In-update namin ang aming Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit para mapadali ang pag-unawa sa mga nakasaad rito. Pakipanood ang pampaliwanag na video at basahin ang mga tuntunin sa ibaba para alamin ang tungkol sa mga paglilinaw na ginawa namin para mas malinaw na mailarawan kung paano namin ginagamit at pinoprotektahan ang iyong data. Sa susunod na ilang linggo, ilalabas namin ang mga tuntuning ito sa mga customer sa buong mundo.
Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit ng Adobe
Na-publish noong Hunyo 18, 2024. May bisa simula Hunyo 18, 2024. Pinapalitan at pinangingibabawan ng Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit na ito ang lahat ng nakaraang bersyon.
Lumaktaw sa seksyon
- Ang Iyong Kasunduan sa Adobe
- Privacy
- Paggamit ng Mga Serbisyo at Software
- Ang Iyong Content
- Ang Iyong Account
- Asal ng User
- Mga Bayarin at Pagbabayad
- Ang Iyong Mga Obligasyon sa Warranty at Pagbabayad-danyos
- MGA DISCLAIMER NG MGA WARRANTY
- LIMITASYON NG SAGUTIN
- Pagwawakas
- Mga Trade Sanction at Pagsunod sa Pagkontrol sa Pag-export
- Batas sa Consumer sa Australia
- Paglutas sa Hindi Pagkakaunawaan, Pagsusuko ng Class Action, Kasunduan sa Arbitrasyon
- Mga Karapatan sa Pag-audit
- Mga Update sa Mga Serbisyo at Software at Availability
- Walang Pagbabago, Pag-reverse Engineer, Artificial Intelligence/Machine Learning (AI/ML)
- Iba pa
- DMCA
Lumaktaw sa seksyon
- Ang Iyong Kasunduan sa Adobe
- Privacy
- Paggamit ng Mga Serbisyo at Software
- Ang Iyong Content
- Ang Iyong Account
- Asal ng User
- Mga Bayarin at Pagbabayad
- Ang Iyong Mga Obligasyon sa Warranty at Pagbabayad-danyos
- MGA DISCLAIMER NG MGA WARRANTY
- LIMITASYON NG SAGUTIN
- Pagwawakas
- Mga Trade Sanction at Pagsunod sa Pagkontrol sa Pag-export
- Batas sa Consumer sa Australia
- Paglutas sa Hindi Pagkakaunawaan, Pagsusuko ng Class Action, Kasunduan sa Arbitrasyon
- Mga Karapatan sa Pag-audit
- Mga Update sa Mga Serbisyo at Software at Availability
- Walang Pagbabago, Pag-reverse Engineer, Artificial Intelligence/Machine Learning (AI/ML)
- Iba pa
- DMCA
In-update namin ang aming Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit para mapadali ang pag-unawa sa mga nakasaad rito. Pakipanood ang pampaliwanag na video at basahin ang mga tuntunin sa ibaba para alamin ang tungkol sa mga paglilinaw na ginawa namin para mas malinaw na mailarawan kung paano namin ginagamit at pinoprotektahan ang iyong data. Sa susunod na ilang linggo, ilalabas namin ang mga tuntuning ito sa mga customer sa buong mundo.
Ang aming Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit ay isang legal na kasunduan sa pagitan mo at ng Adobe. Alam naming puwedeng magmukhang komplikado ang mga nakasaad rito, kaya habang binabasa mo ang mga tuntunin namin ay nagbibigay kami ng mga buod bilang nakakatulong na pangkalahatang-ideya ng sinasang-ayunan mo. Ang mga mismong tuntunin lang ang may legal na bisa, at hindi ang mga buod na ito.
Sa anumang ugnayang pangnegosyo, sumasang-ayon ka sa ilang tuntunin. Ang mga tuntuning ito ay ang kasunduan namin sa iyo para sa paggamit ng mga produkto ng Adobe.
Ang Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit na ito (“Mga Pangkalahatang Tuntunin”), kasama ang anumang naaangkop na Mga Tuntuning Partikular sa Produkto (tingnan ang seksyon 1.2 (Mga Tuntuning Partikular sa Produkto) sa ibaba) (kapag sama-sama, ang “Mga Tuntunin”) ang namamahala sa iyong paggamit at pag-access sa aming mga website, web-based na application at produkto, suporta sa customer, discussion forum o iba pang interactive na lugar o serbisyo, at mga serbisyo tulad ng Creative Cloud (kapag sama-sama, ang “Mga Serbisyo”) at sa iyong pag-install at paggamit ng anumang software na isinasama namin bilang bahagi ng Mga Serbisyo, kasama, nang walang limitasyon, ang mga mobile at desktop application, Mga Sample na File at Content File (na inilalarawan sa ibaba), mga script, mga set ng tagubilin, at nauugnay na dokumentasyon (kapag sama-sama, ang “Software”). Kung sumang-ayon ka sa Mga Tuntunin sa Subscription at Pagkansela (https://www.adobe.com/legal/subscription-terms.html), itinuturing ding bahagi ng Mga Tuntunin ang mga nasabing tuntunin. Kung ginagamit at ina-access mo ang Mga Serbisyo at Software sa pamamagitan ng programang Value Incentive Plan ("VIP") ng Adobe, hindi nalalapat sa iyo ang Mga Tuntunin sa Subscription at Pagkansela, pero papamahalaan ng natitirang bahagi ng Mga Tuntunin ang iyong paggamit at pag-access sa Mga Serbisyo at Software. Kung pumasok ka sa isa pang kasunduan sa amin tungkol sa mga partikular na Serbisyo at Software, ang mga tuntunin ng kasunduang iyon ang may kontrol kapag salungat ito sa Mga Tuntunin.
Sa pamamagitan ng paggamit sa mga serbisyo o sa software, kinukumpirma mong ikaw ay nasa legal na edad para pumayag sa mga tuntunin, o kaya, kung wala ka pa sa legal na edad, nakakuha ka ng pahintulot ng magulang o tagapag-alaga mo na pumayag sa mga tuntunin.
Kailangang 13 taong gulang ka na pataas para makapagparehistro ng indibidwal na Adobe ID. Ang mga paaralang kalahok sa pinangalanang alok sa user na pang-elementarya at sekondaryang edukasyon ay puwedeng mag-isyu sa isang batang wala pang 13 taong gulang ng isang enterprise-level na Adobe ID, alinsunod sa Mga Karagdagang Tuntunin para sa Data ng Mag-aaral ng K-12 (Primarya at Sekondarya) at Mas Mataas na Edukasyon (http://www.adobe.com/go/primary-secondary-terms_ph.)
1. Ang Iyong Kasunduan sa Adobe
1.1 Pagpili ng Batas at Nakikipagkontratang Entity
Ibig sabihin ng Seksyon 1.1:
Ang bansa at (mga) batas kung saan napapailalim ang kasunduang ito ay nakadepende sa kung saan ka nakatira.
Kung nakatira ka sa North America (kasama ang United States, Canada, Mexico, mga teritoryo at pag-aari ng United States, at mga base militar ng United States, nasaan man ito), ang iyong kaugnayan ay sa Adobe Inc., isang kumpanya sa United States, at ang Mga Tuntunin ay pinapamahalaan ng, at binibigyang-kahulugan at ipinapaliwanag alinsunod sa, mga batas ng Estado ng California, U.S.A., maliban na lang kung inunahan ng pederal na batas ng U.S., nang walang pagsasaalang-alang sa mga panuntunan sa salungatan ng batas. Kung naninirahan ka sa labas ng North America, ang iyong kaugnayan ay sa Adobe Systems Software Ireland Limited, at ang Mga Tuntunin ay pinapamahalaan ng, at binibigyang-kahulugan at ipinapaliwanag alinsunod sa, mga batas ng Ireland, maliban kung inunahan ng lokal na batas. Para sa mga customer sa Australia, ang Adobe Systems Software Ireland Limited ay kumikilos bilang awtorisadong ahente ng Adobe Systems Pty Ltd. at pumapasok sa kontratang ito sa kapasidad nito bilang ahente para sa Adobe Systems Pty Ltd. Posibleng mayroon kang mga karagdagang karapatan sa ilalim ng iyong lokal na batas. Hindi namin nilalayong limitahan ang mga karapatang iyon kapag ipinagbabawal ng batas na gawin iyon. Para sa mga layunin ng Mga Tuntunin, ang ibig sabihin ng “Adobe,” “kami,” “namin,” at “amin” ay Adobe Inc., Adobe Systems Software Ireland Limited, o Adobe Systems Pty Ltd., ayon sa naaangkop.
1.2 Mga Tuntuning Partikular sa Produkto
Ibig sabihin ng Seksyon 1.2:
Ito ay mga pangkalahatang tuntunin ng paggamit na naaangkop sa lahat ng produkto ng Adobe. Gayunpaman, posibleng mayroon ding mga tuntuning partikular sa mga produktong ginagamit mo. Palaging pinangingibabawan ng mga tuntuning partikular sa produkto ang mga pangkalahatang tuntunin.
Ang aming Mga Serbisyo at Software ay nililisensya, at hindi ibinebenta, sa iyo, at posible ring sumailalim sa isa o higit pa sa mga karagdagang tuntunin sa ibaba (“Mga Tuntuning Partikular sa Produkto”). Kung may anumang salungatan sa pagitan ng mga tuntunin sa Mga Pangkalahatang Tuntunin at sa Mga Tuntuning Partikular sa Produkto, ang Mga Tuntuning Partikular sa Produkto ang mamamayani kaugnay ng Mga Serbisyo o Software na iyon. Ang Mga Tuntuning Partikular sa Produkto ay puwedeng magbago gaya ng inilalarawan sa seksyon 1.5 (Mga Update sa Mga Tuntunin) sa ibaba. Ang Mga Produktong Partikular sa Produkto ay maaari ding tawaging Mga Karagdagang Tuntunin.
1.3 Mga Business User
Ibig sabihin ng Seksyon 1.3:
Kung gumagamit ka ng indibidwal na Adobe plan, mayroon kang kontrol sa iyong content at sa mga obrang ginagawa mo. Kung gumagamit ka ng business plan, may access at kontrol ang iyong organisasyon sa iyong gawa.
Kung nakatanggap ka ng “Entitlement” (na inilalarawan bilang karapatang gamitin, i-access, at ikonsumo ang Mga Serbisyo at Software) mula sa isang organisasyon o grupo, kasama ang pero hindi limitado sa isang negosyo o anupamang komersyal na entity, entity ng gobyerno, non-profit na organisasyon, o institusyong pang-edukasyon (bawat isa ay isang “Negosyo”) sa ilalim ng isa sa mga business plan ng Adobe (gaya ng Creative Cloud for Teams, Creative Cloud for Enterprise, o Document Cloud), (A) ikaw ay isang “Business User” ng nasabing Negosyo; (B) ang iyong Adobe profile na nauugnay sa nasabing Entitlement ay isang “Business Profile”; at (C) ang ibig sabihin ng lahat ng pagbanggit sa “iyo” sa Mga Tuntunin ay ang nasabing Negosyo at ang Mga Business User nito, gaya ng naaangkop. Kung isa kang Business User, sumasang-ayon ka na, dahil sa iyong pagtanggap ng Mga Entitlement mula sa nasabing Negosyo, (1) puwedeng bigyan ng Adobe ang nasabing Negosyo ng kakayahang i-access, gamitin, alisin, panatilihin, at kontrolin ang iyong Business Profile at ang lahat ng Content doon, na-upload o na-import man bago o pagkatapos ng petsa kung kailan huling na-update ang Mga Tuntunin; (2) ang iyong paggamit sa Mga Serbisyo at Software ay pinapamahalaan ng nasabing kasunduan ng Negosyo sa Adobe; at (3) puwedeng ibigay ng Adobe ang iyong personal na impormasyon sa nasabing Negosyo. Ang access sa mga komplimentaryong Entitlement (“Mga Komplimentaryong Serbisyo”) ay maaaring ibigay sa sinumang user na idinagdag sa Admin Console ng Negosyo (tulad ng tinukoy sa Mga Karagdagang Tuntunin para sa Mga Business Customer na itinakda sa Seksyon 1.2), at ang mga naturang user ay ituturing na Mga Business User. Kung isa kang Business User na may Mga Entitlement mula sa maraming Negosyo, posibleng mayroon kang magkakaibang Business Profile na nauugnay sa bawat Negosyo. Bilang Business User, posibleng mayroon kang iba't ibang kasunduan o obligasyon sa isang Negosyo, na posibleng makaapekto sa iyong Business Profile o sa Content mo (na tinutukoy sa 4.1). Walang pananagutan ang Adobe para sa anumang paglabag mo sa mga nasabing kasunduan o obligasyon. Kung hindi ka nakatanggap ng Mga Entitlement mula sa isang Negosyo (hal., nag-subscribe ka sa isang plan sa Creative Cloud para sa mga indibidwal at nakatanggap ka ng Mga Entitlement sa pamamagitan ng plan na ito), (a) ikaw ay isang “Personal User”; (b) ang iyong Adobe profile ay isang personal na profile; (c) ikaw lang ang may access at kontrol sa lahat ng Content sa iyong personal na account o personal na profile (maliban kung may ibang nakasaad sa Patakaran sa Privacy); at (d) ang ibig sabihin ng lahat ng pagbanggit sa “iyo” sa Mga Tuntunin ay ikaw bilang isang indibidwal. Kung nakatanggap ka ng Mga Entitlement sa pamamagitan ng isang personal na plan at mula sa isang Negosyo, ikaw ay parehong Personal User at Business User. Isa kang Personal User kapag ginagamit mo ang Mga Entitlement na nakuha mo sa pamamagitan ng iyong personal na plan, at isa kang Business User kapag ginagamit mo ang iyong Mga Entitlement na ibinigay ng isang Negosyo.
1.4 Mga Pangnegosyong Email Domain
Bilang Personal User o Business User, puwede kang gumawa ng Adobe account gamit ang isang email address na ibinigay o itinalaga sa iyo ng isang Negosyo (gaya ng iyong email address sa trabaho). Kung gumawa ang Negosyo ng direktang kaugnayan sa amin, posibleng gusto nilang idagdag ang iyong account sa nasabing ugnayan. Kung mangyayari ito, puwedeng i-roll ng Negosyo ang iyong account sa account ng Negosyo nang may paunang abiso mula sa Negosyo o sa amin. Ibig sabihin nito, magagawa ng Negosyo na (A) i-access ang account; (B) kontrolin ang account at anumang Content nito na na-store, na-upload, o na-import bago o pagkatapos ng petsa kung kailan huling na-update ang Mga Tuntunin; at (C) irekomendang ilipat ang anumang Content na hindi Pangnegosyo na nauugnay sa nasabing account sa isang bagong account na gumagamit ng email address na hindi nauugnay sa nasabing Negosyo. Kinukumpirma mo rin, bilang isang Personal User na may Adobe account na nakatalaga sa isang Negosyo o Business User, na posibleng ibigay ng Adobe ang iyong personal na impormasyon sa nasabing Negosyo (kasama, bilang paglilinaw, ang pagbabahagi ng iyong impormasyon sa isang administrator ng iyong Negosyo), gaya ng iyong pangalan, email address, at impormasyon ng Entitlement. Kung ayaw mong i-access, gamitin, alisin, panatilihin, o kontrolin ng isang Negosyo ang isang account o profile, huwag gumamit ng Pangnegosyong email address sa account na iyon. Ang impormasyon tungkol sa pag-store at pag-access ng Content, at kung paano mo puwedeng palitan ang email address na nauugnay sa iyong account ay makikita rito: https://adobe.com/go/business-storage-helpx_ph. Puwedeng magbahagi ang Adobe ng impormasyon tungkol sa Negosyo, gaya ng pangalan at email address ng administrator, sa isang Business User.
1.5 Mga Update sa Mga Tuntunin
Ibig sabihin ng Seksyon 1.5:
Minsan, nagkakaroon ng pagbabago. Aabisuhan ka namin kapag nagkaroon ng mahahalagang pagbabago sa mga tuntuning ito o sa iyong subscription.
Puwede kaming gumawa ng mga pagbabago sa Mga Tuntunin sa paglipas ng panahon mula sa pagwawasto ng mga typo hanggang sa pagbabago sa polisiya. Kung gagawa kami ng mahahalagang pagbabago, aabisuhan ka namin. Ang anumang nasabing pagbabago ay hindi malalapat sa anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyo ng Adobe na magaganap bago ang petsa kung kailan namin na-post ang binagong Mga Tuntunin na nagsasama ng mga nasabing pagbabago, o kapag nagkabisa ang Mga Tuntunin. Pakisuri nang regular ang Mga Tuntunin. Kung hindi ka sang-ayon sa binagong Mga Tuntunin, dapat mong ihinto ang paggamit sa aming Mga Serbisyo at Software at, kung naaangkop, kanselahin ang iyong subscription.
2. Privacy
2.1 Privacy
Para sa impormasyon kung paano namin kinokolekta, ginagamit, ibinabahagi, o kung hindi man ay pinoproseso ang impormasyon tungkol sa iyo at sa paggamit mo sa aming Mga Serbisyo at Software, pakitingnan ang aming Patakaran sa Privacy (http://www.adobe.com/go/privacy_ph_fil). May opsyon kang pamahalaan ang mga kagustuhan sa impormasyon dito: https://www.adobe.com/privacy/opt-out.html.
2.2 Ang Access Namin sa Iyong Content
Ibig sabihin ng Seksyon 2.2:
Walang ibang may-ari sa iyong content kundi ikaw, pero kailangan namin ng access sa iyong content ayon sa kinakailangan para mapagana ang mga application at serbisyo ng Adobe. Nililimitahan namin ang access namin para sa mga napakapartikular na layunin.
Sinusuri namin ang content na nasa mga server namin para tingnan kung may mga partikular na uri ng ilegal na content (gaya ng materyales sa sekswal na pang-aabuso ng bata), o iba pang mapang-abusong content o pagkilos (halimbawa, mga pattern ng aktibidad na mukhang spam o phishing). Sinisimulan namin ang prosesong ito gamit ang isang automated na machine-driven na pagsusuri, pero kung ifa-flag ng aming mga automated system o ng ibang user ang isang isyu, puwedeng suriin ng isang tao ang content para kumpirmahin kung ilegal o mapang-abuso ito.
Puwedeng suriin ng isang tao ang iyong content sa mga server namin sa mga limitadong pagkakataon, gaya ng kapag hinihiling namin, kapag pinipili mong hayaan kaming gamitin ang iyong content para mapaganda ang mga produkto namin o kapag fina-flag o inuulat ang iyong content bilang ilegal.
Ito ang hindi namin ginagawa: Hindi kami nagsa-scan o sumusuri ng content na lokal na naka-store sa iyong device. Hindi rin kami nagsasanay ng mga generative AI model sa iyong content o sa content ng mga customer mo maliban kung isinumite mo ang content sa Adobe Stock marketplace.
Nirerespeto namin ang iyong mga karapatan sa iyong Content (na tinutukoy sa Seksyon 4.1) at nililimitahan namin ang aming access sa iyong Content sa mga sumusunod na paraan:
(A) Operational na Paggamit. Ia-access ng aming Mga Serbisyo at Software ang iyong Lokal at Cloud na Content para mabigyang-daan ang normal na paggana ng Mga Serbisyo at Software, halimbawa, pagpayag sa Photoshop na buksan ang iyong file para ma-edit ito.
(B) Hindi Sina-scan o Sinusuri ang Lokal na Content. Para sa Content na lokal na naka-store sa iyong device (“Lokal na Content”), hindi namin sina-scan o sinusuri ang iyong Content.
(C) Ilegal at Mapang-abusong Cloud Content. Para sa Content na na-upload mo sa aming mga server o ginawa mo gamit ang aming cloud-based na Mga Serbisyo (“Cloud Content”), puwedeng awtomatikong ma-scan ang Content para matiyak na hindi kami nagho-host ng ilegal o mapang-abusong content, tulad ng Materyales sa Sekswal na Pang-aabuso ng Bata.
(D) Content Analytics sa Cloud Content. Alinsunod sa iyong mga karapatan sa pag-opt out, puwede kaming magsagawa ng Content Analytics (tingnan ang seksyon 4.3(B)) sa Cloud Content para matulungan kaming maunawaan kung paano ginagamit ng mga user namin ang aming Mga Serbisyo at Software para mabigyang-daan kaming mapaganda ang iyong karanasan sa Mga Serbisyo at Software, magbigay ng mga rekomendasyon sa iyo, at ma-customize ang iyong karanasan. Alamin pa ang tungkol sa iyong karapatang mag-opt out sa pagsasagawa namin ng Content Analytics gamit ang iyong Content (adobe.com/go/contentanalysisfaq_ph_fil) at data ng paggamit (adobe.com/go/usagedatafaq_ph_fil). Puwedeng gamitin ang mga insight mula sa Content Analytics para magabayan ang aming marketing sa iyo, alinsunod sa iyong mga karapatan sa pag-opt out at pagpayag hinggil sa aming marketing.
(E) Pampubliko at Nakabahaging Cloud Content. Para sa Cloud Content sa aming Adobe Stock platform at sa iba pang mga pampublikong platform tulad ng komunidad ng Behance at Lightroom, ang lahat ng Cloud Content ay puwedeng tingnan kung may mga isyu sa intelektwal na ari-arian (intellectual property) at isyu sa kaligtasan (halimbawa, karahasan at kahubaran). Kung pipiliin mong ibahagi ang iyong Cloud Content sa iba gamit ang aming Software at Mga Serbisyo, puwede naming awtomatikong suriin ang nakabahaging Cloud Content na ito para mag-flag ng mapang-abusong pagkilos (gaya ng spam o phishing).
(F) Generative AI. Hindi namin gagamitin ang iyong Lokal o Cloud na Content para magsanay ng mga generative AI model maliban kung para sa Content na pinili mong isumite sa Adobe Stock marketplace, at ang paggamit na ito ay pinangangasiwaan ng hiwalay na Kasunduan sa Adobe Stock Contributor.
(G) Pagsusuri ng Tao sa Cloud Content. Para sa Cloud Content, puwedeng magkaroon ng pagsusuri ng tao sa mga limitadong pagkakataon:
- kapag hiniling mo sa amin (tulad ng pakikipag-ugnayan sa aming team ng suporta);
- kapag ginawa mong available sa publiko ang iyong Cloud Content (tulad ng sa Adobe Stock o Behance);
- kapag fina-flag o iniuulat ang iyong Cloud Content bilang ilegal o mapang-abuso (tulad ng Mga Materyales sa Sekswal na Pang-aabuso ng Bata); o
- kapag nag-opt in ka sa isang prerelease, beta, o programa ng pagpapaganda ng produkto (tulad ng Programa ng Pagpapaganda ng Adobe Photoshop). Alamin pa
Ang iyong Lokal na Content ay hindi namin sinusuri kailanman.
2.3 Mga Kasunduan sa Proteksyon ng Data
Sa ilang bansa, iniaatas ng batas na gumawa kami ng kasunduan sa proteksyon ng data para sa iyo kung mangangasiwa kami ng Personal na Data (tulad ng inilalarawan sa naaangkop na kasunduan) para sa iyo bilang bahagi ng aming Mga Serbisyo at Software. Ang mga kasunduang ito ay ang Kasunduan sa Pagpoproseso ng Data o Mga Tuntunin sa Proteksyon ng Data sa EU, na makikita sa mga sumusunod na lokasyon:
(A) Kasunduan sa Pagpoproseso ng Data (Data Processing Agreement o “DPA”) sa European Union (“EU”). Nalalapat ang mga tuntunin ng DPA kapag nagbibigay ka ng Personal na Data (tulad ng inilalarawan sa DPA) na nakolekta mula sa mga indibidwal mula sa mga bansa sa European Economic Area (“EEA”) at sa UK at kapag ikaw ay “Controller” at ang Adobe ay isang “Processor” sa ilalim ng General Data Protection Regulation (EU) 2016/679 (“GDPR”) o anumang pamalit para sa GDPR na nauugnay sa pag-alis ng United Kingdom sa EU. Available ang mga tuntunin ng DPA dito: www.adobe.com/go/tou-dpa.
(B) Mga Tuntunin sa Proteksyon ng Data. Nalalapat ang Mga Tuntunin sa Proteksyon ng Data kapag nagbibigay ka ng Personal na Data (tulad ng inilalarawan sa Mga Tuntunin sa Proteksyon ng Data) na nakolekta mula sa mga indibidwal sa labas ng EEA at UK at kapag pinoproseso ng Adobe (tulad ng inilalarawan sa Mga Tuntunin sa Proteksyon ng Data) ang data na ito sa iyong tagubilin at sa iyong ngalan. Makikita rito ang Mga Tuntunin sa Proteksyon ng Data: https://www.adobe.com/go/dpt-ww.
2.4 Sensitibong Personal na Impormasyon
Sumasang-ayon ka na ikaw ay hindi mangongolekta, magpoproseso, o magso-store ng anumang Sensitibong Personal na Impormasyon (tulad ng inilalarawan sa ibaba) gamit ang Mga Serbisyo at Software, maliban kung (A) direktang pinapahintulutan ng Adobe, (B) nilalayon ng Mga Serbisyo at Software, o (C) pinapamahalaan ng Mga Tuntuning Partikular sa Produkto, ayon sa naaangkop. Sumasang-ayon kang hindi mo ipapadala, ihahayag, o gagawing available sa Adobe o sa mga third-party na provider ng Adobe ang Sensitibong Personal na Impormasyon. Ang ibig sabihin ng “Sensitibong Personal na Impormasyon” ay pinansyal na impormasyon ng isang indibidwal, data tungkol sa sekswal na gawi o sekswal na oryentasyon, medikal, o pangkalusugang impormasyon ng isang indibidwal na protektado sa ilalim ng anumang batas sa proteksyon ng data ng kalusugan, biometric data, personal na impormasyon ng mga bata na protektado sa ilalim ng anumang batas sa proteksyon ng data ng bata (tulad ng personal na impormasyong inilalarawan sa ilalim ng U.S. Children’s Online Privacy Protection Act (“COPPA”)) at anumang karagdagang uri ng impormasyon na kasama sa terminong ito o anumang katulad na termino (tulad ng “sensitibong personal na data” o “mga espesyal na kategorya ng personal na impormasyon”) gaya ng ginagamit sa mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data o privacy. Kung ikaw ay isang Negosyo, sumasang-ayon ka rin na sisiguraduhin mo ang pagsunod ng Mga Business User sa seksyong 2.4 na ito (Sensitibong Personal na Impormasyon).
2.5 Paglilipat ng Personal na Impormasyon
Nagpoproseso at nagso-store kami ng impormasyon sa U.S. at sa iba pang bansa. Sa pamamagitan ng paggamit sa aming Mga Serbisyo at Software, pinapahintulutan mo ang Adobe na ilipat ang iyong personal na impormasyon sa mga pambansang hangganan at sa ibang bansa kung saan nagnenegosyo ang Adobe at ang mga partner nito.
3. Paggamit ng Mga Serbisyo at Software
3.1 Lisensya
Ibig sabihin ng Seksyon 3.1:
Nagbibigay ang Adobe sa iyo ng mga partikular na karapatan para magamit ang iyong lisensya sa mga app at serbisyo ng Adobe.
Alinsunod sa iyong pagsunod sa Mga Tuntunin at naaangkop na batas, binibigyan ka namin ng di-eksklusibo, limitado, at mababawing karapatan (ayon sa nakasaad dito) para i-install, i-access, at gamitin mo ang Mga Serbisyo at Software na ginagawa naming available sa iyo, at nililisensyahan mo mula sa amin. Ang bawat lisensya ay gagamitin lang ng isang (1) tao at hindi ito puwedeng ibahagi. Sa katapusan ng termino ng iyong lisensya, mag-e-expire ang iyong (mga) lisensya gaya ng itinakda sa iyong (mga) dokumento ng order, o sa Mga Tuntunin sa Subscription at Pagkansela. Ang (mga) bersyon ng Mga Serbisyo at Software na available sa petsa ng pag-renew mo ay posibleng iba kaysa sa (mga) bersyong available noong una mong nilisensyahan ang mga ito mula sa Adobe. Ang mga bersyon ng Mga Serbisyo at Software na sinusuportahan ng Adobe ay makikita rito: https://www.adobe.com/go/software-support-guidelines_ph. Sumasang-ayon ka na ang iyong desisyong gamitin, i-access, o lisensyahan ang Mga Serbisyo at Software ay hindi nakasalalay sa paghahatid ng anumang functionality o feature sa hinaharap, o nakadepende sa anumang pasalita o nakasulat na pampublikong komento na ginawa namin tungkol sa functionality o mga feature sa hinaharap.
3.2 Intellectual Property (Intelektuwal na Ari-arian) ng Adobe
Ibig sabihin ng Seksyon 3.2:
Pag-aari ng Adobe ang mga produkto at serbisyo nito at binibigyan ka nito ng lisensyang gamitin ang mga iyon.
Kami (at ang aming mga tagapaglisensya, kung naaangkop) ay mananatiling nag-iisang may-ari ng lahat ng karapatan, titulo, at interes sa Mga Serbisyo at Software. Maliban sa nakasaad sa Mga Tuntunin, hindi ka namin binibigyan ng anumang karapatan sa mga patent, copyright, trade secret, trademark, o anupamang karapatan kaugnay ng mga item sa Mga Serbisyo o Software. Ibig sabihin nito, hindi mo puwedeng gamitin ang aming mga trade name, trademark, service mark, o logo kaugnay ng anumang produkto o serbisyo na hindi sa amin, o sa anumang paraan na malamang na magdulot ng pagkalito. Nakalaan sa amin ang lahat ng karapatang hindi ibinigay sa ilalim ng Mga Tuntunin.
3.3 Storage
Ibig sabihin ng Seksyon 3.3:
Ayaw naming umalis ka, pero kung kakanselahin mo ang iyong subscription sa Adobe, pakikuha ang lahat ng iyong content bago ka magkansela.
Kapag kinansela mo ang iyong subscription, sinusubukan naming i-save ito nang pansamantala kung sakaling kailanganin mo ito sa ibang pagkakataon, pero inilalaan namin ang karapatang mag-delete ng content.
Inirerekomenda namin na regular mong i-back up ang iyong Content at Creative Cloud Customer Fonts sa ibang lugar, kahit na nagbibigay ng storage ang Mga Serbisyo at na-enable ng mga naaangkop na Serbisyo ang functionality na ito. Puwede kaming gumawa ng mga makatuwirang teknikal na limitasyon, tulad ng mga limitasyon sa laki ng file, storage space, kapasidad sa pagpoproseso, at iba pang attribute. Puwede naming suspindihin ang Mga Serbisyo hanggang sa pasok ka na sa limitasyon sa storage space na nauugnay sa iyong account. Sa katapusan ng termino ng iyong lisensya, gagamit kami ng mga pagsisikap na makatuwiran ayon sa komersyo para mabigyan-daan kang ilipat ang iyong Content mula sa Mga Serbisyo. Dapat matapos ang paglipat sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa ng pagwawakas o pag-expire ng termino ng iyong lisensya. Sa katapusan ng 30 araw na panahon ng paglipat na ito, nakalaan sa amin ang karapatang i-delete ang iyong Content. Dapat mong i-download ang anumang Nilalaman na na-store mo sa Mga Serbisyo bago matapos ang iyong lisensya.
3.4 Content na Mula sa User
Ibig sabihin ng Seksyon 3.4:
Puwedeng i-upload at ibahagi ng mga user ang kanilang content gamit ang aming mga produkto at hindi kami responsable para sa content na ito. Kung makakita ka ng offensive na content, puwede mong i-flag ang content na ito para masuri namin.
Puwede kaming mag-host ng content na binuo ng user mula sa aming mga user. Kung ia-access mo ang aming Mga Serbisyo, puwede kang makakita ng content na mula sa user na ilegal o sa palagay mo ay nakakasakit o nakakadismaya. Wala kaming pananagutan para sa naturang content na binuo ng user. Kung available, puwede mo ring i-click ang button na “Iulat” para iulat sa amin ang content na ito. Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa aming mga patakaran at kasanayan sa pagmo-moderate ng content, kabilang ang kung paano mag-ulat ng content sa amin sa aming Transparency Center.
3.5 Mga Sample na File
Ang ibig sabihin ng “Mga Sample na File” ay audio, visual, video, o iba pang content file na ibinibigay ng Adobe at magagamit sa mga tutorial, demonstrasyon, at para sa iba pang layunin ng trial, na puwedeng tukuyin bilang mga sample na file. Hindi puwedeng gamitin ang Mga Sample na File sa anupamang layunin maliban kung para saan ibinigay ang mga ito. Hindi ka puwedeng mamahagi ng Mga Sample na File sa anumang paraan na magbibigay-daan sa isang third party na gamitin, i-download, i-extract, o i-access ang Mga Sample na File bilang stand-alone na file, at hindi ka puwedeng maghabol ng anumang karapatan sa Mga Sample na File.
3.6 Mga Content File
Ibig sabihin ng Seksyon 3.6:
May karapatan kang gamitin ang content o mga asset na ginagawa naming available sa iyo. Puwede mo pang baguhin ang content na ito sa iyong gawa.
Ang ibig sabihin ng “Mga Content File” ay mga asset ng Adobe na ibinibigay bilang bahagi ng Mga Serbisyo at Software. Maliban kung iba ang nakasaad sa dokumentasyon o mga partikular na lisensya (kasama ang pero hindi limitado sa Mga Tuntuning Partikular na Produkto), binibigyan ka namin ng personal, di-eksklusibo, hindi nasa-sublicense (maliban kung ikaw ay isang Negosyo, masa-sublicense lang ito sa iyong Mga Business User), at di-naililipat na lisensya na gamitin ang Mga Content File para gawin ang iyong end use (ibig sabihin, ang hangong application o produkto na ginawa mo) kung saan naka-embed ang Mga Content File, o mga hango dito, para sa iyong paggamit (“End Use”). Puwede mong baguhin ang Mga Content File bago i-embed ang mga ito sa End Use. Maaari mo lang i-reproduce at ipamahagi ang Mga Content File kung may kinalaman sa iyong End Use, gayunman, sa anumang pagkakataon, hindi mo puwedeng ipamahagi ang Mga Content File nang walang ibang kasama, nang hindi saklaw ng End Use.
3.7 Mga Libreng Membership, Komplimentaryong Serbisyo, Alok, at Trial
Ibig sabihin ng Seksyon 3.7:
Puwede naming ialok ang aming mga produkto at serbisyo sa iyo nang walang bayad, tulad ng mga libreng membership o trial na subscription.
Puwedeng magbigay ang Adobe ng mga libreng membership, Komplimentaryong Serbisyo, alok, at trial na subscription sa sarili nitong pagpapasya. Kung ibinibigay sa iyo ang access sa Mga Serbisyo at Software nang libre, bilang Mga Komplimentaryong Serbisyo, o bilang trial, ang nasabing access ay pinapamahalaan ng Mga Tuntunin. Anumang oras bago ang o sa panahon ng libreng access, Mga Komplimentaryong Serbisyo, o panahon ng trial, puwedeng wakasan ng Adobe, sa sarili nitong pagpapasya, ang naturang access nang walang paunang abiso at walang anumang sagutin sa iyo, hanggang sa saklaw na pinapahintulutan sa ilalim ng naaangkop na batas, sa anumang dahilan, kasama ang para maiwasan ang pag-abuso sa libreng access, Mga Komplimentaryong Serbisyo, o trial access. Pagkatapos mag-expire ang libreng access, Mga Komplimentaryong Serbisyo, o trial access, puwede mong ipagpatuloy ang paggamit sa Mga Serbisyo o Software sa may bayad na subscription, kung available, o ayon sa pinapahintulutan ng Adobe. Sa panahon ng libreng access, Mga Komplimentaryong Serbisyo, o trial, walang hayagan o ipinahiwatig na warranty ang malalapat sa Mga Serbisyo at Software; ang lahat ng Serbisyo at Software ay ibinibigay sa kasalukuyan nitong kundisyon kasama ang lahat ng depekto, at walang kasamang teknikal o iba pang suporta.
3.8 NFR na Bersyon
Puwede ring italaga ng Adobe ang Mga Serbisyo at Software bilang “trial,” “evaluation,” “not for resale o hindi para muling ibenta,” o iba pang katulad na pagtatalaga (“NFR na Bersyon”). Puwede mong i-install at gamitin ang NFR na Bersyon sa loob lang ng panahon at para lang sa mga layuning isinaad noong ibinigay namin ang NFR na Bersyon. Hindi ka dapat gumamit ng anumang materyales na gagawin mo gamit ang NFR na Bersyon para sa anumang komersyal na layunin.
3.9 Adobe Talent
(A) Hindi ka puwedeng mag-post ng mga trabaho na tumuturo sa mga partikular na paligsahan sa trabaho o iba pang pagkakataon na humihingi ng naka-customize at hindi bayad na creative na trabaho mula sa mga creative na propesyonal. Anumang katulad na posting ay puwedeng alisin nang walang refund.
(B) Nag-aalok kami ng may bayad na feature na “Talent Search” sa mga recruiter at kumpanya na gustong maka-discover at mag-hire ng mga creative talent. Sa pamamagitan ng pag-upload ng pampublikong profile o pampublikong proyekto sa Mga Serbisyo, sumasang-ayon ka na ang pampublikong impormasyon ay puwedeng isama sa mga resulta ng Talent Search.
3.10 Creative Cloud Customer Fonts
Ibig sabihin ng Seksyon 3.10:
Bago mag-upload ng anumang mga font sa mga produkto ng Adobe, tiyaking mayroon kang mga karapatang gamitin ang mga font na iyon.
(A) Para sa anumang font o font file na ia-upload o isusumite mo sa Mga Serbisyo at Software (“Creative Cloud Customer Fonts”), isinasaad at pinapatunayan mo na nasa iyo ang lahat ng kinakailangang karapatan para payagan kaming gamitin, i-reproduce, ipakita, i-host, at ipamahagi ang Creative Cloud Customer Fonts sa pamamagitan ng Mga Serbisyo at Software para sa iyong paggamit. Hindi itinuturing ang Creative Cloud Customer Fonts bilang Content, gaya ng inilalarawan sa Mga Tuntunin. Mananatili sa iyo ang lahat ng karapatan sa hindi binagong Creative Cloud Customer Fonts. Kinukumpirma mo na para mabigyang-daan ang pagpapakita ng anumang Creative Cloud Customer Font sa Mga Serbisyo at Software para sa iyong paggamit, posibleng kailanganin naming gumamit ng Adobe Technology, kasama ang aming pagmamay-aring teknolohiya sa pag-optimize ng font, at mananatili sa amin ang lahat ng karapatan sa nasabing Adobe Technology. Ang ibig sabihin ng “Adobe Technology” ay teknolohiyang pagmamay-ari namin o lisensyado sa amin ng isang third party (kasama ang Mga Serbisyo at Software at anumang nauugnay na karapatan sa intelektwal na pag-aari sa buong mundo), anumang Feedback na ibinigay sa amin na isinama sa alinman sa mga nabanggit, at alinman sa mga pagbabago, o mga extension ng alinman sa mga nabanggit, kahit kailan o kahit saan binuo. Hindi isinasaad o pinapatunayan ng Adobe na ang anumang katulad na Creative Cloud Customer Fonts ay magiging compatible o angkop na gamitin sa Mga Serbisyo o Software.
(B) Kung ipagbibigay-alam sa amin ng isang third party, tulad ng isang foundry, o malalaman namin na wala sa iyo ang mga karapatang pinapatunayan mo sa seksyon 3.10(A) (Creative Cloud Customer Fonts), o lumalabag ang iyong Creative Cloud Customer Fonts sa Mga Karapatan sa Intelektwal na Pag-aari ng Third Party, puwede naming alisin ang Creative Cloud Customer Fonts sa iyong account, sa Mga Serbisyo, o sa Content na gumagamit sa nasabing Creative Cloud Customer Fonts. Kinukumpirma mo na kung aalisin namin ang iyong Creative Cloud Customer Fonts sa iyong account, puwedeng magbago ang Mga Serbisyo o ang Content na gumagamit sa Creative Cloud Customer Fonts, o ang pagpapakita ng iyong Content, at wala kaming sagutin kaugnay ng pag-aalis. Makikita ang impormasyon kung paano posibleng magbago ang iyong Content dito: https://www.adobe.com/go/cc-fonts-faq_ph_fil.
(C) Puwede mong bawiin ang aming access sa iyong Creative Cloud Customer Fonts at wakasan ang aming mga karapatan anumang oras sa pamamagitan ng pag-delete ng iyong Creative Cloud Customer Fonts sa Serbisyo.
(D) Kapag winakasan o isinara ang iyong account, nakalaan sa amin ang karapatang i-delete ang iyong Creative Cloud Customer Fonts. Puwedeng magpanatili ng ilang kopya ng iyong Creative Cloud Customer Fonts bilang bahagi ng aming mga nakasanayang pag-back up.
(E) Puwede kaming mangolekta ng impormasyon na nauugnay sa iyong paggamit ng Creative Cloud Customer Fonts, tulad ng mga pangalan ng Creative Cloud Customer Fonts na ia-upload mo at kung paano mo ginagamit ang Creative Cloud Customer Fonts.
3.11 Iba pang Mga Uri ng Lisensya
Ibig sabihin ng Seksyon 3.11:
Puwede kang makagamit ng beta na bersyon ng aming mga produkto. Ang mga produktong ito ay nasa development at hindi mga pinal na bersyon, kaya posibleng magkaroon ng mga isyu o bug na dahil sa paggamit sa mga iyon. Kung pipili kang gumamit ng beta na bersyon, puwedeng suriin ng isang tao ang iyong content.
Puwede ring hilingin ng Adobe sa iyo na panatilihing kumpidensyal ang iyong paggamit ng mga beta na bersyon nito.
(A) Pre-release o Beta na Bersyon. Maaari naming italaga ang Mga Serbisyo at Software, o ang isang feature ng Mga Serbisyo at Software, bilang prerelease o beta na bersyon (“Beta na Bersyon”). Hindi kinakatawan ng Beta na Bersyon ang pinal na Mga Serbisyo at Software at puwede itong maglaman ng mga bug na posibleng magdulot ng pagpalya ng system o iba pang pagpalya at pagkawala ng data. Maaari kaming magpasyang huwag mag-release ng komersyal na bersyon ng Beta na Bersyon. Dapat mong ihinto kaagad ang paggamit sa Beta na Bersyon at sirain ang lahat ng kopya ng Beta na Bersyon kung hihilingin namin sa iyo na gawin iyon. Bilang kapalit ng iyong paggamit ng Beta na Bersyon, sumasang-ayon ka na puwedeng mangolekta ang Adobe ng data, kasama ang data ng pag-crash, tungkol sa paggamit mo sa Beta na Bersyon, at puwede nitong suriin ang iyong Content, kasama ang pagsusuri ng isang tao, para mapaganda ang aming Mga Serbisyo at Software at para ma-personalize ang iyong karanasan, kahit na nag-opt out ka sa pangongolekta ng data para sa mga hindi Beta na bersyon. Kung ayaw mong ipa-track ang iyong paggamit o ipasuri ang Content mo, dapat mong ihinto ang iyong paggamit sa Beta na Bersyon sa pamamagitan ng pag-uninstall ng nasabing Beta na Bersyon o paggamit ng hindi Beta na Bersyon ng Mga Serbisyo at Software. Anumang hiwalay na kasunduan na papasukin namin kasama mo na namamahala sa Beta na Bersyon ay mangingibabaw sa mga probisyong ito.
(B) Pang-edukasyong Bersyon. Kung itinalaga namin ang Mga Serbisyo at Software para gamitin ng mga educational user (“Pang-edukasyong Bersyon”), puwede mo lang gamitin ang Pang-edukasyong Bersyon kung natutugunan mo ang mga kinakailangan sa pagiging kuwalipikado na nakasaad sa https://www.adobe.com/go/primary-secondary-institution-eligibility-guidelines_ph_fil. Puwede mo lang i-install at gamitin ang Pang-edukasyong Bersyon sa bansa kung saan ka kuwalipikado bilang educational user. Kung nakatira ka sa EEA, ang ibig sabihin ng salitang “bansa” sa nakaraang pangungusap ay ang EEA.
3.12 Mga Third-Party na Serbisyo at Software
Ibig sabihin ng Seksyon 3.12:
Ang ilan sa aming mga produkto ay nagbibigay-daan sa iyong mag-access ng mga third-party na app o serbisyo, tulad ng mga social media na app at plug-in, pero hindi responsable ang Adobe para sa mga tool na ito. Pinangangasiwaan ang mga iyon ng mga tuntunin ng mga third-party na provider.
Puwedeng gawing available sa iyo ng Adobe ang software at mga serbisyo ng third party (kasama ang mga plug-in at extension) sa pamamagitan ng Mga Serbisyo at Software bilang pagbibigay ng kaluwagan. Ang software at mga serbisyo ng third party ay hindi Mga Serbisyo at Software gaya ng inilalarawan sa Mga Tuntunin at ang pagkuha at paggamit mo ng nasabing software at mga serbisyo ng third party ay nasa pagitan lang ninyo ng third party. Ang ilang tuntunin ng third party na posibleng naaangkop sa iyong paggamit sa Mga Serbisyo at Software ay available dito: (https://www.adobe.com/go/thirdparty_ph at https://www.adobe.com/legal/permissions/image-notice.html). Responsable ka sa pagsunod sa lahat ng naaangkop na tuntunin ng third party.
4. Iyong Content
Ibig sabihin ng Seksyon 4:
Ang iyong content ay sa iyo — sa iyo ito, at hindi sa amin.
4.1 Content
Ang ibig sabihin ng “Content” ay anumang text, impormasyon, komunikasyon, o materyal, tulad ng mga audio file, video file, electronic na dokumento, o image, na ia-upload, ii-import, ie-embed para magamit ng, o gagawin gamit ang Mga Serbisyo at Software.
4.2 Pagmamay-ari
4.3 Mga Lisensya sa Iyong Content
Ibig sabihin ng Seksyon 4.3:
Pag-aari mo ang iyong content. Pero upang magamit ang aming mga produkto at serbisyo, kailangan naming bigyan mo kami ng pahintulot na gamitin ang iyong content kapag sino-store o pinoproseso ito sa aming. Ang pahintulot na ito ay tinatawag na isang lisensya.
Nagbibigay-daan ang lisensyang ito sa amin na maihatid ang aming mga produkto at serbisyo sa iyo, tulad ng kapag gusto mong ibahagi ang iyong content o i-publish ang iyong content sa Behance. Dahil content mo ito — hindi sa amin.
Hindi nagbibigay sa amin ang lisensyang ito ng pahintulot na magsanay ng mga generative AI model gamit ang content mo o content ng mga customer mo. Hindi kami nagsasanay ng mga generative AI model sa iyong content o sa content ng mga customer mo maliban kung isinumite mo ang content sa Adobe Stock marketplace.
Tinatanong din namin kung gusto mo kaming tulungang pagandahin ang mga produkto at serbisyo namin, pero hindi ito kinakailangan. Kapag pinipili mong tulungan kaming pagandahin ang mga produkto namin, kailangan namin ng limitadong lisensya sa iyong content para sa partikular na layuning iyon.
(A) Lisensya sa Cloud Content para Mapagana ang Mga Serbisyo at Software sa Iyong Ngalan. Para lang sa layunin ng pagpapagana sa Mga Serbisyo at Software sa iyong ngalan, at alinsunod sa seksyon 4.2 (Pagmamay-ari) sa itaas na nagsasabing sa lahat ng kasong pag-aari mo ang iyong Content, nagkakaloob ka sa amin ng hindi eksklusibo, pandaigdigan, at royalty-free na lisensyang gawin ang sumusunod sa iyong Cloud Content:
- i-reproduce
(halimbawa, gumawa ng mga kopya ng iyong Cloud Content sa aming mga server upang mabigyang-daan kang i-upload ang iyong Cloud Content sa mga server namin, para mabigyang-daan kang kopyahin at i-paste ang iyong Cloud Content sa pagitan ng maraming proyekto sa Adobe Express, para gumawa ng mga kopya ng iyong Creative Cloud libraries, para gumawa ng mga kopya sa mga server para makatulong na mahadlangan ang pagkawala ng data, o para ma-cache ang iyong Cloud Content sa mga content delivery network para mapabilis ang pag-view at pag-download mo sa content na naka-store sa aming mga server);
- i-distribute
(halimbawa, i-publish ang iyong gawa ayon sa iyong direksyon sa mga third party na platform o serbisyo, magbahagi ng Cloud Content ayon sa iyong direksyon sa pamamagitan ng Mga Serbisyo namin sa iyong mga kaibigan, pamilya, at kasamahan, o para mabigyang-daan ang mga awtorisadong tao para na i-download ang iyong Cloud Content nang may pahintulot mo);
- gumawa ng mga hangong obra
(halimbawa, mag-compress ng isang image para gamitin bilang isang thumbnail, magtanggal ng background ng image ayon sa iyong direksyon, o isalin ang Cloud Content sa ibang wika);
- ipakita sa publiko
(halimbawa, para sa isang image o dokumento, i-publish ang image o dokumento sa isang pampublikong property gaya ng Behance o isang third-party na platform ayon sa iyong direksyon pero hindi para gamitin ang iyong image o dokumento para i-market o i-promote ang Adobe);
- itanghal sa publiko
(halimbawa, i-enable ang playback ng isang video sa mga pampublikong property o third-party na platform ayon sa iyong direksyon pero hindi para gamitin ang video para i-market o i-promote ang Adobe); at
- i-sublicense ang mga nabanggit na karapatan sa mga third party na kumikilos sa ngalan namin (halimbawa, gumagamit kami ng mga pinagkakatiwalaang cloud infrastructure provider at content delivery network na napapailalim sa mga paghihigpit sa pagiging kumpidensyal at privacy para mabigyan ka ng mas mabilis na access sa iyong Cloud Content).
Ang Hindi Ginagawa ng Adobe
Hindi kami nagbibigay ng sublicense sa isang third party na higit sa mga karapatang ibinibigay mo sa amin (at hindi rin namin ito kayang gawin).
Sa ilalim ng clause 4.3(A), wala kaming karapatang gamitin ang iyong Content para i-market o i-promote ang Adobe, at hindi namin ito gagawin.
Hindi namin gagamitin ang mga karapatang ito para magsanay ng mga generative AI model sa iyong Content at hindi namin gagamitin ang mga karapatan sa sublicense para magpasanay sa ibang tao ng mga generative AI model gamit ang iyong Content, maliban kung partikular mong hihilingin (tulad ng kapag hiniling mo sa aming magsanay ng custom na model sa iyong Content).
(B) Lisensya sa Cloud Content para Mapaganda ang Mga Serbisyo at Software. (B) Lisensya sa Cloud Content para Mapaganda ang Mga Serbisyo at Software. Para lang sa layunin ng aming internal na pagsusuri ng kung paano mo ginagamit ang aming Mga Serbisyo at Software at ang mga katangian ng iyong Content (gaya ng uri ng file at mga structural na katangian) (na sama-samang tinatawag na “Content Analytics”), nagkakaloob ka sa amin ng hindi eksklusibo, pandaigdigan, at royalty-free na lisensyang gawin ang sumusunod para mapaganda ang aming Mga Serbisyo at Software:
- i-reproduce (halimbawa, gumawa ng mga kopya ng iyong Cloud Content sa aming mga internal na file storage repository);
- gumawa ng mga hangong obra (halimbawa, mag-convert sa pagitan ng mga file format, o i-crop ang Cloud Content); at
- i-sublicense ang mga nabanggit na karapatan sa mga third party na kumikilos sa aming ngalan (halimbawa, puwede kaming gumamit ng mga pinagkakatiwalaang vendor at contractor na napapailalim sa mga paghihigpit sa pagiging kumpidensyal at privacy para magsagawa ng Content Analytics sa aming ngalan).
Hindi kami nagbibigay ng sublicense sa isang third party na higit sa mga karapatang ibinibigay mo sa amin (at hindi rin namin ito kayang gawin).
Sa ilalim ng clause 4.3(B) na ito, wala kaming karapatang ipakita sa publiko ang iyong Content o payagan ang mga third party na pagandahin ang kanilang mga produkto gamit ang iyong Content, at hindi namin ito gagawin.
(C) Puwede Mong Piliing Hindi Lumahok sa Content Analytics.
- Mga Karapatang sa Pag-opt Out. May karapatang kang mag-opt out sa pagsasagawa namin ng Content Analytics gamit ang iyong Content (https://www.adobe.com/go/contentanalysisfaq_ph_fil) at data ng paggamit (https://www.adobe.com/go/usagedatafaq_ph_fil).
- Generative AI. Hindi namin gagamitin ang iyong Lokal o Cloud na Content para magsanay ng mga generative AI model maliban kung para sa Content na pinili mong isumite sa Adobe Stock marketplace, at ang paggamit na ito ay pinangangasiwaan ng hiwalay na Kasunduan sa Adobe Stock Contributor.
4.4 Pagbabahagi ng Iyong Content
(A) Pagbabahagi. Ang ilang Serbisyo at Software ay puwedeng magbigay ng mga feature na magbibigay-daan sa iyong Ibahagi ang iyong Content sa iba pang user o gawin itong pampubliko. Ang ibig sabihin ng “Ibahagi” ay i-email, i-post, ipadala, i-stream, i-upload, o kung hindi man ay gawing available (sa amin man o iba pang user) sa pamamagitan ng paggamit mo sa Mga Serbisyo at Software. Puwedeng gamitin, kopyahin, baguhin, o ibahagi ulit ng iba pang user ang iyong Content sa maraming paraan. Pag-isipan nang mabuti kung ano ang pipiliin mong Ibahagi o isapubliko dahil ikaw ang may responsibilidad sa Content na Ibabahagi mo.
(B) Antas ng Access. Hindi namin sinusubaybayan o kinokontrol kung ano ang ginagawa ng iba sa iyong Content. Responsable ka sa pagtukoy sa mga limitasyon na nakalagay sa iyong Content at sa paglalapat ng naaangkop na antas ng access sa iyong Content. Kung hindi mo pipiliin ang antas ng access na ilalapat sa iyong Content, posibleng mag-default ang system sa pinakamaluwag na setting nito. Responsibilidad mong ipaalam sa iba pang user kung paano Maibabahagi ang iyong Content at i-adjust ang setting na nauugnay sa pag-access o Pagbabahagi ng iyong Content.
(C) Mga Komento. Anumang komentong isusumite mo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo at Software ay hindi anonymous at puwedeng tingnan ng iba pang user. Sa ilang Serbisyo at Software, ang iyong mga komento ay puwede mong i-delete, puwedeng i-delete ng iba pang mga user, o puwede naming i-delete.
(D) Pag-aalis ng Iyong Content. Kung magde-delete ka ng Content (hindi kasama ang Feedback) sa Mga Serbisyo at Software, hindi na namin gagawing available sa publiko ang Content na iyon sa loob ng makatuwirang tagal ng panahon. Puwedeng pansamantalang magpanatili ng ilang kopya ng iyong Content bilang bahagi ng aming nakasanayang pag-back up, at wala kaming responsibilidad sa anumang paggamit ng Content na Ibinahagi o isinapubliko mo.
(E) Pakikipagtulungan. Bago ka Magbahagi ng anumang Content sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, pakisuri ang Mga Tuntuning Partikular sa Produkto ng Adobe Collaboration Space na itinakda sa seksyon 1.2 sa itaas ayon sa pagkakalapat ng mga ito sa iyo at sa Content na Ibinabahagi mo sa mga environment ng Adobe para sa pakikipagtulungan.
4.5 Mga Pag-aalis at Pag-apela sa Content
Kung aalisin namin ang iyong Content dahil sa paglabag sa Mga Tuntunin, ipapaalam namin sa iyo ang aming desisyon sa pamamagitan ng email address na ibinigay mo sa amin. Kung naniniwala kang hindi dapat inalis ang iyong Content, maaari kang magsumite ng apela sa pamamagitan ng pagsunod sa prosesong nakabalangkas sa aming pakikipag-ugnayan sa iyo o sa aming Transparency Center.
4.6 Feedback
Ibig sabihin ng Seksyon 4.6:
Palaging pinahahalagahan ang iyong feedback! Kapag pinipili mong ibahagi ang iyong feedback sa amin, nakakatulong itong pagandahin ang aming mga produkto at serbisyo.
Maaari mong piliing magbigay sa amin ng feedback tungkol sa Mga Serbisyo at Software, kabilang ang sa anyo ng mga ideya, suhestyon, panukala, o halimbawang kaugnay ng iyong Content ("Feedback"). Sa ganitong sitwasyon, sumasang-ayon ka na malaya kaming gamitin ang Feedback para sa aming mga layunin sa negosyo, kasama ang sa pamamagitan ng pagsasama sa Mga Serbisyo at Software nang walang anumang bayad o pagpapatungkol o iba pang obligasyon sa iyo.
5. Ang Iyong Account
5.1 Impormasyon ng Account
Ikaw, bilang Personal User o Business User, ang may responsibilidad sa lahat ng aktibidad na nangyayari gamit ang account mo kahit na hindi ikaw ang gumawa ng aktibidad na iyon o ginawa iyon nang hindi mo alam o wala kang pahintulot. Hindi mo puwedeng (A) ibahagi ang impormasyon ng iyong account (maliban sa awtorisadong administrator ng account), sinadya man o hindi sinasadya; o (B) gamitin ang account ng ibang tao. Puwedeng gamitin ng administrator ng iyong account ang impormasyon ng account mo para pamahalaan ang iyong paggamit at pag-access sa Mga Serbisyo at Software. Para sa PhoneGap, nakalaan sa amin ang karapatang subaybayan at ipatupad ang mga limitasyon at paghihigpit sa subscription plan, kasama ang, pero hindi limitado sa, karapatang maningil para sa mga sobrang paggamit.
5.2 Seguridad ng Account
Responsable ka sa paggawa ng mga makatuwirang hakbang para mapanatili ang seguridad at kontrol ng iyong Adobe Account. Puwedeng hilingin sa iyo ng Adobe na i-enable ang multi-factor na pag-authenticate at magbigay ng numero ng telepono o alternatibong email para sa mga layuning pangseguridad. Walang inaakong responsibilidad ang Adobe sa anumang pagkawala na puwede mong maranasan dahil sa pagkakompromiso ng iyong mga kredensyal sa pag-log in sa account, o sa pagpalya mong sundin o aksyunan ang anumang abiso o alerto na puwede naming ipadala sa iyong email address o numero ng telepono. Responsibilidad mong panatilihing updated ang email address at numero ng telepono mo upang makatanggap ng anumang abiso o alerto na puwede naming ipadala sa iyo, at responsibilidad mo rin ang maingat na pagsusuri sa anumang mensahe na sinasabing mula sa Adobe para matiyak na lehitimo ang mga ito. Wala kaming inaakong pananagutan kung hindi mo ma-access ang iyong Adobe Account dahil hindi mo maibigay ang mga naaangkop na kredensyal sa pag-log in, gaya ng password, email address, o numero ng telepono. Kung naghihinala kang nakompromiso ang iyong Adobe Account o ang alinman sa iyong mga panseguridad na detalye, makipag-ugnayan sa administrator ng iyong account o sa Adobe Customer Care https://www.adobe.com/go/csupport_subscripterms_ph.
5.3 Kawalan ng Aktibidad sa Libreng Account
Responsibilidad mong panatilihing aktibo ang iyong account, ibig sabihin, dapat kang mag-sign in at dapat mong gamitin ang account mo paminsan-minsan para maiwasan ang anumang pag-delete ng Content, pagkaantala o pagkawala ng access sa Mga Serbisyo at Software, o ang pagwawakas ng iyong account. Kung hindi ka regular na magsa-sign in sa iyong account, nakalaan sa amin ang karapatang ipagpalagay na ang iyong account ay hindi aktibo, at sumasang-ayon ka na maaari naming permanenteng i-delete ang iyong Content na naka-store sa account o ganap na isara ang iyong account. Bago permanenteng i-delete ang iyong Content o isara ang iyong account dahil sa kawalan ng aktibidad, susubukan naming magbigay ng abiso sa iyo. Para maiwasan ang pagdududa, itong seksyon 5.3 (Kawalan ng Aktibidad sa Libreng Account) ay hindi nalalapat sa mga may bayad na account na may magandang katayuan.
6. Asal ng User
Ibig sabihin ng Seksyon 6:
Dapat gamitin nang responsable ang mga produkto ng Adobe, at hindi para sa mga bagay na tulad ng pagbebenta o pagbabahagi ng mga account, paggawa ng ilegal na content, paggawa ng mga pekeng account, o panloloko.
Dapat mong gamitin ang Mga Serbisyo at Software sa responsableng paraan at hindi mo dapat gamitin ang Mga Serbisyo at Software sa maling paraan. Halimbawa, hindi mo dapat gawin ang mga sumusunod:
6.1 gamitin ang Mga Serbisyo at Software nang walang nakasulat na lisensya o kasunduan sa Adobe, o nang labag dito;
6.2 kopyahin, baguhin, i-host, i-stream, i-sublicense, o i-resell ang Mga Serbisyo at Software;
6.3 bigyang-daan o payagan ang iba na gamitin ang Mga Serbisyo at Software gamit ang impormasyon ng iyong account;
6.4 ialok, gamitin, o payagan ang paggamit o pag-access sa Mga Serbisyo at Software sa isang negosyo ng mga serbisyo sa computer, third-party na serbisyo sa outsourcing, sa pamamagitan ng membership o subscription, batay sa service bureau, nang may time-sharing, bilang bahagi ng naka-host na serbisyo, o sa ngalan ng sinumang third party;
6.5 gumawa ng database o dataset gamit ang, nang kasama ang, o nang binubuo ng mga Adobe Content File para sa mga layunin ng engineering;
6.6 i-access o subukang i-access ang Mga Serbisyo at Software sa anumang paraan maliban sa interface na ibinibigay o pinapahintulutan namin;
6.7 iwasan ang anumang paghihigpit sa pag-access o paggamit na itinakda para maiwasan ang ilang partikular na paggamit ng Mga Serbisyo at Software;
6.8 Magbahagi o gumawa ng Content, kasama ang Creative Cloud Customer Fonts, o kung hindi man ay masangkot sa asal na lumalabag sa Mga Karapatan sa Intelektwal na Pag-aari ng kahit sino. Ang ibig sabihin ng “Mga Karapatan sa Intelektwal na Pag-aari” ay copyright, mga karapatang moral, trademark, trade dress, patent, trade secret, hindi patas na kumpetisyon, karapatan sa privacy, karapatan sa publisidad, at anupamang karapatan sa pagmamay-ari;
6.9 Magbahagi o gumawa ng anumang Content o makisangkot sa gawi na labag sa batas, nakakapinsala, nagbabanta, bastos, marahas, mapang-abuso, mapaminsala, mapanira, mapanirang-puri, malaswa, mahalay, nanghihimasok sa privacy ng iba, mapoot, o kung hindi man ay katutol-tutol;
6.10 Magbahagi o gumawa ng anumang Content na nagse-sexualize sa mga menor de edad o inilaan para magbigay-daan sa mga hindi naaangkop na pakikipag-ugnayan sa mga menor de edad, iba pang user ng Adobe, o sa publiko;
6.11 magpanggap bilang sinumang tao o entity, o maling isaad o kung hindi man ay maling sabihin ang iyong affiliation sa isang tao o entity, kasama ang hindi paghahayag ng naaangkop na ugnayan sa pag-sponsor o pag-eendorso kapag nag-iwan ka ng review;
6.12 tangkaing i-disable, sirain, o wasakin ang Mga Serbisyo at Software;
6.13 i-upload, ipadala, i-store, o gawing available ang anumang Content, kasama ang Creative Cloud Customer Fonts, o code na naglalaman ng anumang virus, nakakapinsalang code, malware, o anumang component na idinisenyo para magdulot ng pinsala o maglimita sa functionality ng Mga Serbisyo at Software;
6.14 abalahin, gambalain, o pigilan ang sinupamang user sa paggamit sa Mga Serbisyo at Software (tulad ng pangso-stalk, pananakot, pangha-harass, o pang-uudyok o pagsusulong ng karahasan o pananakit sa sarili);
6.15 makisali sa mga chain letter, junk mail, pyramid scheme, phishing, spamming, o iba pang hindi kaaya-ayang mensahe;
6.16 makisangkot sa mga mapanlinlang na aktibidad, tulad ng panloloko sa pagbabayad at refund;
6.17 maglagay ng advertisement ng anumang produkto o serbisyo sa Mga Serbisyo maliban kung may paunang nakasulat na pag-apruba namin;
6.18 gumamit ng anumang pamamaraan ng data mining o katulad na pamamaraan ng pangangalap at pag-extract ng data kaugnay ng Mga Serbisyo at Software, kasama ang data scraping para sa machine learning o iba pang layunin;
6.19 artipisyal na manipulahin o gambalain ang Mga Serbisyo at Software (tulad ng pagmamanipula ng mga pagpapahalaga sa Behance o paghimok sa mga user na pumunta sa mga third-party na site);
6.20 gumawa ng mga Adobe account para sa layunin ng paglabag sa Mga Tuntunin o sa aming mga patakaran (o iba pang uri ng mga pagkilos na ginagawa ng Adobe), kasama ang, pero hindi limitado sa, paggawa ng mga pekeng account, o para sa pag-iwas sa pagwawakas ng account;
6.21 manipulahin o kung hindi man ay ipakita ang Mga Serbisyo at Software sa pamamagitan ng paggamit ng framing o katulad na teknolohiya sa pag-navigate; o kaya ay
6.22 lumabag sa naaangkop na batas.
7. Mga Bayarin at Pagbabayad
7.1 Mga Buwis at Third-Party
Dapat mong bayaran ang anumang naaangkop na buwis at bayarin sa third party (kasama, halimbawa, ang mga singil sa toll sa telepono, bayarin sa mobile carrier, singil sa ISP, singil sa data plan, bayarin sa credit card, VAT, bayarin sa foreign exchange, at bayarin sa transaksyon sa ibang bansa). Hindi kami ang may responsibilidad sa mga bayaring ito. Makipag-ugnayan sa iyong pinansyal na institusyon para sa mga tanong tungkol sa mga bayarin. Puwede kaming gumawa ng mga hakbang para kolektahin ang mga bayaring hindi mo pa nababayaran sa amin. Responsable ka sa lahat ng kaugnay na bayarin at gastusin sa koleksyon. Kung ikaw ay isang bansa na iba kaysa sa naaangkop na entity ng Adobe kung kanino ka nakikipagtransaksyon (ibig sabihin, Adobe Inc. para sa mga customer sa North America at Adobe Systems Software Ireland Limited para sa mga customer sa lahat ng iba pang bansa), magbabayad ka sa isang banyagang entity.
7.2 Impormasyon ng Credit Card
Pinapahintulutan mo kami o ang aming (mga) awtorisadong vendor na i-store ang iyong paraan ng pagbabayad at gamitin ito kaugnay ng paggamit mo sa Mga Serbisyo at Software tulad ng inilalarawan sa iyong Mga Tuntunin sa Subscription at Pagkansela. Para maiwasang maantala ang iyong serbisyo, puwede kaming sumali sa mga programang sinusuportahan ng iyong card provider para subukang i-update ang iyong impormasyon sa pagbabayad. Pinapahintulutan mo kami o ang aming (mga) awtorisadong vendor na ipagpatuloy ang billing at pagsingil sa iyong account ng mga halagang dapat bayaran gamit ang impormasyong makukuha namin.
8. Ang Iyong Mga Obligasyon sa Warranty at Pagbabayad-danyos
8.1 Warranty
Nasa iyo dapat: (A) ang lahat ng kinakailangang lisensya at pahintulot para magamit at Maibahagi ang iyong Content; at (B) ang mga karapatang kinakailangan para maibigay ang mga lisensya sa Mga Tuntunin.
8.2 Pagbabayad-danyos
Babayaran mo kami at ang aming mga subsidiary, affiliate, opisyal, ahente, empleyado, kasosyo, at tagapaglisensya mula sa anumang (mga) habol, demanda, pagkalugi, o danyos, kabilang ang mga makatwirang bayad sa abogado, na nagmumula sa, o nauugnay sa:
(A) Content mo, kabilang ang, pero hindi limitado sa Creative Cloud Customer Fonts;
(B) paggamit mo ng Mga Serbisyo at Software (kung naaangkop);
(C) mga interaksyon mo sa sinumang iba pang user (kabilang ang mga Third-Party Entitlement Holder); o
(D) paglabag mo sa Mga Tuntunin (“Usapin”).
May karapatan kaming kontrolin ang pagtatanggol sa anumang Usapin alinsunod sa pagbabayad-danyos mo sa pamamagitan ng abugado na pinili namin. Lubos kang makikipagtulungan sa amin sa pagtatanggol sa anumang Usapin.
9. MGA DISCLAIMER NG MGA WARRANTY
9.1
Maliban kung nakasaad sa Mga Tuntuning Partikular sa Produkto, ang Mga Serbisyo at Software ay ibinibigay “SA KASALUKUYAN NITONG KUNDISYON.” Sa sagad na saklaw na pinapahintulutan ng batas, itinatanggi ng Adobe, mga affiliate nito, at mga third-party na provider (“Mga Sinasaklaw na Partido”) ang lahat ng warranty, ipinahayag o ipinahiwatig, kasama ang mga ipinahiwatig na warranty ng hindi paglabag, kakayahang maikalakal, at pagiging angkop para sa isang partikular na layunin. Walang ipinapangako ang Mga Sinasaklaw na Partido tungkol sa content na nasa Mga Serbisyo. Itinatanggi rin ng Mga Sinasaklaw na Partido ang anumang warranty na (A) matutugunan ng Mga Serbisyo at Software ang iyong mga kinakailangan o ito ay laging magiging available, walang abala, napapanahon, secure, o walang error; (B) ang mga resultang makukuha mula sa paggamit sa Mga Serbisyo at Software ay magiging epektibo, tumpak, o maaasahan; (C) matutugunan ng kalidad ng Mga Serbisyo at Software ang iyong mga inaasahan; o (D) itatama ang anumang error o depekto sa Mga Serbisyo at Software.
9.2
Partikular na itinatanggi ng Mga Sinasaklaw na Partido ang lahat ng sagutin para sa anumang aksyong magreresulta mula sa iyong paggamit ng anumang Serbisyo at Software. Maaari mong gamitin at i-access ang Mga Serbisyo at Software sa iyong sariling pagpapasya at panganib, at ikaw ang tanging may responsibilidad sa anumang pinsala sa computer system mo o pagkawala ng data na magreresulta mula sa paggamit at pag-access sa anumang Serbisyo at Software.
9.3
Kung ipo-post mo ang iyong Content sa aming mga server para Ibahagi ito sa publiko sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, ang Mga Sinasaklaw na Partido ay walang responsibilidad sa: (A) anumang pagkawala, katiwalian, o pinsala sa iyong Content; (B) pag-delete ng Content ng sinuman maliban sa Adobe; o (C) pagsasama ng iyong Content ng mga third party sa iba pang website o sa iba pang media.
10. LIMITASYON NG SAGUTIN
10.1
Maliban kung nakasaad sa Mga Karagdagang Tuntunin, hindi sa anumang pagkakataon mananagot sa iyo o sa kahit sino pa ang Mga Sinasaklaw na Partido para sa anumang espesyal, nagkataon, hindi direkta, kinahinatnan, moral, huwaran, o pamparusang pinsala, anuman ang dahilan, kasama ang mga pagkawala at pinsala na (A) magreresulta mula sa pagkawala ng paggamit, data, reputasyon, kita, o tubo; (B) batay sa anumang teorya ng sagutin, kasama ang paglabag sa kontrata o warranty, kapabayaan, o iba pang mapaminsalang aksyon; o (C) magmumula sa o may kaugnayan sa iyong paggamit o pag-access sa Mga Serbisyo at Software. Wala sa Mga Tuntunin ang naglilimita o nagbubukod sa aming sagutin para sa matinding kapabayaan, sinadyang maling asal ng Adobe o ng mga empleyado nito, pagkamatay, o personal na pinsala.
10.2
Ang aming kabuuang sagutin sa anumang usaping nagmumula sa o nauugnay sa Mga Tuntunin ay limitado sa mas malaki sa (A) US $100; o (B) pinagsama-samang halaga na binayaran mo para sa access sa Mga Serbisyo at Software sa loob ng tatlong buwang panahon bago ang pangyayaring nagdulot ng sagutin. Ang aming mga supplier ay hindi magkakaroon ng sagutin sa anumang usaping magmumula sa o nauugnay sa Mga Tuntunin.
10.3
Ang mga limitasyon at pagbubukod na ito sa seksyon 10 na ito (Limitasyon ng Sagutin) ay nalalapat sa sagad na sakop na pinapahintulutan ng batas kahit na (A) hindi ka mababayaran nang buo ng isang remedy para sa anumang pagkawala o pumalya ito sa mahalagang layunin nito; o (B) alam o alam dapat ng Mga Sinasaklaw na Partido ang tungkol sa posibilidad ng mga pinsala.
10.4
11. Pagwawakas
Ibig sabihin ng Seksyon 11:
Puwede mong kanselahin ang iyong subscription anumang oras, pero puwedeng magkaroon ng mga bayarin. Kung lalabagin mo ang anuman sa mga tuntunin namin, may karapatan ang Adobe na wakasan o suspindehin ang iyong account.
11.1 Pagwawakas Mo
Puwede mong kanselahin ang iyong subscription at wakasan ang iyong paggamit sa Mga Serbisyo at Software anumang oras. Hindi aalisin ng pagkansela o pagwawakas ng iyong account ang anumang obligasyong bayaran ang anumang natitirang bayarin na nauugnay sa iyong subscription, kasama ang, pero hindi limitado sa mga bayarin sa maagang pagkansela.
11.2 Pagwawakas Namin
Maliban kung nakasaad sa Mga Tuntuning Partikular sa Produkto, anumang oras ay puwede naming wakasan o suspindihin ang karapatan mong gamitin at i-access ang Mga Serbisyo at Software kung sa sariling pagpapasya ng Adobe ay:
(A) lumalabag ka sa anumang probisyon ng Mga Tuntunin (o kumikilos ka sa paraang malinaw na nagpapakita na hindi mo nilalayon, o hindi mo magawang, sumunod sa Mga Tuntunin);
(B) hindi mo nabayaran sa tamang oras ang mga bayarin para sa Mga Serbisyo at Software, kung mayroon man;
(C) sa pisikal, pasalita, o iba pang paraan, inaabuso, pinagbabantaan, tinatakot, o ginigipit mo kami o ang aming tauhan (sa ganitong mga sitwasyon, puwede rin naming suspindihin o paghigpitan ang access mo sa Mga Serbisyo at Software);
(D) paulit-ulit kang nagreklamo nang may masamang hangarin o walang makatuwirang batayan, at patuloy mo itong ginagawa pagkatapos naming hilingin sa iyo na huminto (sa ganitong mga sitwasyon, puwede naming suspindihin o paghigpitan ang access mo sa Mga Serbisyo o Software);
(E) ang patuloy na pagbibigay sa iyo ng Software o Mga Serbisyo ay lalabag sa anumang naaangkop na batas;
(F) pinili naming ihinto ang Mga Serbisyo at Software, sa kabuuan o ang mga bahagi nito kung magiging hindi praktikal para sa amin na ipagpatuloy ang pag-aalok ng Mga Serbisyo sa iyong rehiyon dahil sa pagbabago ng batas, o iba pang dahilan; o kaya ay
(G) matagal nang walang aktibidad sa iyong libreng account.
Kung wawakasan namin ang Mga Tuntunin, o ang paggamit mo sa Mga Serbisyo at Software para sa mga dahilan maliban sa layunin, tulad ng nakalista sa alinman sa Seksyon (A) hanggang (D) at (G) sa itaas, gagawa kami ng mga makatuwirang pagsisikap na abisuhan ka sa pamamagitan ng email address na ibinigay mo sa amin, nang hindi bababa sa tatlumpung (30) araw bago ang pagwawakas, at bigyan ka ng mga tagubilin kung paano kunin ang iyong Content. Kung wawakasan namin ang iyong paggamit ng Mga Serbisyo at Software para sa mga kadahilanang nakalista sa Seksyon (E) o (F), maaari kaming magbigay sa iyo, sa sarili naming pagpapasya, ng pro rata na refund para sa anumang prepaid at hindi nagamit na bayarin para sa Serbisyo o Software na iyon. Sa pagwawakas namin, puwede kang mawalan ng access sa iyong Content.
11.3 Pagpapatuloy
Kapag nag-expire o winakasan ang Mga Tuntunin, posibleng tumigil sa paggana ang ilan o lahat ng Serbisyo at Software nang walang paunang abiso. Magpapatuloy ang iyong mga obligasyon sa pagbabayad-danyos, ang aming mga disclaimer sa warranty at mga limitasyon ng sagutin, at ang mga probisyon sa paglutas ng hindi pagkakaunawaan na nakasaad sa Mga Tuntunin.
11.4 Mga Pag-deactivate at Pag-apela ng Account
Kung naniniwala kang hindi dapat na-deactivate ang iyong Adobe Account, puwede kang magsumite ng apela sa pamamagitan ng pagsunod sa prosesong nakabalangkas kapag sinubukan mong mag-log in sa iyong account o sa aming Transparency Center. Kung mayroon kang anumang kaugnay na tanong, makipag-ugnayan sa Adobe Customer Care.
12. Mga Trade Sanction at Pagsunod sa Pagkontrol sa Pag-export
Ang Mga Serbisyo at Software, at ang paggamit mo sa mga ito, ay napapailalim sa mga batas, paghihigpit, at regulasyon ng United States at iba pang hurisdiksyon na namamahala sa pag-import, pag-export, at paggamit ng Mga Serbisyo at Software. Sa pamamagitan ng paggamit sa Mga Serbisyo at Software, sumasang-ayon kang sumunod sa lahat ng nasabing batas, paghihigpit, at regulasyon, at pinapatunayan mo na hindi ka pinagbabawalang tumanggap ng Mga Serbisyo at Software ng mga batas ng anumang hurisdiksyon. Bukod pa rito, sumasang-ayon kang hindi ka mag-a-upload o magpapadala sa anumang Serbisyo o Software ng anumang content na kinokontrol para sa pag-export mula sa United States (kasama ang teknikal na data na kinokontrol sa ilalim ng US International Traffic in Arms Regulations at teknolohiyang kinokontrol sa ilalim ng US Export Administration Regulations) nang walang paunang nakasulat na pag-apruba mula sa Adobe.
13. Batas sa Consumer sa Australia
Wala sa Mga Tuntunin ang naglalayong ibukod, paghigpitan, o baguhin ang anumang karapatan ng consumer sa ilalim ng Competition and Consumer Act 2010 (Cth) (“CCA”) o anupamang batas na hindi puwedeng ibukod, paghigpitan, o baguhin sa pamamagitan ng kasunduan. Kung ang CCA o anupamang batas ay nagpapahiwatig ng kundisyon, warranty, o termino sa Mga Tuntunin o nagbibigay ng mga garantiya ayon sa batas na may kaugnayan sa Mga Tuntunin, tungkol sa mga produkto o serbisyong ibinibigay (kung mayroon), ang aming sagutin para sa paglabag sa nasabing kundisyon, warranty, ang ibang termino o garantiya ay limitado (sa aming pagpapasya), hangga't kaya nitong gawin iyon: (A) sa sitwasyon ng supply ng «1»«2»mga produkto, sa paggawa namin ng alinmang isa o higit pa sa mga sumusunod: (1) pagpapalit ng mga kalakal o pagbibigay ng mga katumbas na kalakal; (2) pag-aayos ng mga kalakal; (3) pagbabayad ng halaga ng pagpapalit ng mga kalakal o ng pagkuha ng mga katumbas na kalakal; at (4) pagbabayad ng halaga ng pagpapaayos ng mga kalakal; o kaya, (B) sa sitwasyon ng pagbibigay ng mga serbisyo, sa paggawa namin ng alinman o dalawa sa mga sumusunod: (1) muling pagbibigay ng mga serbisyo; at (2) pagbabayad ng halaga ng muling pagbibigay ng mga serbisyo.
14. Paglutas sa Hindi Pagkakaunawaan, Pagsusuko ng Class Action, Kasunduan sa Arbitrasyon
Available ang Adobe Customer Care para tugunan ang karamihan ng mga alalahanin na posibleng mayroon ka tungkol sa Mga Serbisyo at Software ng Adobe. Makipag-ugnayan sa Adobe Customer Care dito: https://www.adobe.com/go/csupport_subscripterms_ph.
14.1 Abiso sa Claim at Proseso ng Paglutas sa Hindi Pagkakaunawaan sa Kinakailangang Impormasyon
Ibig sabihin ng Seksyon 14.1:
Sumasang-ayon kang abisuhan ang Adobe tungkol sa anumang hindi pagkakaunawaan at resolbahin ito sa maayos na paraan. Kung hindi iyon gagana, pagpapasyahan ang hindi pagkakaunawaan sa hukuman ng small claims o sa pamamagitan ng arbitrasyon. Pero subukan muna nating magkaayos.
Kung mayroon kang anumang alalahanin o hindi pagkakaunawaan na hindi kayang lutasin ng Adobe Customer Care (“Claim”), sumasang-ayon kang subukan munang lutasin ang hindi pagkakaunawaan sa hindi pormal na paraan at nang may mabuting loob sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin at pagbibigay ng nakasulat na Abiso sa Claim sa address na ibinigay sa seksyon 18.2 (Abiso sa Adobe). Ang Abiso sa Claim ay dapat magbigay sa Adobe ng patas na abiso tungkol sa iyong pagkakakilanlan, ng paglalarawan ng katangian at batayan ng iyong Claim, at ng lunas na hinihingi mo, kasama ang partikular na halaga ng anumang perang lunas na hinihingi mo, at hindi ito puwedeng isama sa Abiso sa Claim para sa iba pang indibidwal. Kung ang anumang hindi pagkakaunawaan na nauugnay sa iyong Claim ay hindi malulutas sa loob ng 30 araw pagkatapos itong matanggap, ang anumang magreresultang legal na aksyon ay dapat malutas sa pamamagitan ng small claims court o pinal at may-bisang arbitrasyon, kasama ang anumang hindi pagkakaunawaan tungkol sa kung kinakailangan ang arbitrasyon para sa hindi pagkakaunawaan, alinsunod sa mga pagbubukod na itinakda sa ibaba. Wala sa alinmang partido ang magpapasimula ng legal na aksyon hanggang 30 araw pagkatapos matanggap ang Abiso sa Claim. Ang kasunduang ito na mag-arbitrate ay malalapat, nang walang limitasyon, sa lahat ng claim na lumabas o iginiit bago ang petsa ng pagkakabisa ng Mga Tuntunin. Ang arbitrator, at hindi ang anumang pederal, pang-estado, o lokal na hukuman o ahensya, ang magkakaroon ng eksklusibong awtoridad na lutasin ang anumang hindi pagkakaunawaan na may kaugnayan sa interpretasyon, paglalapat, o pagpapatupad ng Mga Tuntunin o pagbuo ng Mga Tuntunin, kasama ang kung ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin ay napapailalim sa arbitrasyon (ibig sabihin, ang arbitrator ang magpapasya sa arbitrability ng anumang hindi pagkakaunawaan) at kung ang lahat o anumang bahagi ng Mga Tuntuning ito ay walang bisa o puwedeng ipawalang-bisa. Ang mga claim na nauugnay sa Mga Tuntunin, Serbisyo, o Software ay permanenteng pagbabawalan kung hindi ito mailalapit sa loob ng isang taon mula sa pangyayaring nagresulta sa Claim.
14.2 Walang Class Action
Puwede mo lang lutasin ang mga hindi pagkakaunawaan sa amin bilang indibidwal, at hindi ka puwedeng maglapit ng claim bilang plaintiff o class member sa isang class, consolidated, o representative action. Gayunpaman, kung ang anumang bahagi ng pagsusuko ng class action na ito ay ituturing na hindi maipapatupad o hindi valid kaugnay ng isang partikular na remedy, ang remedy na iyon (at ang remedy lang na iyon) ay dapat ihiwalay sa arbitrasyon at puwedeng habulin sa korte. Gayunpaman, sumasang-ayon ang mga partido na ang anumang paghatol sa mga remedy na hindi napapailalim sa arbitrasyon ay dapat manatili habang nakabinbin ang resulta ng anumang claim at remedy na puwedeng i-arbitrate.
14.3 Mga Panuntunan sa Arbitrasyon
Kung nakatira ka sa Americas, ang JAMS ang mangangasiwa ng arbitrasyon sa Santa Clara County, California, USA, alinsunod sa Streamlined Arbitration Rules and Procedures nito. Kung nakatira ka sa Australia, New Zealand, Japan, mainland China, Hong Kong, Macau, Taiwan, South Korea, India, Sri Lanka, Bangladesh, Nepal, o sa isang miyembrong estado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Singapore International Arbitration Centre (SIAC) ang mangangasiwa sa arbitrasyon sa Singapore sa ilalim ng Mga Panuntunan ng Arbitrasyon nito, na ang mga panuntunan ay itinuturing na kasama sa seksyong ito sa pamamagitan ng pagbanggit. Kung hindi, ang London Court of International Arbitration (LCIA) ang mangangasiwa sa arbitrasyon sa London, UK sa ilalim ng LCIA Arbitration Rules. Magkakaroon ng isang arbitrator na pareho ninyong pipiliin ng Adobe. Ang arbitrasyon ay isasagawa sa wikang English, pero sinumang saksi na ang katutubong wika ay hindi English ay puwedeng magbigay ng testimonya sa katutubong wika ng saksi, na may kasabay na pagsasalin sa English (sa gastos ng partido na naghaharap ng saksi). Ang paghatol sa ibinigay na gawad ay puwedeng ipasok at maipapatupad sa anumang hukuman na may angkop na hurisdiksyon na may hurisdiksyon sa iyo at sa amin. Kung sakaling may salungatan sa pagitan ng mga panuntunan ng provider ng arbitrasyon at ng Mga Tuntunin, kasama ang patungkol sa pagtatasa sa mga bayarin at gastusin ng arbitrasyon, ang Mga Tuntunin ang mamamahala.
14.4 Mga Bayarin at Gastos sa Arbitrasyon
Ang pagbabayad ng lahat ng bayarin sa paghahain, pangangasiwa, at arbitrator at gastos sa arbitrasyon ay papamahalaan ng mga panuntunan ng provider ng arbitrasyon, maliban kapag naglapit ka ng Claim bilang bahagi ng Coordinated Action, sumasang-ayon kami na ang mga partido ay pantay na maghahati sa lahat ng bayarin at gastos sa arbitrasyon (hangga't ang paglalaan ay hindi pa kinakailangan sa ilalim ng mga naaangkop na panuntunan). Para sa mga layunin ng seksyong ito, ang “Coordinated Action” ay anumang aksyon kung saan kinakatawan ka ng isang law firm o koleksyon ng mga law firm na naghain ng maraming coordinated na indibidwal na kahilingan sa arbitrasyon na may kapareho o katulad na katangian laban sa Adobe sa loob ng maikling panahon. Sa kabila ng nabanggit sa itaas, kung hindi mo kayang bayaran ang mga bayarin o gastusin sa arbitrasyon, ang Adobe ang magbabayad nito. Kung mapag-aalaman ng arbitrator na walang katuturan ang nilalaman ng isang Claim o ang lunas na hinihingi sa arbitrasyon, o inilapit ang isang Claim dahil sa hindi angkop na layunin, posibleng gustuhin ng mga partido na ilaan ulit ang mga bayarin at gastusin sa arbitrasyon, ayon sa mga panuntunan ng provider ng arbitrasyon.
14.5 Mga Pagbubukod sa Arbitrasyon – Small Claims at Lunas na Mapagpigil
Sa kabila ng nabanggit, puwedeng piliin ng alinmang partido na ang anumang Claim na napapailalim sa hurisdiksyon ng small claims court ay pagpasyahan sa small claims court sa Santa Clara County, California, USA, o sa county kung saan ka nakatira. Kung ang alinmang partido ay naghain ng Claim sa arbitrasyon na inilapit sana sa small claims court, ang kabilang partido ay puwedeng magbigay ng abiso na gusto nitong mapagpasyahan ang kaso sa small claims court bago magtalaga ng arbitrator, at dapat isara ng arbitrator ang kaso para sa pangangasiwa bago tasahin ang anumang bayarin, at dapat magpatuloy ang partidong naglapit ng Claim sa small claims court bilang kapalit ng arbitrasyon. Anumang hindi pagkakaunawaan tungkol sa kung kuwalipikado ba ang isang Claim para sa small claims court ay dapat lutasin ng hukumang iyon, hindi ng isang arbitrator. Kung sakaling magkaroon ng anumang katulad na hindi pagkakaunawaan, mananatiling sarado ang paglilitis sa arbitrasyon, maliban na lang o hanggang sa magkaroon ng desisyon sa small claims court na dapat magpatuloy sa arbitrasyon ang Claim. Dagdag pa rito, ang alinmang partido ay may karapatang mag-apply para sa mga paunang lunas na mapagpigil (o katumbas na uri ng agarang legal na lunas) sa anumang hurisdiksyon, halimbawa, kapag na-access mo o ng iba nang walang pahintulot o ginamit mo o ng iba ang Mga Serbisyo o Software nang labag sa ang Mga Tuntunin. Kung ang isang partido ay may hindi pagkakaunawaan kung saan sila ay naghahangad na makakuha ng paunang lunas na mapagpigil at iba pang anyo ng lunas, ang partido ay puwedeng lumapit sa korte para humingi ng paunang lunas na mapagpigil pero dapat nitong i-arbitrate ang mga claim nito o dapat itong humingi ng lunas sa small claims court para sa lahat ng iba pang anyo ng lunas.
14.6 Pagtanggap ng Arbitrasyon at Karapatang Mag-opt Out
Sa loob ng unang tatlumpung (30) araw ng iyong paggamit sa Mga Serbisyo at Software o ng petsa ng huling pag-update sa seksyon 14 (Paglutas sa Hindi Pagkakaunawaan, Pagsusuko ng Class Action, Kasunduan sa Arbitrasyon) ng Mga Tuntunin, alinman ang mas huli, may karapatan kang mag-opt out sa mga probisyon sa arbitrasyon at pagsusuko ng class action ng seksyon 14 (Paglutas sa Hindi Pagkakaunawaan, Pagsusuko ng Class Action, Kasunduan sa Arbitrasyon) sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng nakasulat na abiso tungkol sa iyong desisyon sa address na nakalagay sa seksyon 18.2 (Abiso sa Adobe) o sa pamamagitan ng email sa ContractNotifications@adobe.com. Kung mag-o-opt out ka sa mga probisyong ito, hindi rin mapapailalim dito ang Adobe.
15. Mga Karapatan sa Pag-audit
Ibig sabihin ng Seksyon 15:
May karapatan ang Adobe na kumpirmahing sumusunod sa mga tuntunin namin ang paggamit ng mga negosyo sa aming mga produkto at serbisyo. Hindi ito nalalapat sa mga indibidwal na gumagamit sa sarili nilang personal na (hindi pangnegosyong) account o profile.
Kung ikaw ay isang Negosyo, puwede naming italaga, nang hindi hihigit sa isang beses bawat labindalawang (12) buwan, sa hindi bababa sa pitong (7) araw na maagang abiso sa iyo, ang aming tauhan o ang isang independent na third-party na auditor na obligadong panatilihin ang pagiging kumpidensyal, na siyasatin (kasama ang mano-manong pagsisiyasat, mga electronic na paraan, o pareho) ang iyong mga record, system, at pasilidad para ma-verify na ang iyong pag-install at paggamit sa Mga Serbisyo o Software ay nakakasunod sa aming Mga Tuntunin. Bukod pa rito, ibibigay mo sa amin ang lahat ng record at impormasyong hiniling namin sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa aming kahilingan para ma-verify namin na ang pag-install at paggamit ng anuman at lahat ng Serbisyo at Software ay naaayon sa iyong mga valid na lisensya. Kung ang pag-verify ay maghahayag ng kakulangan sa pagsunod sa mga lisensya para sa Mga Serbisyo at Software, kukunin mo agad ang anumang kinakailangang lisensya, subscription, at naaangkop na back maintenance at support o iba pang naaangkop na aksyon para maremedyuan ang anumang katulad na hindi pagsunod.
16. Mga Update sa Mga Serbisyo at Software at Availability
16.1 Mga Update sa Mga Serbisyo at Software
Puwede naming baguhin, i-update, o ihinto ang Mga Serbisyo at Software (kasama ang anumang bahagi o feature), na ang mga pagbabago, pag-update o paghinto ay, bilang paglilinaw, posibleng makasama o magresulta sa pagbabawas ng halaga sa iyo, anumang oras, nang walang sagutin sa iyo o kahit kanino pa. Para sa mga pagbabago sa mga may bayad na alok na, sa makatuwirang pagpapasya ng Adobe, ay nakakasama o nagreresulta sa materyal na pagbabawas ng halaga sa iyo, gagawa kami ng mga makatuwirang komersyal na pagsisikap na abisuhan ka tungkol sa nasabing pagbabago, pag-update, o paghinto. Kung ihihinto namin ang Mga Serbisyo o Software sa kabuuan nito, gagamit kami ng mga makatuwirang komersyal na pagsisikap para mabigyan-daan kang ilipat ang iyong Content, at maaari kaming magbigay sa iyo ng pro rata na refund para sa anumang hindi nagamit na bayarin para sa Serbisyo o Software na iyon na pauna mong binayaran.
16.2 Availability
Ang aming mga webpage ay puwedeng i-access sa buong mundo, pero hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng Serbisyo at Software ay available sa iyong bansa o ang content na mula sa user na available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo at Software ay legal o available sa iyong bansa. Puwedeng i-block sa ilang partikular na bansa ang access sa ilang partikular na Serbisyo (o ilang partikular na feature ng Serbisyo) o Software. Ang mga user sa China ay hindi pinahihintulutan na mag-access o gumamit ng anumang online na serbisyo sa aming Mga Serbisyo at Software at dapat silang bumili ng Mga Serbisyo at Software na partikular na ginawang available sa mga user sa China para magamit sa China. Responsibilidad mong siguraduhin na ang iyong paggamit sa Mga Serbisyo at Software ay legal o available kung saan mo ginagamit ang mga ito. Ang Mga Serbisyo at Software ay hindi available sa lahat ng wika.
17. Walang Pagbabago, Pag-reverse Engineer, Artificial Intelligence/Machine Learning (AI/ML)
Ibig sabihin ng Seksyon 17:
Namumuhunan kami sa aming teknolohiya at mga serbisyo at hindi ka namin pinapayagang gayahin o subukang gayahin ang mga produkto namin.
Ginawa ang mga produkto namin para masuportahan ang pagkamalikhain at productivity, at hindi para gumawa ng mga AI training dataset.
Maliban sa mga aktibidad ng reverse engineering at mga pagtangkang gayahin ang mga produkto namin na inilalarawan sa ibaba, puwede mong gamitin ang Firefly at ang aming mga generative AI tool para gumawa ng content para anupamang ibang legal na layunin.
Ang ilang partikular na elemento ng Mga Serbisyo at Software ay bumubuo sa aming kumpidensyal na impormasyon (o sa kumpidensyal na impormasyon ng aming mga tagapaglisensya). Maliban kung hayagang pinapahintulutan sa Mga Tuntunin, hindi mo puwedeng (at hindi mo puwedeng payagan ang mga third party na): (A) baguhin, i-port, iakma, o isalin ang anumang bahagi ng Mga Serbisyo o Software; (B) i-reverse engineer (kasama ang pero hindi limitado sa pag-monitor o pagsubaybay sa mga input at output na dumadaloy sa isang system o isang application para muling gawin ang system na iyon), i-decompile, i-disassemble, o kung hindi man ay subukang tuklasin, sa anumang Serbisyo o Software, ang source code, mga representasyon ng data o pinagbabatayang algorithm, proseso, pamamaraan, at anupamang bahagi ng nasabing Serbisyo o Software; o (C) gamitin ang Mga Serbisyo o Software, o anumang content, data, output, o iba pang impormasyong natanggap o hinango mula sa Mga Serbisyo o Software, para direkta o hindi direktang gumawa, magsanay, sumubok, o kung hindi man ay magpahusay ng anumang machine learning algorithm o artificial intelligence system, kabilang ang, pero hindi limitado sa, anumang arkitektura, modelo, o timbang. Kung ang mga batas ng iyong hurisdiksyon ay nagbibigay sa iyo ng karapatang i-decompile ang Mga Serbisyo o Software para makakuha ng impormasyong kinakailangan para gawing interoperable ang mga lisensyadong bahagi ng Mga Serbisyo o Software sa ibang software, dapat mo munang hilingin ang nasabing impormasyon sa amin. Sa aming pagpapasya, puwede naming ibigay ang nasabing impormasyon sa iyo o puwede kaming magpataw ng mga makatuwirang kundisyon, kasama ang makatuwirang bayad, sa iyong pag-decompile ng Mga Serbisyo o Software para matiyak na protektado ang aming mga karapatan sa pagmamay-ari at ang mga karapatan sa pagmamay-ari ng aming mga tagapaglisensya at supplier sa Mga Serbisyo at Software.
18. Iba pa
18.1 English na Bersyon
Ang English na bersyon ng Mga Tuntunin ang bersyong gagamitin kapag binibigyang-kahulugan o ipinapaliwanag ang Mga Tuntunin.
18.2 Abiso sa Adobe
Puwede kang magpadala ng mga abiso sa amin sa sumusunod na address: Adobe Inc., 345 Park Avenue, San Jose, California, 95110-2704, USA, Attention: General Counsel.
18.3 Abiso sa Iyo
Puwede ka naming abisuhan sa pamamagitan ng iyong email o postal mail na nauugnay sa iyong account, mga posting sa Mga Serbisyo, o iba pang legal na tinatanggap na paraan. Responsibilidad mong panatilihing napapanahon ang impormasyon ng iyong account para makatanggap ka ng mga abiso.
18.4 Hindi Pagtatalaga
Hindi mo puwedeng italaga o kung hindi man ay ilipat ang Mga Tuntunin o ang iyong mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntunin, sa kabuuan o mga bahagi nito, nang wala ang aming nakasulat na pahintulot, at magiging walang bisa ang anumang katulad na pagtatangka. Puwede naming italaga o ilipat ang aming mga karapatan sa ilalim ng Mga Tuntunin sa isang third party nang walang pahintulot mo.
18.5 Mga Tuntunin ng Pamahalaan
Kung ikaw ay isang entity ng pamahalaan ng U.S., o kung ang Mga Tuntunin ay napapailalim o mapapailalim sa Federal Acquisition Regulations (FAR), ang Mga Serbisyo at Software, na ibinibigay sa ilalim ng Mga Tuntunin ay “(Mga) Komersyal na Produkto o (Mga) Komersyal na Serbisyo,” gaya ng paglalarawan sa mga terminong iyon sa 48 CFR §2.101, na binubuo ng “Komersyal na Computer Software” at “Dokumentasyon ng Komersyal na Computer Software,” at mga serbisyong nauugnay roon, gaya ng paggamit sa mga terminong iyon sa 48 CFR §12.212 o 48 CFR §227.7202, ayon sa naaangkop. Alinsunod sa 48 CFR §12.212 o 48 CFR §227.7202-1 hanggang §227.7202-4, ayon sa naaangkop, ang Komersyal na Computer Software at Dokumentasyon ng Komersyal na Computer Software ay lisensyado sa Mga End User sa Pederal na Pamahalaan ng U.S. (A) bilang Mga Komersyal na Produkto at Serbisyo lang; at (B) kasama lang ang mga karapatang ibinibigay sa lahat ng iba pang end user alinsunod sa Mga Tuntunin. Ang mga hindi naka-publish na karapatan ay nakalaan sa ilalim ng mga batas ng United States.
18.6 Mga Heading
Ang mga heading na ginagamit sa Mga Tuntunin ay ibinibigay para lang sa pagbibigay ng kaluwagan at hindi gagamitin para ipaliwanag ang kahulugan o layunin.
18.7 Pagkakahiwalay
Kung may anumang probisyon ng Mga Tuntunin na pinapaniwalaang hindi valid o hindi maipapatupad sa anumang dahilan, ang natitira sa Mga Tuntunin ay magpapatuloy nang may buong puwersa at bisa at ang nasabing probisyon ay hindi lang magiging epektibo hanggang sa sakop ng nasabing pagiging hindi valid o hindi maipapatupad.
18.8 Walang Pagsusuko
Ang aming pagpalyang ipatupad o gamitin ang anumang probisyon ng Mga Tuntunin ay hindi pagsusuko ng probisyong iyon.
18.9 Force Majeure
Wala sa alinmang partido ang mananagot sa kabilang partido para sa anumang pagkaantala o pagpalyang gampanan ang anumang obligasyon (maliban sa iyong mga obligasyon sa pagbabayad sa Adobe) sa ilalim ng Mga Tuntunin kung ang pagkaantala o pagpalya ay dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, na nangyari pagkatapos ng bisa ng Mga Tuntunin at lampas sa makatuwirang kontrol ng mga partido, tulad ng mga welga, blockade, digmaan, terorismo, riot, likas na sakuna, pagtanggi sa lisensya ng pamahalaan o iba pang ahensya ng pamahalaan, hangga't ang mga nasabing pangyayari ay humahadlang o nakakaantala sa pagtupad ng apektadong partido sa mga obligasyon nito at ang nasabing partido ay hindi kayang pigilan o alisin ang force majeure sa makatuwirang halaga.
19. DMCA
Iginagalang namin ang Mga Karapatan sa Intelektwal na Pag-aari ng iba, at inaasahan naming gagawin din ito ng aming mga user. Sasagot kami sa mga malinaw na abiso ng paglabag sa copyright na naaayon sa Digital Millennium Copyright Act (“DMCA”). Puwede mong malaman ang higit pa tungkol sa mga patakaran at kasanayan ng Adobe sa Pag-aalis ng IP rito: https://www.adobe.com/legal/dmca.html.
Adobe Inc.: 345 Park Avenue, San Jose, California 95110-2704, USA.
Adobe Systems Software Ireland Limited: 4-6 Riverwalk, City West Business Campus, Saggart, Dublin 24, Republic of Ireland
Adobe_General_Terms_of_Use-fil_PH_20240217
Listahan ng Naka-hyperlink na Dokumento ng Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit (nakalista ayon sa pagkakasunud-sunod ng pagbanggit sa itaas):
1. Mga Tuntunin sa Subscription at Pagkansela: https://www.adobe.com/legal/subscription-terms.html
2. Mga Karagdagang Tuntunin para sa Data ng Mag-aaral ng K-12 (Primarya at Sekondarya) at Mas Mataas na Edukasyon: https://www.adobe.com/content/dam/cc/en/legal/servicetou/Adobe-EDU-Terms-en_US-20210701.pdf
3. Personal na content na naka-store sa Creative Cloud at Document Cloud para sa mga team o enterprise cloud storage HelpX: https://helpx.adobe.com/ph_fil/enterprise/kb/business-storage.html
4. Patakaran sa Privacy: https://www.adobe.com/privacy/policy.html
5. Mga Pagpipilian sa Privacy ng Adobe: https://www.adobe.com/privacy/opt-out.html
6. FAQ sa Pagsusuri ng Content: https://helpx.adobe.com/ph_fil/manage-account/using/machine-learning-faq.html
7. Mga indibidwal mula sa mga bansa sa EEA at Kasunduan sa Pagpoproseso ng Data sa UK para sa Adobe Cloud Services: https://dpa.adobe.com/dpaTermsOfUse?type=55
8. Mga indibidwal sa labas ng EEA at Mga Tuntunin sa Pagprotekta ng Data sa UK para sa Cloud Services: https://www.adobe.com/content/dam/cc/en/legal/terms/enterprise/pdfs/DPT-WW.pdf
9. Mga alituntunin sa suporta ng software ng Adobe: https://helpx.adobe.com/ph_fil/support/programs/support-periods.html
10. Transparency Center: https://www.adobe.com/trust/transparency.html
11. I-upload ang iyong mga font sa Creative Cloud: https://helpx.adobe.com/ph_fil/creative-cloud/help/upload-your-fonts-to-creative-cloud.html#licensing
12. Mga Alituntunin sa Pagiging Kuwalipikado ng Primarya at Sekondaryang Institusyon: https://helpx.adobe.com/ph_fil/enterprise/using/primary-and-secondary-institution-eligibility-guidelines.html
13. Mga Notice ng Third Party na Software at/o Mga Karagdagang Tuntunin at Kundisyon: https://www.adobe.com/products/eula/third_party.html
14. Mga Karapatan sa Paggamit ng Image: https://www.adobe.com/legal/permissions/image-notice.html
15. Adobe Customer Care: https://helpx.adobe.com/ph_fil/contact.html?step=CCSN_membership-account-payment_cancel-your-membership
16. Patakaran sa Pag-aalis ng Intelektwal na Ari-arian: https://www.adobe.com/legal/dmca.html