https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/after-effects.svg | After Effects

{{after-effects}}

I-explore ang mga feature ng {{after-effects}}.

Kilalanin ang mga tool at feature na magagamit mo para magdisenyo ng kamangha-manghang video effects at agaw-pansing motion graphics.

{{free-trial}} {{buy-now}}

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/aftereffects/sticky-banner/default

  1. Ano'ng bago
  2. 2D animation
  3. 3D animation
  4. Visual effects
active tab
1
id
features

Mag-mix ng 2D at 3D nang tuloy-tuloy.

Mag-animate ng mga 3D object sa tabi mismo ng 2D graphics sa isang tunay na 3D workspace na may mga tool na idinisenyo para talaga sa 3D.

Hanapin ang kailangan mo, nang mabilis.

I-access ang mga paborito mong setting sa animation sa isang madaling puntahang lugar sa tulong ng panel na Mga Property na sensitibo sa konteksto.

Mag-extract ng mga object gamit ang AI.

Walang hirap na piliin at ihiwalay ang anumang object sa background, kahit ang buhok sa hangin at mga transparent na element, gamit ang Roto Brush na pinapagana ng AI.

Pabilisin ang mga proyekto sa tulong ng mga preset.

Magdisenyo ng mga video para sa social nang mabilis, at marami pa. Pumili mula sa daan-daang present na de-kalidad, tapos i-customize ang mga ito para bumagay sa natatangi mong pananaw.

Makakuha ng advanced na suporta sa kulay.

Native na gumawa sa kahit anong color space at pasimplehin ang workflow mo ng Academy Color Encoding System (ACES) gamit ang integration sa OpenColorlO (OCIO).

Gumawa ng mga template ng Motion Graphics.

Magdisenyo at mag-share ng mga nako-customize na template ng Motion Graphics tulad ng mga animated na pamagat at lower third na magagamit agad sa Adobe Premiere Pro

Magdisenyo ng mga dynamic na pamagat at text.

Gumawa ng mga animated na pamagat, lower third, o anupamang uri ng text mula sa umpisa, o magsimula sa isang nako-customize na preset.

Mag-animate nang may katumpakan.

Metikulosong kontrolin ang mga animation mo gamit ang malalakas na keyframe tool. Baguhin ang pwesto, laki, opacity ng isang object, at marami pa sa paglipas ng oras.

Pagalawin ang logo mo.

Magdagdag ng motion at mga transition sa mga icon, logo, o mag-composite o mag-animate ng mga bagong hugis. Pumili mula sa daan-daang present at filter para makuha ang tamang hitsura.

Makamit ang motion na mukhang natural.

Bigyang-buhay ang mga character o hugis at i-simulate ang makatotohanang paggalaw gamit ang Puppet tool, Graph Editor, Wiggle Expression, at Motion Blur.

Maglapat ng mga animation sa mga bagong layer.

Umiwas sa paulit-ulit na trabaho sa tulong ng mga parent na layer, na naglalapat ng mga property ng mga ito sa anumang naka-link na layer.

Mag-atuomate ng iba't ibang paggalaw.

Gumamit ng mga expression para pabilisin ang mga paulit-ulit na gawain, i-enable ang mga animation para tumugon sa mga partikular na variable, o ikonekta ang mga animation sa external na source ng data para sa mga data-driven na visualization.

Mag-mix ng 2D at 3D nang tuloy-tuloy.

Mag-animate ng mga 3D object sa tabi mismo ng 2D graphics sa isang tunay na 3D workspace na may mga tool na idinisenyo para talaga sa 3D.

Direktang mag-import ng mga 3D model.

Gamitin ang mga 3D model mula sa Cinema 4D o Adobe Substance 3D sa After Effects -- hindi na kailangan ng pre-rendering.

Magkaroon ng 3D na dating gamit ang mga tool na pang-2D.

Gawing kapansin-pansin ang text o mga hugis sa tulong ng extrusion at beveling para magdagdag ng dimensyon sa mga animated 2D design mo.

Magbago ng mga perspective sa pamamagitan ng mga camera.

I-animate ang mga 3D model mo gamit ang mga layer ng camera, na bibigyang-daan kang gumalaw-galaw sa isang 3D scene na para bang ikaw ang kumukuha nito.

Magdagdag ng mga makatotohanang liwanag at anino.

Gamitin bilang source ng liwanag ang anumang image gamit ang Image Based Lighting para gumawa ng kapaligirang mukhang natural para sa mga 3D animation mo.

Pabilisin ang mga de-kalidad na pag-export.

Gumawa ng de-kalidad at makatotohanang 3D motion graphics nang mas mabilis kaysa noon gamit ang Advanced 3D Renderer na pinabibilis ng GPU.

Pagsama-samahin ang mga clip sa pamamagitan ng pag-composite.

Gawing iisang eksena ang iba-ibang clip para gumawa ng mga ganap na bagong mundo. Magdagdag ng mga higanteng flamingo, matuling tren, o kahit anong maiisip mo.

Subaybayan ang mga element habang gumagalaw ang mga ito.

Sundan ang paggalaw ng kahit anong object sa clip mo. Palitan ang mga screen sa mga mobile phone, maglagay ng text sa gumagalaw na subject, o palibutan ng mga musikal na nota ang isang bandang nagmamartsa.

Palitan ang background.

Ilagay ang isang character sa ganap na bagong kapaligiran. Gamit ang mahuhusay na tool sa pag-key, magagawa mong palitan ang mga background, maglapat ng visual effects, o magdagdag ng mga bagong element sa eksena mo.

Inserting image...

Baguhin ang atmosphere.

Magpaulan, magdagdag ng nyebe, o ayusin ang lighting ng isang eksena sa tulong ng mga simpleng preset na maa-adjust mo para gumawa ng makatotohanang effects.

Ipakita ang mga tunay mong kulay.

Iwasto ang mga kulay gamit ang mga tool para sa brightness, contrast, at white balance, tapos maging malikhain sa tulong ng mga tool sa color grading tulad ng color balance at mga LUT.

Alisin ang hindi mo gusto.

Burahin ang kahit ano mula sa hindi sinasadyang boom mic hanggang sa mga taong nasa background. Pupunan ng Content-Aware Fill ang mga puwang sa bawat frame ng video para magkaroon ka ng malinis at pulidong footage.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/aftereffects/mini-compare/segment-blade