MGA FEATURE NG AFTER EFFECTS

Gumawa ng nakakamanghang motion graphics.

Mag-animate ng mga character at background, gumawa ng visual effects, at lumipat sa 3D modeling mula sa 2D animation gamit ang Maxon Cinema 4D Lite. Gamit ang software sa compositing at animation ng Adobe After Effects, wala kang hindi kayang gawin.

Free trial Bilhin ngayon

Gumawa ng mga gumagalaw na salita at image.

Mag-animate ng mga pamagat, logo, at background sa Mac o PC gamit ang After Effects, software sa motion graphics na pamantayan sa industriya. Mag-customize ng mga de-kalidad na template ng motion design o gumawa ng sarili mong template na paulit-ulit mong magagamit sa mga proyekto mo.

Mag-animate ng mga logo sa tulong ng mga composition.

Gumawa ng mga composition sa pamamagitan ng pag-import ng mga file mula sa Adobe Illustrator, Adobe Photoshop, Adobe Premiere Pro, o iba pang Adobe app. Pwede kang maglagay, mag-scale, at mag-rotate ng mga layer para mag-record ng maraming keyframe at gumawa ng animation.

Bigyang-buhay ang mga object at background.

Magpagalaw ng object sa eksena sa pamamagitan ng pag-record ng mga keyframe. Pinuhin ang mga animation path sa pamamagitan ng paglalagay at pag-adjust ng mga anchor point. Para sa background effects, pwede kang gumawa ng kahit ano mula sa mga paulit-ulit na graphic na hugis hanggang sa mga dumadaloy na organic na pattern.

Bumuo ng mga custom na transition.

Higitan ang mga wipe at fade. Sa After Effects, pwede kang gumamit ng mga dynamic na transition sa pamamagitan ng pag-animate ng mga hugis at kulay. Gumawa ng mga animated na mask na mas magpapaganda sa mga pagpapalit mo ng eksena.

Gumamit ng mga expression para makagawa ng motion graphics.

Bumuo at mag-link ng mga kumplikadong animation nang hindi gumagamit ng dose-dosena — o daan-daan — na keyframe. Magdagdag ng kumukurap-kurap at kumikislot-kislot na effects para pagalawin ang mga salita at object mo.

Gawing bahagi ng proseso mo ng pag-edit at pag-animate ang After Effects.

Pinuhin ang mga video mo nang hindi nagpapabalik-balik sa mga app sa pamamagitan ng paglilipat ng gawa sa After Effects mula sa iba pang Adobe app.

Magdagdag ng motion graphics sa video.

Gumawa ng mga template ng motion graphics sa After Effects para gamitin sa pag-edit ng video. Pagkatapos mong i-share ang mga template mo sa pamamagitan ng Mga Library sa Adobe Creative Cloud, pwede mong i-customize ang mga ito sa Premiere Pro.

Bigyang-buhay ang mga 2D na character.

Gumawa ng mga character sa Photoshop o Illustrator. Pagkatapos ay i-animate ang mga ito nang real time sa Character Animator at idagdag ang mga ito sa After Effects para makagawa ng naka-composite na eksena.

Hikayatin ang kasanayan sa motion graphics.

Pahusayin pa ang mga kasanayan mo sa motion graphics sa tulong ng mga kapaki-pakinabang na step-by-step na gabay na ito sa pag-animate.

Mag-animate ng mga line pattern.

Alamin kung paano magpalago ng mga line pattern sa organic na paraan. Pwede kang mag-eksperimento gamit ang sample na composition ng line pattern o gumamit ng sarili mong multiline na vector illustration mula sa Adobe Illustrator.

Maglagay ng mga 2D layer sa 3D space.

I-explore ang mga kakayahan ng 3D software sa After Effects. Alamin kung paano mag-enable ng mga 3D element sa anumang layer at kung paano manipulahin ang layer na iyon sa 3D space.

Magpinta gamit ang animation.

Alamin kung paano gumawa at mag-edit ng mga animated na brushstroke. Gamitin ang Brush tool sa workspace ng Paint at pagkatapos ay i-adjust ang timing ng stroke sa pamamagitan ng paglilipat ng puwesto ng mga keyframe.

Magdagdag ng makatotohanang special effects.

Matuto ng mga technique sa motion graphics at pag-composite ng video sa pamamagitan ng pag-animate ng VFX na flying saucer. Gumawa ng handheld camera na effect at magdagdag ng motion blur para mas magmukhang totoo.

Hanapin ang Creative Cloud plan na para sa iyo.

Adobe After Effects

1,295.00/buwan 

Kunin ang After Effects bilang bahagi ng Creative Cloud.

Creative Cloud All Apps

3,267.00/buwan 1,689.00/buwan sa unang taon. Tingnan ang mga tuntunin

Makakatipid ng 48% sa buong Creative Cloud suite kabilang ang After Effects.

Tingnan kung ano'ng kasama | Alamin pa

Mga Estudyante at Guro

3,267.00/buwan 1,126.00/buwan 

Makatipid ng mahigit 65% sa 20+ Creative Cloud app — kasama ang After Effects.

Tingnan ang mga tuntunin | Alamin pa

Negosyo

4,788.00/buwan 3,324.00/buwan kada lisensya. Tingnan ang mga tuntunin

Makakuha ng hanggang 5 lisensya para sa iyong team at makatipid ng 30% sa unang taon. 20+ Creative Cloud app kasama ang After Effects at mga eksklusibong feature sa negosyo.

Tingnan kung ano'ng kasama | Alamin pa