Tumuklas ng mga bagong dimension sa design.
Kunin ito bilang bahagi ng Creative Cloud All Apps plan.
Gumawa ng 3D na impact.
Gumawa ng nakakapanghikayat na content sa 3D nang mas mabilis gamit ang mga model, material, at lighting. Pinapadali ng Dimension na bumuo ng mga visualization ng brand, illustration, mockup ng produkto, at iba pang creative na gawa.
Gumawa ng mga image sa totoong buhay nang real time.
Gumawa ng mga image nang real-time. Isipin ang branding, packaging, at mga design ng logo mo sa 3D. Mag-drag at mag-drop ng vector graphic o image sa 3D model para makita ito nang may konteksto. Maghanap nang walang hirap sa Adobe Stock ng mga 3D asset na na-optimize para sa Dimension sa loob mismo ng app.
Itodo ang pagkamalikhain mo.
Gawing 3D ang mga konsepto mo sa ilang hakbang lang. Sa madaling gamiting UI sa Dimension, makakatuon ka sa pagbibigay-buhay sa creative vision mo, mula advertising hanggang abstract, surreal, at conceptual art. Gumawa ng mga 3D text at mag-customize ng mga simpleng hugis nang direkta sa Dimension, at pagkatapos ay magdagdag ng magagandang material sa iba't ibang bahagi.
Image na gawa ni Jon Vio, House of van Schneider
Isang beses lang itong gawin. Gamitin ito nang paulit-ulit.
Gumawa ng mga de-kalidad na image at 3D interactive content mula sa iisang Dimension file. Mag-bookmark at mag-render ng iba't ibang perspective nang hindi binabago ang iyong gawa. Pagandahin pa ang mga design sa Adobe XD at InDesign, at dalhin din ito sa augmented reality gamit ang Adobe Aero.
Tingnan kung ano'ng posible sa #AdobeDimension.
Makakuha ng inspirasyon sa mahusay na gawa at mag-explore ng mga tutorial para gumawa ng sarili mong ganito.
Marami pang magagawa sa mundo ng 3D sa Adobe.
Hasain pa ang mga kakayahan mo sa 3D gamit ang mga Adobe Substance 3D app.
I-drag. I-drop. Tapos.
Maglapat ng 2D graphics at image nang walang hirap sa Photoshop o Illustrator sa mga 3D model sa Dimension.
Gawing sakto ang mga ilaw.
Maglapat ng maraming source ng ilaw para gawin ang mga sarili mong studio shot. Baguhin ang kulay, laki, hugis, at posisyon ng mga ilaw para makuha ang shot na gusto mo.
Gawin itong makatotohanan nang mas mabilis.
Bumuo ng mga scene gamit ang photorealism. Awtomatikong itugma ang 3D design mo sa anumang image sa background na nagtutugma sa perspective at lighting.
Ipakita ang gawa mo sa 360 at AR.
Mag-publish at mag-share ng mga 360-degree na view ng gawa mo sa pamamagitan ng web, at gamitin ang mga 3D design mo para sa mga immersive na experience sa AR sa Adobe Aero.
Mabilis at madali lang magsimula.
Magsimula kaagad sa mga step-by-step na tutorial namin at inspirasyon sa design para sa sarili mong mga proyektong 3D.