Frame.io para sa Creative Cloud. Nasa Premiere Pro at After Effects na ngayon.

Mas mabilis na mabuo ang pinal na video sa tulong ng pinakamahuhusay na tool sa pagsusuri at collaboration sa video sa mundo. Subukan ang Frame.io ngayon sa Premiere Pro.

Ano'ng nasa Frame.io para sa Creative Cloud?

Nagbibigay ang Frame.io ng mga real-time na tool sa pagsusuri at pag-apruba, napakabilis na pag-share ng media, mga direktang paglilipat sa Cloud mula sa Camera, 100GB na storage, at marami pa — sa loob mismo ng Premiere Pro at After Effects.

Mas mabilis na makakuha ng feedback sa timeline mo.

I-update ang mga reviewer kahit saan at bawasan ang tagal ng revision gamit ang mga naka-share na link at online na feedback na makikita kung saan mo ito kailangan — nang may timestamp, sa timeline mo.

Mag-share ng footage nang walang kahirap-hirap.

Sa tulong ng remote na cloud sharing sa Frame.io, mabilis mag-upload at mag-download ng naka-share na media. Pwede kang mag-manage ng hanggang limang proyekto nang sabay-sabay. At pinapadali ng 100GB na nakalaang storage sa Frame.io na mag-ayos at mag-share sa ibang user.

Maglipat sa Cloud mula sa Camera sa ilang segundo lang.

Sa natatanging workflow sa Frame.io, direktang maa-upload sa Premiere Pro ang footage na na-capture on location kahit saan — para masimulan mo ang post habang isinasagawa pa rin ang production.

Bawasan ng 31% ang mga turnaround time ng video at dagdagan ng 36% ang kasiyahan ng kliyente gamit ang mga tool sa collaboration sa video ng Frame.io. Ngayon, naka-built in na ang mga tool na ito sa Premiere Pro at After Effects.

(Source: IDC 2020)

Mga kwento ng customer.

Tingnan kung paano nagtatagumpay ang mga team sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong sa paghahanap ng solusyon.

Pag-edit sa Everything Everywhere All at Once.

Noong in-edit ni Paul Rogers ang pinakabago niyang pelikula, umasa siya sa Frame.io at Premiere Pro. “Nagustuhan ko kung gaano kapartikular mo pwedeng gawin ang mga note,” sabi niya. “Pwede mong itapat sa eksaktong timecode, pwede kang mag-draw ng mga image sa ibabaw, at pwede mong bilugan ang bagay na ayaw mo.”

Mag-collaborate sa at patungo sa iba't ibang panahon.

Umaasa ang filmmaker na si David Lowery sa Frame.io para makipagtulungan sa mga team sa iba't ibang bahagi ng mundo para sa lahat ng pelikula niya, pati na sa pinakabago niyang pelikula naThe Green Knight. “Lalo pang gumanda ang mismong creative work dahil lalong naging epektibo ang komunikasyon namin,” sabi niya.

Pagkukuwento hanggang sa kabilang ibayo.

Mula sa social media, mga commercial campaign, hanggang sa mga feature documentary, nakadepende ang Malka team sa cloud workflow ng Frame.io para patuloy na pag-ugnayin ang mga creative at kliyente nila, kahit na magkakalayo sila.

May mga tanong? Mayroon kaming sagot.

Paano ko makukuha ang Frame.io para sa Creative Cloud?

Kasama ito sa Creative Cloud All Apps, Premiere Pro, at After Effects. Hindi kailangan ng kahit anong dagdag na bayad o pagpaparehistro. I-update lang ang mga app mo at magsimulang mag-collaborate.

Paano naka-integrate ang Frame.io para sa Creative Cloud?

Direktang naka-built in ang Frame.io panel sa Premiere Pro at After Effects. Para makapagsagawa ka ng real-time na pagsusuri at pag-apruba, pagkokomento, at makapaglagay ka ng mga annotation na eksakto sa frame — nang hindi umaalis sa mga paborito mong video app.

Gaano kalaking storage ang kasama?

Sa Frame.io para sa Creative Cloud, mayroon kang access sa 100GB na nakalaang storage sa Frame.io, bukod pa sa storage na kasama na sa membership mo sa Creative Cloud.

Ilang reviewer ang pwedeng magbigay ng feedback?

Pwede kang mag-share sa kahit gaano karaming reviewer, nasaan man sila sa mundo.

Sa anong mga wika available ang Frame.io?

Sa kasalukuyan, nasa English ang Frame.io extension at web app. Available sa English, French, German, Portuguese, Simplified Chinese, Spanish, at Traditional Chinese ang Frame.io iOS app. Kapag ginagamit ang Frame.io sa web browser mo sa pamamagitan ng app.frame.io, pwede mong gamitin ang mga opsyon ng browser sa pagsasalin at localization.

Ilang proyekto ang pwede kong sabay-sabay na gawin?

Sa Frame.io para sa Creative Cloud, may kakayahan kang gumawa ng hanggang limang iba't ibang proyekto kasama ng isa pang user.

Hanapin ang Creative Cloud plan na angkop para sa iyo.

Premiere Pro Single App

₱1,146.00/buwan 

May kasamang 100GB ng cloud storage, Adobe Fonts, at Adobe Portfolio.
Alamin pa

Creative Cloud All Apps

₱1,495.00/buwan ₱2,891.00/buwan para sa unang taon. Tignan ang mga kundisyon

 Makakatipid ng 48% na diskwento sa unang taon sa buong creative toolkit para sa Video, Photography, Design, at iba pa.

Tingnan kung ano'ng kasama | Alamin pa

Mga estudyante at guro

₱997.00/buwan 

Makatipid ng mahigit 65% sa 20+ Creative Cloud app — kabilang ang Premiere Pro.
Tingnan ang mga tuntuninAlamin pa

Negosyo

      kada lisensya. Tingnan ang mga tuntunin

Makakuha ng hanggang 5 lisensya para sa iyong team at makatipid ng 30% sa unang taon. 20+ Creative Cloud app kasama ang  Premiere Pro at mga eksklusibong feature sa negosyo. 

Tingnan kung ano'ng kasama | Alamin pa

Bumili sa pamamagitan ng telepono: +65 3157 2191

Logo ng Creative Cloud

Creativity para sa lahat.

Photography, video, graphic design, illustration, at napakarami pang iba. Lahat ng kailangan mo, saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.