka na ng kamangha-manghang gawa gamit lang ang Photoshop o Firefly — pero kapag pinagsama mo ang mga ito, ito na ang perpektong kumbinasyon sa paggawa ng design.

platong walang laman sa mesa vs platong may lamang cake sa mesa

Pinagsama ang napakabilis na pagbuo ng image at precision editing.

Magandang tool ang Firefly sa pagsisimula ng isang proyekto — gamitin ito para bumuo ng mga ideya, gumawa ng mga reference image, at mag-eksperimento sa bilis. Pagkatapos, dalhin ang mga asset na iyon sa Photoshop kung saan makakagamit ka ng mga tumpak na tool sa pag-edit para i-adjust at gawing pulido ang mga image na binuo ng Firefly, at isama ang mga ito sa mas malalaking proyekto sa design. Isipin mong isa itong assistant na nagpapabilis ng mga gawain na nakakaubos ng oras sa paggawa ng creative work. Sa halip na maghanap ng pinakanaaangkop na stock photo na bubuo sa isang composite image, mabilis kang makakagawa ng hiwa ng cake para ilagay sa walang lamang plato sa isang banquet table at bumalik sa pagpapaganda ng proyekto mo.

fairy

Kailan dapat gamitin ang Firefly vs. Photoshop.

Kung gumagawa ka ng mga napakapartikular na edit para sa gusto mong resulta, gaya ng pag-adjust ng exposure at kulay, gamitin ang Photoshop para sa maximum na kontrol sa bawat pixel. Maganda ang Photoshop sa paggawa ng pasadyang artwork sa sarili mong istilo gamit ang mga brush at lapis para sa mga proyekto sa graphic design.

 

Gamitin ang Firefly para gumawa ng mga magandang image, text effect, at bagong color palette gamit ang mga simpleng prompt. Mabilis na gumawa ng bagong-bagong content na gagamitin sa mga design mo o sa mga mockup moodboard para sa mga kliyente, para sa quick-turn na social content, at marami pa.

isla

Gumawa ng naka-integrate na workflow sa Firefly at Photoshop.

Pwede mong simulan ang isang proyekto sa Firefly web app at dalhin ang output sa Photoshop sa desktop o sa web para mas puliduhin pa ito. Pwede ka ring mag-save ng gawa sa mga library mo sa Creative Cloud nang direkta mula sa Firefly web app at pagkatapos ay buksan ito nang direkta sa Photoshop. O, pwede mong gamitin ang Generative Fill at Generative Expand para mag-edit ng mga image gamit ang mga text prompt mula mismo sa Photoshop.

 

Narito ang ilang karaniwang workflow na natutulungan ng pagsasama ng mga kakayahan ng Firefly at Photoshop:

Pagdaragdag ng content sa mga image:

Gamitin ang Firefly web app o ang mga feature na pinapagana ng Firefly sa Photoshop para palitan ang langit o damit, magdagdag ng pagkain sa walang lamang plato, o maglagay ng kasangkapan sa bakanteng kwarto. Mainam ang Firefly para sa mabilis na pag-adjust ng mga asset tulad ng real estate, fashion, at wedding photography bago puliduhin ang mga resulta sa Photoshop.

Story at mga moodboard:

Gamitin ang Firefly para gumawa ng mga orihinal na asset para sa mga storyboard ng video o para bumuo ng proposal sa mood at istilo para sa isang kliyente, na pagkatapos ay magagawan mo ng presentation sa Photoshop.

Pag-resize ng mga image:

Gamitin ang Generative Expand sa Photoshop para mabilis na mag-resize ng mga image para sa mga website banner, ad, at marami pa — mag-click at mag-drag lang para mabilis na i-expand ang mga background at punuin ang mga ito ng content na tumutugma sa orihinal na image. Pwede ka ring mag-straighten ng mga image at walang kahirap-hirap na maglagay ng bagong buong content sa mga bakanteng espasyo sa canvas. O gamitin ang field ng prompt para punan ang na-expand na canvas ng ibang bagay na magsisilbing frame para sa image.

collage ng mga AI generated na image kasama ang pagmamaneho ng kotse sa mars, double exposure na portrait ng dagat at side profile ng mukha, zebra na nakaupo sa upuan, maliit na yorkie na aso, puting kastilyo sa salt flats, at fluffy na asul na bolang hayop na tumatakbo sa magical na kagubatan

Patuloy na maglaro, mag-eksperimento, at gumawa gamit ang Firefly at Photoshop.

Parehong napakahuhusay na tool sa pag-design ang Firefly at Photoshop at mayroong mga natatanging kakayahan ang mga ito. Kapag pinagsama, napakalaking pagbabago ang magagawa ng mga ito sa mga workflow, pagbabawaas ng oras na ginugugol sa mga routine na gawain sa pag-edit para sa creative work. I-explore ang dalawang ito nang tinatandaan ang mga kailangan mong gawin, at mag-eksperimento sa pagsasama-sama ng mga natatanging offering ng mga ito para malaman kung paano pinakamaaangkop ang mga ito sa proseso mo ng pag-design.

May mga tanong? Mayroon kaming sagot.

Available ang Firefly web app nang ito lang o bilang bahagi ng subscription mo sa Creative Cloud All Apps subscription. Magagamit mo ang Firefly web app para bumuo ng mga image, text effect, at iba pang creative content gamit ang mga simpleng text prompt at generative AI. Bahagi ng mga piling Creative Cloud app ang mga feature na pinapagana ng Firefly, kasama ang Photoshop at Illustrator.

Oo. Pwede kang gumawa ng mga asset gamit ang Firefly web app, i-export ang mga ito bilang JPG file, at buksan ang mga ito sa Photoshop. Natural na naka-integrate sa Photoshop ang mga feature na pinapagana ng Firefly tulad ng Generative Fill at Generative Expand, at magagamit ang mga ito para magdagdag, mag-extend, at mag-alis ng content sa mga image mula mismo sa app.

I-share ang artikulong ito

Alamin pa ang tungkol sa Adobe Photoshop at Adobe Firefly.

Logo ng Photoshop

Tingnan ang lahat ng puwede mong gawin sa Photoshop.

Magdagdag, mag-expand, at mag-alis ng content sa anumang larawan gamit ang Generative Fill at Generative Expand, at pagkatapos ay gawin itong pulido gamit ang mga tumpak na tool sa pag-edit.

Logo ng Firefly

Subukan ang Firefly sa web.

Gumamit ng generative AI at mga simpleng prompt para gumawa ng mga image, text effect, color palette, at marami pa — mula mismo sa browser mo.

Posibleng magustuhan mo rin ang

 Dachshund na kulay bahaghari ang mga tainga

Text to Image

Generator ng AI Art

Generator ng AI Art

Pinakamagagandang prompt para sa AI art

Mga Ideya sa Prompt ng AI Art

Binabago ng Generative AI ang creative work

Paano binabago ng Generative AI ang creative work