https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/firefly/sticky-banner/start-creating

Gumawa ng mga naka-customize na character gamit ang generative AI nang may kontrol at walang hirap.

Pinapahusay ng Adobe Firefly ang mga creative workflow sa tulong ng generative AI, at nagbibigay ito ng mga bagong paraan sa pagbuo ng ideya, paglikha, at pakikipag-ugnayan.

Character ng Lama na binuo ng AI sa iba't ibang style ng image

Bigyang-buhay ang mga pinakamapangahas mong ideya sa tulong ng AI character generator.

Mula Bauhaus hanggang Surrealism, hanapin ang mga style ng art na para sa mga character mo. Baguhin ang mga pangangatawan, edad, at marami pa sa tulong ng creative flexibility na binibigyang-daan ng pag-generate ng character na AI.

Gamitin ang generative AI para gumawa ng mga character na natatangi gaya ng imahinasyon mo.

Tiyaking orihinal hangga't posible ang mga AI na character mo sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga cliche, trope, at anumang sikat o naka-copyright na character. Pwede mo ring gawing pulido at pinuhin ang mga character sa pamamagitan ng pagtukoy kung saan at paano sila gagamitin sa gaming, concept art, pelikula, o iba pang strategic na output.

Character ng kuneho na binuo ng AI
Character ng siyentista na binuo ng AI na nasa lab

Tulay sa pagitan ng imahinasyon at realidad.

Gumamit ng generative AI at mga simpleng text prompt para bigyang-buhay ang mga ideya mo. Gamit ang bagong Firefly Image 3 Model, makakagawa ka ng mga mas de-kalidad na image na may mas magandang composition, makatotohanang detalye, at mas pinabuting mood at lighting.

Paano mag-generate ng mga AI na character.

Ang pag-generate ng AI na character ay mahalagang bahagi ng gaming, animation, edukasyon, at marami pang creative na larangan. Sa tulong ng AI, madali mong mapaglalaruan ang mga visual na element, kaya mas madali na ang proseso ngayon. I-explore ang mundo ng mga AI na character, at idagdag dito ang sarili mong character art na binuo ng AI.

  • Magsimula ng proyekto sa pag-design o magbukas ng dati nang proyekto.
    Para magsimula, mag-log in sa Firefly gamit ang Adobe account mo o mag-sign up para sa isang Adobe account.
    I-explore ang feature na AI Text to Image ng Firefly para turuan ang AI gamit ang mga prompt para mag-customize ng mga letra, font, at spread at gumawa ng character na magugustuhan ng target mong audience. Gamit ang feature na Text to Image, makakagawa ka ng mga illustration, mockup ng produkto, at materyales sa marketing nang napakabilis at napakadali. Para magabayan pa, tuklasin ang mundo ng art na binuo ng AI gamit ang step-by-step na gabay namin.
  • Magbigay ng detalyadong paglalarawan ng character mo.
    I-type ang paglalarawan ng design ng character mo. Maging partikular sa mga detalye hangga't posible. Paulit-ulit na pinuhin ang mga detalye ng character nang walang hirap gamit ang mga tool ng Firefly para maingat na i-adjust ang buhok, mga feature ng mukha, kasuotan, accessory, at marami pa.
  • Pinuhin at i-fine tune ang na-generate na character.
    I-adjust ang prompt mo o sumubok ng iba't ibang paggalaw para makuha ang gusto mong hitsura, o gamitin ang mga menu ng Kulay at Tono, Lighting, at Composition para magdagdag pa ng direksyon. Pagandahin ang image sa pamamagitan ng pag-adjust sa mga color level nito at pagdaragdag ng mga filter, animation effect, graphics, at marami pa.
  • Pumili ng style ng image.
    Pumili ng style ng image mula sa mga available na opsyon, tulad ng Photography, Digital Art, at Fine Art. Sunod, i-click ang Mag-generate ng character.
  • I-save, i-download, at i-share.
    I-save at i-download ang AI na character mo. Isama ito sa iba mo pang proyekto at i-share ang mga ito online mula mismo sa Adobe Firefly.

{{questions-we-have-answers}}

Ano ang hahanapin sa magandang tool na AI para sa paggawa ng mga character?

  • Versatile na Settings para sa Pag-eksperimento: Nagbibigay-daan ang isang kumprehensibong menu ng settings, lalo na ang button na "Mga Tema" sa kaliwang bahagi, para sa pag-eksperimento gamit ang iba't ibang style.
  • Integration ng Reference Image: Tinitiyak ng kakayahang gumamit ng mga reference image na mananatiling on brand at may partikular na hitsura at dating ang mga character mo.
  • Sinanay sa Content na May Lisensya at mula sa Pampublikong Domain: Dapat sinanay ang tool sa content na may lisensya, gaya ng Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright, na magtitiyak sa mataas na kalidad at talagang legal na paggawa ng character.

Dream Bigger - Adobe Firefly.

Mag-imagine, mag-eksperimento, at gumawa sa pamamagitan ng generative AI sa Firefly web app. Bago sa Creative Cloud, ngayon ay available na para sa komersyal na paggamit.

Alamin pa

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/firefly/firefly-sketch-to-image-four-cards-up