#F5F5F5

MGA FEATURE NG CHARACTER ANIMATOR

Gawing cartoon ang sarili mo gamit ang motion capture.

Simulang mag-animate gamit ang teknolohiya sa motion capture ng Adobe Character Animator. Gumawa ng virtual na avatar na naglalakad, nagsasalita, at gumagaya sa mga expression ng mukha mo nang real time.

Free trial CTA {{buy-now}}

Cartoon woman holding a cat

Bigyang-buhay ang mga character gamit ang madaling gamiting teknolohiya sa performance capture.

Hindi mo kailangan ang mga full-body motion capture (mocap) suit na ginagamit sa paggawa ng pelikula at mga video game para subaybayan ang paggalaw. Gawing 2D cartoon o character sa virtual reality ang pag-arte at mga expression ng mukha mo gamit ang kagamitang mayroon ka na. Bigyang-buhay ang isang character gamit ang motion capture software sa Character Animator, at i-customize kung ano ang hitsura, kung paano maglakad, at kung paano magsalita ang character na iyon.
A man's face with motion capture points superimposed over him

Mag-set ng hindi gumagalaw na pose.

Magsimula sa pamamagitan ng pag-upo sa harap ng camera mo nang nakagitna ang mukha mo sa frame. Magtatalaga ang Character Animator ng mga tracking point sa mukha mo.

Pumili ng puppet.

Ang Character Animator ay naka-preload ng iba't ibang makukulay na character na tinatawag na mga puppet. Pumili ng puppet at magpatuloy.

Collage of cartoon characters
Color palette next to a customizable robot character

I-customize ang character mo.

Ganap na nako-customize ang mga puppet sa Character Animator. Pinuhin ang karakter mo at gumawa ng sarili mong karakter sa Adobe Illustrator o Photoshop.

I-capture ang pagsasalita at paggalaw.

Gamit ang machine learning, susubaybayan ng Character Animator ang panga, mga mata, mga tainga, at mga pupil mo. Igalaw ang ulo mo at gagalaw din ang puppet mo. Magsalita sa mikropono mo at magli-lip sync ang puppet nang real time o gagayahin din nito ang na-record na audio.

A man using Adobe Character Animator to animate a cartoon

Magdagdag ng paggalaw ng katawan sa mga digital na character.

Binibigyan ka ng Character Animator ng mga tool para maglapat ng paggalaw ng tao sa mga puppet mo, tulad ng paglalakad, pagtakbo, o pagsasayaw, pati na rin kung paano makipag-ugnayan sa mga puwersa tulad ng gravity at hangin.

https://www.adobe.com/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/creative-cloud-64.svg

Mag-import ng mga asset mula sa iba pang Adobe Creative Cloud app.

Walang kahirap-hirap na mag-integrate gamit ang iba pang Creative Cloud app para dalhin mismo sa Character Animator ang mga asset mula sa Illustrator o Photoshop. Gumawa ng mga background, prop, at marami pang makakaugnayan ng mga character mo.

Pinadali ang Mocap: Mag-animate ng character mula simula hanggang katapusan.

Gawing animated na character ang sarili mo gamit ang simple at real-time na prosesong ito.

  • I-capture ito:
    Umupo nang hindi gumagalaw ang pose para magawan ng mapa ng Character Animator ang mga feature mo.
  • I-animate ito:
    Pumili ng puppet at simulang magsalita. Kapag iginalaw mo ang ulo mo, gagayahin ka nito.
  • I-customize ito:
    Mag-customize ng naka-preload na puppet o gumawa ng sarili mong puppet.
  • Pagalawin ito:
    Mag-set up ng animation rig para bigyang-daan ang puppet mo na maglakad, tumalon, o magsagawa ng iba pang paggalaw sa buong katawan.
  • Pahusayin ito:
    I-customize ang physics, baguhin ang paggalaw ng katawan, at magdagdag ng iba pang visual effect.

Mag-explore pa sa animation gamit ang mga tutorial na ito.

Tingnan kung ano ang magagawa mo gamit ang Character Animator, mula sa paggawa ng sarili mong digital na character hanggang sa pagkuha ng mga tip kung paano bigyang-buhay ito.

Animated face character

Gumawa ng basic na mukha.

Alamin kung paano iguhit ang mga mata, bibig, at iba pang feature ng isang character gamit ang template ng Photoshop.

Alamin kung paano>

Cartoon character in a living room

Paggawa ng basic na katawan.

Bumuo ng katawan, mga binti o braso, mga kamay, at mga paa para sa animated na figure mo, at magdagdag ng impormasyon sa pag-rig sa bawat binti o braso para makontrol ang paggalaw.

Alamin kung paano>

A cartoon character walking

Turuang maglakad ang character mo.

Mag-set up ng basic na animation rig at ituro sa character mo ang paggalaw ng tao at makatotohanang biomechanics sa pamamagitan ng pag-aaral ng pag-tag at pag-animate sa mga indibidwal na bahagi ng katawan.

Alamin kung paano>

An alien cartoon character on a desert planet with the moon in the background

Mag-animate ng puppet gamit ang Adobe Character Animator.

Kumuha ng detalyadong gabay sa paggawa ng fully realized na puppet sa Character Animator.

Alamin kung paano>

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/character-animator/character-animator-blade

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/character-animator/merch-card/segment-blade