ADOBE CREATIVE CLOUD

Gumawa ng mga experience na palaging maganda.

Gamit ang Mga Library sa Creative Cloud, madali mong mapapamahalaan, maisasaayos, at mapapanatili ang mga pinakabago at pinakamahusay na creative element — at panatilihing hindi nagbabago ang visuals sa mga design, web page, social post, brochure, at marami pa.

Makagawa sa paraang gusto mo gamit ang mga library mo.

Kapag gumagamit ka ng daan-daang element, madaling malito sa mga indibidwal na asset. Pero gamit ang Creative Cloud, pwede kang magsaayos ng mga kulay, style ng character, logo, larawan, at marami pa sa mga library na madaling hanapin at i-share. At ngayon, pwede mong isaayos ang mga library mo sa mga naka-nest na grupo na mas pinapadaling i-retrieve ang tamang element kapag kailangan mo.

Mas kaunting pag-aayos, mas maraming creative na daloy.

Tapusin ang nakakaubos na oras na gawain na paulit-ulit na paggawa ng mga element sa bawat app. I-drag lang ang mga asset sa isang library, at awtomatikong gawing mga reusable na element ang mga ito. Maglapat ng mga style ng character nang direkta mula sa isang library. Awtomatiko ring nagsi-sync at nag-a-update ang mga pagbabago. Kaya pwedeng gumawa nang sama-sama at mas mabilis.

Ang kailangan mo, kapag kailangan mo ito.

Wala nang masasayang na oras sa paghahanap ng pinakabagong logo o pinakabagong color palette. Mahahanap mo na ang hinahanap mo nang mabilis sa mga library ng mga paborito mong Creative Cloud app. I-click para i-save ang mga file sa Adobe Stock sa mga library mo, pamahalaan ang mga audio at video asset, at marami pa.

Mahuhusay na koneksyon para makagawa nang mahusay.

Gumawa ng mas marami nang sama-sama gamit ang aming mga plugin at integration.

Mabilis na ikonekta ang mga Creative Cloud app mo sa mga paborito mong productivity app, tool sa pakikipag-collaborate, at iba pang tool sa pag-design. Pagkatapos, magagawa ng team mo na mag-share ng mga asset, kumuha ng feedback, mas mabilis na umulit — at gumawa nang mas mahusay nang sama-sama kahit saan. Available sa Adobe at mga third-party na app.

“Gumawa nang mas mabilis nang 8x sa pangkalahatan gamit ang Mga Library sa Creative Cloud.”

Ayon sa pangunahing pag-aaral ng Pfeiffer Consulting, mas produktibo ang mga creative team kapag ginagamit nila ang Mga Library sa Creative Cloud para mag-share ng mga asset at setting.

Palaging up to date ang lahat ng tamang asset.

Pwede na ngayong magkaroon ng mabilis at madaling access sa mga aprubadong bersyon at koleksyon ang kahit sinong itatalaga mo. Mag-sync at mag-share ng mga element sa mga miyembro ng design team, partner na nagtatrabaho sa Adobe Express, G Suite, Microsoft Word, at PowerPoint, at kahit sa mga vendor na nagtatrabaho sa labas ng organisasyon mo. Nakakatulong sa iyo ang mga pahintulot sa pag-edit at read-only na pahintulot na mapanatili ang creative na kontrol.

Tuklasin kung paano gumawa nang mas mahusay gamit ang Mga Library sa Creative Cloud.

Linangin ang mga kasanayan mo at matuto ng mga bagong technique gamit ang mga libreng tutorial namin.

Gumawa, mag-reuse, at mag-share ng mga asset.

Pinadali ang Pag-share

Mag-link ng mga asset ng design sa mga library mo.

Gaano ka masisiyahan sa paglikha gamit ang mga libreng library namin? Alamin

Tinutulungan ang Atlantic Records na ikonekta ang mga artist sa mga fan.

Tingnan kung paano ginagamit ng mga design team ng record label ang Mga Library sa Creative Cloud para epektibong makipag-collaborate at maghatid ng mga digital experience na maganda, consistent, at naka-customize sa brand ng bawat artist.

Dalhin ang mga inaasahan mong creative asset kahit saan.

Kunin ang Mga Library sa Creative Cloud kasama ang buong koleksyon ng mga creative app ng Adobe na kasing mura ng ₱2,891.00/buwan ​

Kunin ang Mga Library sa Creative Cloud kasama ang buong koleksyon ng mga creative app ng Adobe na kasing mura ng ₱2,891.00/buwan ​

Mga app at serbisyo. Konektado lahat sa iisang lugar.

Gumagamit ka man ng Photoshop, XD, o Adobe Express, magkakaroon ka ng direktang access sa Mga Library sa Creative Cloud mula sa loob ng lahat ng app at serbisyong ito.

Adobe Photoshop

Gumawa at mag-edit ng mga image, graphics, at artwork sa desktop at iPad.

Adobe Dimension

Adobe Dimension

Gumawa ng mga makatotohanang 3D image para sa mga brand, shot ng produkto, at packaging.

Adobe Illustrator

Mga vector graphics at illustration

Adobe Premiere Pro

Pro na pag-edit ng video at pelikula na nangunguna sa industriya.

Adobe InDesign

Design at layout ng page para sa print at digital na pag-publish.

Adobe XD

Mag-design, mag-prototype, at mag-share ng mga user experience.

Adobe Express

Adobe Express

Gumawa ng namumukod-tanging content mula sa libo-libong template nang mabilis at walang kahirap-hirap.

Adobe Color

Adobe Color

Magtugma at gumawa ng magagandang tema ng kulay na magagamit sa mga produkto ng Adobe.

Adobe Stock

Adobe Stock

Maghanap at mag-lisensya ng de-kalidad na asset sa loob ng mga Creative Cloud app mo.

Creative Cloud desktop

I-manage ang mga Creative Cloud app, serbisyo, at Mga Library mo nang walang kahirap-hirap.

Adobe After Effects

Adobe After Effects

Cinematic na visual effects at motion graphics.

Adobe Capture

Adobe Capture

Gumawa ng production-ready na art sa mobile at mag-save mismo sa mga library mo.

Logo ng Creative Cloud

Creativity para sa lahat.

Photography, video, graphic design, illustration, at napakarami pang iba. Lahat ng kailangan mo, saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.