Illustrator
Lahat ng Produkto
Mga madalas itanong.
Oo, nag-aalok ang Adobe ng mga libreng produkto tulad ng Acrobat Reader, Aero, Fill & Sign, Photoshop Express, at Adobe Scan. Puwede mo ring gamitin ang Creative Cloud Express, Fresco, at Lightroom Mobile nang libre, nang may opsyong bumili in-app.
Gawa ng Adobe ang ilan sa mga pinakaginagamit na software application sa mundo, at marami dito ang industry standard. Magsimula sa mga libreng app tulad ng Adobe Acrobat Reader, Aero, Fill & Sign, Photoshop Express, at Adobe Scan. O subukan ang Creative Cloud, kung saan nagsisimula lang ang mga plan sa halagang . Ang bawat Adobe Creative Cloud plan ay kinabibilangan ng mga perk tulad ng mga libreng stock image at font, mga collaboration tool, at cloud storage, at pati mga regular na feature update para maihatid sa iyo ang pinakabagong teknolohiya.
Matuto pa tungkol sa mga plan at presyo ng Adobe Creative Cloud.
Puwede kang mag-edit ng mga PDF gamit ang Adobe Acrobat, na available sa dalawang edition: Standard at Pro. Ang Acrobat Standard ay nagbibigay ng mga pangunahing tool para makagawa, makapag-edit, at makapag-sign ng mga PDF sa mga Windows device. Ang Acrobat Pro ay ang kumpletong PDF solution na may mga tool para mag-edit, mag-convert, at mag-sign ng mga PDF sa web, mobile, at tablet, at pati na rin sa mga Windows at macOS computer. Kung gusto mo itong subukan bago mo ito bilhin, puwede kang kumuha ng libreng 7 araw na trial ng Acrobat Pro.
Nag-aalok ang Adobe ng halos 100 produkto. Maging creative gamit ang mga industry-standard na app tulad ng Adobe Photoshop, Illustrator InDesign, at Lightroom. Gumawa, mag-edit, at mag-sign ng mga PDF gamit ang Adobe Acrobat at Acrobat Sign. At magbigay ng magagandang customer experiences gamit ang aming mga marketing at commerce app gaya ng Adobe Experience Manager, Campaign, at Target.
Ang mga Creative Cloud plan ay nagsisimula sa . Maaari kang mag-subscribe sa mga Single App plan o makakuha ng access sa higit 20 na mga creative app at serbisyo gamit ang Creative Cloud All Apps plan, kasalukuyang available na may 48% na diskwento sa unang taon.Tignan ang mga kundisyon.
Gawa ng Adobe ang ilan sa mga pinakaginagamit na software sa mundo, kasama ang mga sikat na app tulad ng Acrobat Pro, Photoshop, Illustrator, InDesign, Lightroom, at Premiere Pro.
Ang mga estudyanteng magbibigay ng valid na email address na bigay ng paaralan sa pagbili nila ay kwalipikadong makatipid ng mahigit 60% sa Creative Cloud All Apps, na kinabibilangan ng 20+ apps gaya ng Photoshop, Illustrator, InDesign, Acrobat Pro, at higit pa. Alamin pa ang tungkol sa Creative Cloud para sa mga estudyante.
Binibigyan ka ng access ng mga Adobe Substance 3D application sa koleksyon ng mga tool at content para gumawa, mag-capture, at mag-texture ng mga 3D asset, pati na rin ang mag-compose at mag-render ng mga 3D scene.
Ang Adobe Illustrator ay ang pinakamainam na produkto ng Adobe para sa logo design. Nagbibigay ang Illustrator ng kumprehensibong toolset para sa paglikha ng vector artwork, kasama ang mga logo, na puwede mong i-scale sa anumang laki nang hindi nawawalan ng image quality.
Ang Adobe Premiere Pro ay ang pinakamainam na produkto ng Adobe para sa video editing. Nagbibigay ang Premiere Pro ng mga tool para mag-import at mag-edit ng footage, magdagdag ng mga effect, at mag-export ng footage para sa iba't ibang destination at format. Nagbibigay din ang Premiere ng mga styling tool para i-adjust ang mga kulay at effect, magdagdag ng mga transition, at magdagdag ng audio at music track.