Motion design
Pagalawin ang text at graphics.
Mag-animate ng mga hindi gumagalaw na image at illustration para gumawa ng kapansin-pansing motion graphics. Magdagdag ng motion sa text para sa mga malapelikulang sequence ng pamagat at simpleng credit roll. Gumawa nang mas mabilis gamit ang mga preset o gawing realidad ang natatangi mong pananaw gamit ang mga tool para sa power animation.
Mga 3D animation
Magdisenyo ng mga dynamic na 3D animation.
Magbigay-dimensyon sa mga video mo sa isang tunay na 3D workspace sa loob mismo ng After Effects. Makuha ang tamang lighting at shading para sa makatotohanang hitsura. O pagsamahin ang mga 2D at 3D na image para gawin ang kahit anong eksenang maiisip mo.
Visual effects
Gumawa ng makalaglag-pangang effects.
Ma-inspire mula sa maraming pagpipiliang naka-built in na effects o i-customize ang sarili mong effect. Magpabagyo. Magdagdag ng mga laser. O kahit magpasulpot ng umiikot na UFO sa isang tracking shot. Gawing effect na hindi malilimutan ng manonood mo ang kahit anong ideya.