Mga kahilingan sa pagpapapalit
Adobe Acrobat Sign
Ano man ang iyong industriya o saan ka nagpapatakbo ng negosyo, nagbibigay-daan sa iyo ang Acrobat Sign na maghatid ng mga secure at sumusunod na digital workflow na tumutulong sa bawat departamento na mas marami ang magawa nang mas mabilis.
Bumuo ng mga maayos na workflow sa anumang departamento at magdagdag ng mga e-signature para sa mga mas mabilis at walang abalang pag-apruba. Madali para sa simunan sa iyong organisasyon na mag-send ng mga dokumento para sa e-signature para isa o higit pang tao.
Nag-i-integrate ang Acrobat Sign sa iba pang solution ng Adobe, gaya ng Acrobat at Creative Cloud, para gumawa ng magagandang experience na maa-access kailanman, saanman, at sa anumang device.
Ang Acrobat Sign ang pinipiling e-signature solution ng Microsoft, na ibig sabihin ay makukuha mo ang mga pinakakomprehensibong integration sa suite ng mga application ng Microsoft para sa mga mas maayos na workflow gamit ang mga application na ginagamit mo na.
Ang Adobe ang pinagkakatiwalaang nangunguna sa mga pandaigdigan at secure na experience sa e-signing. Tiyakin na natutugunan mo ang mga kinakailangan sa pagsunod habang binabawasan ang panganib para sa iyong organisasyon gamit ang Acrobat Sign Solutions, Ang aming mga e-signature ay legal na may bisa at hino-host sa mga napakatatag na data center sa buong mundo.
Gumagamit ang HR department ng San Diego State University ng Acrobat Sign para makatipid ng maraming oras sa 12,000 transaksyon sa pag-onboard bawat taon.
Lumipat ang Varian sa Acrobat Sign mula sa DocuSign para mas mahusay na pangasiwaan ang mahigit 300,000 e-signature na transaksyon kada taon.
Gumagamit ang Persol ng Acrobat Sign para pabilisin ang mga proseso, kung saan binabawasan ang oras na kailangan para gumawa at mag-send ng kontrata mula pitong minuto na 10 segundo na lang.
Ipatupad ang Acrobat Sign Solutions sa buong negosyo mo para mas mabilis na gumawa ng mga pang-araw-araw na gawain, hindi madaling magkaroon ng error, at mas sulit. Narito ang ilang gawain na pinadali gamit ang mga digital na proseso at e-signature:
Mga kahilingan sa pagpapapalit
Pag-manage ng asset
Pag-sign off
sa mga kinakailangan
Paghahatid ng order
Mga pag-apruba ng budget
Pahintulot sa pagpapanatili
Ang pinipiling e-signature solution ng Microsoft, ang Acrobat Sign Solutions, ay nagbibigay sa iyo ng mga malalim na integration sa mga suite ng mga application ng Microsoft kabilang ang Microsoft Teams at Microsoft 365 — na pinapadali ang mga workflow sa buong organisasyon mo. Puwede kang bumuo ng iba't ibang integration sa Acrobat Sign Solutions gamit lang ang mga API at walang karagdagang gastos.
Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong pangangailangan sa negosyo, narito kami para tumulong.