#f5f5f5

MGA FEATURE NG AFTER EFFECTS

Magbanggit ng gumagalaw na bagay.

Pinapagalaw ng text animation ang mga salita mo, at nasa Adobe After Effects ang lahat ng kailangan mo para masulit ang kinetic typography. Mag-animate ng mga logo, magdagdag ng motion sa 3D text, at maging mahusay gamit ang mga pro na preset at template.

Free trial Bilhin ngayon

https://main--cc--adobecom.hlx.page/media_153b6b0f70b0b5e92f3552d4731a06ec6d92e0106.mp4#_autoplay1#hoverplay

Itinatampok: Ang animated text mo.

Kailangan mo man ng nakakamanghang title sequence o simpleng roll credits, mabibigyang-buhay ng mga tool sa pag-animate ng text sa After Effects ang iyong mga salita. Pumili mula sa mga preset o gumawa ng mga animation nang mag-isa gamit ang madadaling gamiting feature sa keyframing.

Mga text animator

Piliin kung aling mga element ang pagagalawin at kung anong uri ng pagkilos ang gusto mo. Patalunin ang isang titik, magpalutang ng parirala, o mag-animate ng logo — pagdaragdag ng motion sa pagkakalagay, opacity, kulay, at marami pa.

Pag-edit ng graph

Kontrolin ang bilis ng mga animation mo gamit ang Graph Editor. Obserbahan ang rate ng pagbabago at gumawa ng mga adjustment na naaangkop sa eksena mo.

3D text animation

Magdagdag pa ng kaunting dimension gamit ang mga layer o preset ng 3D text. Pwede mong i-rotate nang 360 degrees ang animated text mo at makita kung ano ang hitsura ng mga salita mo sa loob ng larawan, sa halip na sa ibabaw nito.

Mga path ng mask

Gumuhit ng path para sa iyong animated text. Gumawa ng simpleng path ng mask at magpakita ng mga salita sa iyong scene kasama ng anumang linyang pipiliin mo.

Kumilos nang mas mabilis.

Mas naging epektibo na ngayon ang text animation software Tutulungan ka ng mga template ng Motion Graphics na magsimula nang mahusay, at mapapabilis ng mga naka-save na preset — ibinigay ng Adobe o custom na ginawa — ang iyong proseso.

Propesyonal na Motion Graphics.

Gumawa ng template ng Motion Graphics na may gumagalaw na text at i-save ang template para i-edit ng mga editor ng Adobe Premiere Pro nang mag-isa. Hindi na kailangan ng mga pabalik-balik na update para sa simpleng pagbabago ng pamagat o pangalan.

Mga preset na tutulong sa iyong magsimula.

Pumili mula sa iba't ibang preset ng text animation ng After Effects o gumawa at mag-save ng sarili mong preset para gamitin sa lahat ng video mo. Palaging panatilihing abot-kamay ang mga paborito mong paggalaw.

Mabibilis na tutorial sa After Effects.

Alamin ang mga pangunahing kaalaman sa kinetic typography sa tulong ng malilinaw na how-to na ito. Sumunod sa mga pro sa Adobe, at pagkatapos ay gumawa ng mga sarili mong eksena.

Pagalawin ang mga salita.

Idagdag muna ang text mo. Pagkatapos ay pumili ng preset ng text animation ng After Effects para madali at mabilis, o gamitin ang menu ng I-animate para i-customize ang gumagalaw mong text.

Alamin kung paano

Magdagdag ng lower third.

Kailangan mo bang magdagdag ng caption, o kaya ay pangalanan ang tao sa eksena mo? Ipapakita sa iyo ng step-by-step na gabay na ito kung paano magdagdag ng action sa isang simpleng lower third.

Alamin kung paano

Gawing 3D ang pamagat.

Ilagay ang mga salita mo sa eksena gamit ang 3D text animation. Tingnan kung paano makapagdaragdag ng kahanga-hangang dimensionality ang paggamit ng mga preset ng text animation gamit ang Cinema 4D Renderer.

Alamin kung paano

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/aftereffects/merch-card/segment-blade